CHAPTER 5
Ibinaba niya ang cellphone at nilingon si Vincent na naghihintay ng sasabihin niya. Bakas sa mata nito ang excitement pero kalmado parin ito. “Wrong number ako.” Pabirong tumawa siya at nag-peace sign dito. Nakita niya ang pagsimangot nito kaya naman agad niyang tinawagan muli si Sabrina but this time sinigurado niyang tama ang napindot niya.
“Geez Mookie. You’ll kill me sa pinaggagawa mo.” Biro nito. Sinensyasan niya itong manahimik dahil may sumagot na sa telepono. Kung maririnig ni Sabrina ang boses nito ay siguradong mabubulilyaso ang plano nila.
“Hello? Sab?” medyo nag-aalinlangan niyang bati. Hindi kasi siya sigurado kung iyon parin ang number ni Sabrina. Dalawang taon na silang walang contact dito. Dapat pala ay hiningi niya muna ang number nito kay Vincent.
Hindi sumasagot ang nasa kabilang linya kaya nagsalita siyang muli. “Is this Sabrina Caliente?”
“W-Who is this?” tanong ng nasa kabilang linya. She recognized the voice as Sabrina’s.
“Si Mookie ito. Maria Kristine Maximino, remember me?” Vincent continued to watch her. “Is this Sabrina?” ulit niyang tanong.
“Mookie! Long time no talk!” relieved na sagot ni Sabrina. “Napatawag ka?”
Hindi parin pala nagpapalit ng numero ito. Nakaramdam siya ng tampo dito dahil hindi man lang sila tinawagan nito kahit minsan. And Sabrina seldom answer their calls kaya naman nagsawa narin sila.
Isinantabi niya muna ang tampong nararamdaman nang maalala ang pakay nila. “Nangangamusta lang. Kamusta na diyan sa Manila?” pagkumpirma niya kung nasa Manila pa ba ito.
“I’m not in Manila right now. I’m back here in Laguna. Busy ka ba ngayon? Magkita naman tayo. I want to catch up sa mga nangyari sa inyo. Kaso hindi ako pwedeng lumabas ng bahay eh.” Kasi may pinagtataguan ka. “Bigay ko nalang sayo ang address ng tinutuluyan namin.”
Namin? May kasama ito sa bahay? Parang hindi maganda ang kutob niya dito. Wala na ang mga magulang ni Sabrina kaya sino ang makakasama nito sa bahay? Matapos isulat ang address na idinikta nito ay ibinaba na niya ang telepono. “Well that came up pretty easy. Akala ko mahihirapan tayo sa paghahanap sa kanya. Paanong paghahanap ba kasi ang ginagawa mo?”
He sighed. “I went to places where Sabrina used to hang out. I even went to their old house pero nabenta na pala iyon. Wala namang nagsabi sa mga napagtanungan tungkol sa inyo.”
Nasa harapan mo na hindi mo pa nakikita. Sabi niya sa isip niya ngunit parang ibig niyang bigyan ng ibang kahulugan iyon. In-start na niya ang kanyang Lancer at nagsimulang mag-drive papunta sa address na ibinigay ni Sabrina. Tantsya niya ay aabutin sila ng isang oras sa byahe dahil may kalayuan ang address na binigay nito mula sa kanila.
Para hindi mainip ay nagtanong siya ng mga bagay-bagay dito tungkol kay Sabrina. Maligaya namang nagkwento ito at may kakaibang ningning pa sa mga mata nito. Parang bigla siyang nagsisi na tinanong niya ito tungkol doon dahil bigla siyang nanamlay. Ewan ba niya pero hindi niya magawang maging lubos na masaya para dito. Hinayaan nalang niya itong magsalita.
“We met each other almost a year ago. She just got signed under the same recording company as ours pero under training pa siya. Then we became friends until I courted her at sinagot niya ako. Kung makikita ko lang siya ngayon kakalimutan ko na ang ginawa niyang pag-iwas sa akin.”
“Napaka-martyr mo naman.” Pang-ookray niya dito.
“Because I don’t want her out of my life. Bakit ko naman ipagtutulakan palayo ang isang taong gusto kong makasama?”
Bigla ay napa-isip siya kung bakit iniiwasan ni Sabrina si Vincent. Does she want him out of her life? Kung tama ang iniisip niya ay naaawa na sa binata. Nako Sabrina, you better have a good explanation for leaving this guy.
“Sabagay.”
“Hindi ka pa kasi nai-in love. Ang dami namang lalaki sa paligid na patay na patay sayo hindi mo lang pinapansin.”
“Nasaan? Alam mo, hindi naman ako kagandahan kaya imposible ang sinasabi mong iyan.”
“Correct.”
Inirapan niya ito. “Kung magsasabi ang isang taong ganoon, huwag ka nalang sasagot kung iyan lang din naman ang isasagot mo, pwede ba? Kumukulo nanaman ang dugo ko eh.”
“Ikaw na nga ang sinangayunan ikaw pa ang galit.”
“Ewan ko sayo! Bakit ka ba laging nang-aasar?” parang bale-wala din pala ang misyon niya sa sarili na pasayahin ito. Hindi naman pala ito talagang malungkot… at may lakas pang mang-asar! Sayang lang effort ko! Hmpf!
“You know, loving someone is not all about the looks. There’s something more.. At hindi ka naman pangit, cute ka nga eh. You also have a nice personality so tingin ko walang mahihirapan na mahalin ka.”
“Talaga?” Nag-init ang mga pisngi niya. Maliban sa nanay niya ay wala nang ibang nagsasabi na cute siya.
“Oo naman! And I think Jester noticed that too.” Nakuha naman kaagad niya ang ibig ipagpakahulugan nito.
“Magkaibigan lang kami at alam niya iyon.” Pinagdiinan pa niya ang salitang kaibigan. “Mabuti pa ako na muna ang makipagkita kay Sabrina mamaya. Maiwan ka muna dito.”
“Ha? Bakit naman?”
“Duh! Kung makikita ka niya kakaripas ng takbo iyon. Sesenyasan nalang kita kung pwede ka nang lumapit.”
Ang totoo ay may gusto muna siyang klaruhin. Tingin niya ay may inililihim ang kaibigan sa kanya. At kailangan niya munang tuklasin iyon.
Nang makarating sa destinasyon ay inihinto niya ang kotse sa medyo kalayuan ng bahay na tinutukoy ni Sabrina. Kinuha niya ang kanyang bag at lumabas ng kotse.
“Wait!”
Sumunod pala sa kanya si Vincent. “Ako na nga muna ang makikipag-usap hindi ba?”
“Ayokong maghintay sa kotse. Sasama nalang ako sayo. Bakit ba hindi pwedeng sabay nalang tayo?”
“Ang kulit mo. Para kang bata.”
“Pasensya na. Gusto ko na kasing makita si Brie.”
Napangiwi siya nang marinig ang tawag nito kay Sabrina. Sa tingin niya ngayon ay para itong isang bata na sabik na sabik umuwi sa tahanan nito. Lumambot naman ang puso niya sa tingin nito. “…Fine! Pero magtago ka nalang doon sa mga puno sa tapat ng bahay niya. Huwag na huwag kang magpapakita. Hihintayin mo ang signal ko, maliwanag?”
“Maliwanag pa sa sikat ng araw, Ma’am!” sumaludo pa ito sa kanya.
“Ewan ko sayo.” Tumawid na ito at naghanap ng mapagtataguang puno. Sumenyas ito na ayos na ito.
Kumatok na siya sa pinto. Nakarinig siya ng mga yabag papalapit. Umawang ng kaunti ang pintuan at may sumilip doon. Tuluyan na itong bumukas at iniluwa noon si Sabrina.
“Mookie!” Agad siyang niyakap nito ng mahigpit. “Na-miss kita!”
Gumanti naman siya sa yakap nito. Siya man din ay na-miss ito. “Sab! Long time ah! Nakakatampo ka, tagal mong hindi nagparamdam.”
Tumawa ito. “Halika pasok ka.” Nilingon niya ng mabilis si Vincent bago pumasok. Nakita niyang nakasilip ito at pinagmamasdan si Sabrina. Pinaupo siya ni Sabrina sa sofa. “Ikukuha kita ng miryenda.”
Inilibot niya ang paningin. Maliit at simple lamang ang bahay na iyon. Malayo sa iniisip niya. Ang alam kasi niya ay hinding hindi maitatabi ang salitang simple dito. Mahilig ito sa magagarbong bagay at hindi madaling makuntento. Kaya ng nagkipagsapalaran pa ito sa Maynila upang mas umunlad.
Bumalik sa Sabrina na may dalang tray ng inumin at dalawang slice ng cake. Iniabot nito ang isa sa mga iyon sa kanya. “Pasensya na talaga Mookie kung matagal akong hindi nagparamdam. Alam kong walang excuse doon dahil madaming paraan para ma-kontak ko kayo.”
“Mabuti naman at alam mo, bruha ka.” Himutok niya saka sumubo ng cake.
“Kaya nga nagso-sori, hindi ba?”
“Apology accepted. Pero kailangang suyuin mo din sina Cheska at Jester.”
“Oo naman!” Sabay silang tumawa. Nakalimutan na niya si Vincent nang magsimula na silang magkwentuhan.
“Sab, akin nalang iyang cake mo. Tumataba ka na eh.” Biro niya nang mapansin na madyo may kalakihan ang tiyan nito.
Bigla ay parang kinabahan ito. “H-ha? Hindi naman ah.”
“Denial ka pa. Ayan oh! Para kang buntis.” Natigilan siya. Oh my God! Saka niya napansin na may nakausli na kung ano sa ilalim ng lamesang nasa harapan niya. Agad niya itong pinulot.
Isa iyong picture frame. Larawan iyon ni Sabrina at may kasama itong isang lalaking hindi niya kilala. Nakasandal si Sabrina sa balikat nito ay nakakawit naman ang bisig ng lalaki sa baywang si Sabrina. Nakaharap ang kamay ng mga ito na may suot na singsing. Masayang masaya ang mga ito sa larawan.
“What’s this?” Nakakunot noong tanong niya. “Who’s this?”
“Pasensya na kung kailangan ko pa itong itago sayo Mookie.”
“Ano ba talagang nangyari?”
“He’s Bryant…. my husband. Kinasal kami sa huwes two months ago. Pasensya na at wala akong nasabi sa inyo. Biglaan kasi ang lahat. He got me pregnant. This is actually his house and we live here together. Pinatago ko siya doon sa kwarto namin kasi parang hindi pa ako hasang sabihin sayo. Pasensya na talaga.”
Parang biglang sumakit ang ulo niya. Hindi niya inakalang may mangyayaring ganoon dito. Bigla niyang naalala si Vincent. Paano niya sasabihin ang lahat dito? Hindi naman niya makuhang magalit sa kaibigan pero hindi rin niya mapigilang maawa kay Vincent.
“Ayos ka lang ba?”
“O-Oo.. sumakit lang ang ulo ko.” Inabutan siya nito ng juice.
“Pasensya na talaga Mookie.”
Nginitian lamang niya ito. Kung pwede lang na kausapin niya ito tungkol kay Vincent ay gagawin niya pero tingin niya na mas mabuting manahimik nalang siya.
“Ipapakilala ko sayo si Bryant. Wait here.” Tumayo ito at sinundo sa kwarto ang asawa nito.
Nag-ring bigla ang cellphone niya. Agad niyang hinalughog ito sa bag at nakitang may text message si Vincent sa kanya.
Ang tagal mo naman. Kinakagat na ako ng langgam at lamok dito. Pupunta na ako diyan!
Nanlaki ang mata niya sa nabasa. Oh God! No, not now! Tatawagan sana niya ito nang may kumatok sa pinto. Si Vincent na iyon!
“Sandali lang!” Dumating na sa kusina ang mag-asawa. Tumakbo si Sabrina upang pagbuksan ng pinto ang kumakatok. Binati siya ni Bryant.
Pakiramdam niya ay gusto niyang lumubog sa upuan. Ayaw niyang panoorin ang mga susunod na mangyayari. Tiyak na magagalit si Vincent sa mga ito. Napatayo siya sa upuan nang buksan ni Sabrina ang pinto.
Isang bungkos ng rosas ang sumalubong dito. Halatang nagulat ito ngunit tinanggap nito iyon. Laking gulat nito nang makita si Vincent.
“V-Vincent!” she looked horrified. Bigla itong namutla.
“Brie! Akala ko hindi na kita makikita! Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?” Mahigpit nitong niyakap si Sabrina. Biglang kumunot ang noo nito. “Parang lumalaki ang tiyan mo ah.” Dahan-dahang binitiwan nito si Sabrina nang makita nito si Bryant. “What’s going on?”
Agad niyang nilapitan ito. “Vincent—”
“What’s going on?!” dumagundong ang baritonong boses nito sa kabahayan. Bigla siyang nakaramdam ng takot nang makita ang ekpresyon nito na gait na galit.
Lumapit si Bryant sa kanila at inakbayan si Sabrina. “We’re married.”
Tears started to form in his eyes. “You’ve got to be kidding me! Let’s get out of here, Brie. Bumalik na tayo sa Manila.” Hinila nito ang braso ni Sabrina. Agad itong pinigilan ni Bryant.
“Bitiwan mo siya!”
Mukhang hindi na nakapagpigil si Vincent at hinila si Bryant sa collar nito. Tinulak ito ni Bryant palabas. Lumabas din ito at sinalubong si Vincent ng isang suntok. Gumanti si Vincent dito.
“Tama na!” Sigaw niya ngunit patuloy parin ang dalawa. Nang nilingon niya si Sabrina ay umiiyak ito.
Napahiga si Bryant sa lupa. Dinaganan ito ni Vincent at pinag-uulanan ng suntok. “Walanghiya ka! Sino ka ba? Anong ginawa mo kay Sabrina?!”
Hinila niya ito palayo kay Bryant bago pa may mangyaring mas malala. Tumayo ito at kinabig ang kamay niya palayo. Patakbong nilapitan ni Sabrina si Bryant.
“Bryant!” Patulog ang paghagulgol ni Sabrina.
“Huwag mo siyang iyakan. Pinikot ka lang niya!” ani Vincent.
Nilapitan ito ni Sabrina. “I’m sorry sa nagawa ko sa iyo. Ako ang mali… dapat inayos ko muna ang lahat sa atin.”
He scoffed as tears rolled down from his eyes. “I can’t believe this. Anong ginawa kong mali?”
“Wala… wala kang ginawang mali.”
“Brie, I want you back… I love you, I love you…” Bahagya pang napiyok ito. Hilam na ng luha ang mga mata nito. Lumuhod ito sa harap ni Sabrina at hinawakan ang kamay nito. He sounds so desperate that it breaks her heart to see him like that.
“I’m sorry.” Binawi ni Sabrina ang kamay mula dito at nilapitan muli si Bryant. Naiwan si Vincent na nakasalampak sa lupa.
Nilapitan at inalalayan niya itong tumayo. Tahimik silang umalis at bumali sa kotse. Dinala niya ito sa upuan sa likod. Nilingon niya ito. Humiga ito doon at patulog ang paghagulgol. Gusto man yang may gawin para dito ay alam niyang wala siyang magagawa.
Malalim na ang gabi nang makauwi sila. Mabigat man ay inalalayan muli niya ito papasok ng apartment. Inihiga niya ito sa kama at tinanggal ang sapatos nito. Pagbalik niya ay may dala na siyang panggamot sa bugbog nito. Inuna niyang nilinis ang mukha nito gamit ang basang bimpo sana niya inabutan ito ng ice pack. Nilagyan din niya ng gamot ang mga sugat nito at tinapalan ng bandage.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga habang pinagmamasdan ang natutulog na anyo nito. Parang gusto niyang maiyak sa sinapit nito. Kanina lang ay napakasaya nito dahil makikiata na nito ang babaeng pinakamamahal. Ngayon ay parang pinagsakluban na ito ng langit at lupa.
Napakalungkot ng gabing iyon. Napakatahimik… masyadong madilim.
If only she can do something about it. If only she can mend his broken heart…
He stroked his hair as she stared at him. “Mokong na ‘to.”
<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>
Paano Na Kaya (Movie) with Review
January 14, 2010
Charmz Journal comment, kimerald, movies, opinion, paano na kaya, philippine movies, pinoy, review, trailer 4 Comments
Jologs na kung jologs.. proud to be! Hahaha! Excited na talaga ako for Star Cinema’s 1st movie of the year.. ang “Paano Na Kaya” starring KIMERALD!!! AHHH!! This loveteam never cease to amaze me in terms of romance! Ito yung mga role na gusto ko para sa kanila at hindi iyong mala-sundalo. Feeling ko masyado pa silang bata para doon.
Cliche? Yes, pero I still can’t wait. Feeling ko mapapatodo ang pag-iyak ko sa movie na ito! The good thing about the cliche-ness in this movie is maraming makaka-relate kasi nangyayari talaga ito sa totoong buhay. Mahirap talagang ma-inlove sa bestfriend mo (as if naranasan ko na! Haha!)
Hmmm..sino kaya ang mahila kong manuod?
REVIEW (WARNING! SPOILER!):
Nahila ko ang mga kaibigan ko. Haha!
I watched the movie and it was good. My only complain is how the movie started. It’s not like it’s not good, hindi ko lang talaga nagustuhan ang simula. Parang nabilisan lang ako. Tingin ko mas maa-appreciate ko kung medyo dinahan-dahan nila kasi iyon yung part na pinapakita talaga ang kadakilaan ni May dahil tinutulungan nya si Bogz para mapasagot si Anna. Opinyon lang naman.
Another complain is iyong masyadong nagfocus ang story sa POV ni May kaya hindi ko masyadong na-feel ang love ni Bogz sa kanya. Parang tingin ko rebound parin ang labas ni May. Or ganoon lang ang tingin ko kasi maraming naibigay si May sa kanya at tanggap lang siya ng tanggap.
And another complain! (Boo Charmz! Dami mong complain!) Nalungkot lang ako na hindi nila binigyan masyado ng importansya ang role ni Robi(nakalimutan ko yung name). Well, hindi naman sa hindi nabigyan ng importansya… hindi ko lang masyadong na-feel ang presence nya.
Enough with the complains! Here are the parts that I liked…!
KIMERALD. I think they’re perfect for the role kasi feel mo talaga ang chemistry. Kung hindi ka kinilig ewan ko nalang sayo! Ha! Ha!
ACTING. The acting is not bad. Surprised nga ako na medyo ayos din ang acting ni Robi eh. Sana magkaroon siya ng ka-love team. Tiyak na sisikat siya! (maybe) haha~ Nagampanan din ng maayos ni Melissa ang role nya. Sa loob nga ng sinehan habang pinapanuod ko siya tuwing nilalandi niya si Bogz nagngingitngit ang kalooban ko at bulong ako ng bulong ng, “Landi..landi..ang landi mo!!!”
LINES. Iba talaga ang mga hirit sa movie na ito. “Tanga na kung tanga pero mahal kita!”, “Sinyota mo ako, Bogz! Sinyota mo ‘ko!”, “Kahit anong gawin ko laging kulang.. laging kulang.”, “G*** ka pala eh, ikaw lang naman ang hinihintay ko.”, “Bogz, tayo nalang.. aking ka nalang.”…. Madami pa eh, yan lang naaalala ko kasi pinapakita sa commercial! Noong biyernes ko pa kasi napanood.. sori naman, short term lang ang memory ko! Pero hanep talaga ang mga lines! Panalo!
Siguradong maraming naka-relate dito. Di na ako magtataka kung marami ang mag-bestfriend na lalaki at babae ang mapapaisip na, “Mahal ko ba siya? Mahal ba nya ako? Pwede kaya kami?”… pwedeng may na-inspired sa film na ito at biglang nagtapat! Aba, malay mo!
TT_TT. Naiyak ako sa part about sa families nila.. lalo na on May’s side. Medyo naka-relate ako kasi masakit talaga iyong ginagawa mo na nga ang lahat para sa iba pero parang bale wala lang. Hindi ka nila ma-appreciate. Tingin parin nila sayo wala kang magawang matino. Kaya nga naiiyak ako pag pinagsasabihan si May ng tatay nya eh. Hu-hu!
All in all, i rate this movie 8 out of 10.
Before I forgot.. grabe! Super ang kissing scenes dito!!! Ang dami at ang..tagal! Di ko ma-take! Samantalang noong last movie nila together na “I’m Falling For You” ang pangit ng kiss at dampi lang. Lurrve it!!! Kinilig ako, wafu ni Gerald! AHHH!!!
P.S.
At the ending, ang gara ng suot ni Kim. Hindi bagay. (pizzzz!)