CHAPTER 3

Hindi na siya nagtataka kung ang inihahandang hapunan ng nanay niya ay para kay Vincent. Simula kasi nang dumating doon ang binata ay lagi itong may special treatment. Ang gusto pa nga nito ay doon sa bahay nila kumain si Vincent pero tumanggi ang binata. Tuloy ay lagi pa siyang naiistorbo sa pagdadala ng pagkain dito. Nagsandok na ang kanyang ina ng kanin at ulam at inabot sa kanya. Hindi na niya hinintay ang pagtatalak ni Aling Doray at pumunta na siya sa apartment ng binata.

Ilang beses na siyang kumakatok sa pintuan ngunit walang sumasagot. Abuso na ito ah. Nangangalay na ako dito!

“Hoy, ano.. Vincent! Nandyan ka ba? Papasok na ako.” Pinihit niya ang doorknob at itinulak ng kaunti ang pintuan upang sumilip. Her eyes scanned the room and she found him sitting on the sofa, his hands cupping his face.

Anak ng tokwa! Nandito lang pala hindi pa ako pinagbuksan ng pinto. Nang-aasar ba? Torture na ‘to!

Tatawagin sana niya ito when she heard him sob. He’s…crying? Hindi makapaniwala si Mookie. Hindi tuloy niya alam kung papasok ba siya o hindi. Tatalikod siya nang may dumaan na pusa sa harapan niya na ikinagulat niya. “Ay pusang mahabagin!”

Itinikom niya ang bibig. Siguradong narinig siya ni Vincent at baka isipin pa nito na tsismosa siya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at lumabas si Vincent mula doon. Nanatili siyang nakatalikod dito.

“What are you doing here?” may bahid na inis ang boses nito. “Humarap ka nga sa akin.”

Can’t you see I’m doing you a favor by not looking at you after you cry? Ang akala niya ay hindi ito magpapakita sa kanya dahil siguradong mahahalata niyang umiyak ito. Nagkamali siya. Sinunod niya ito. Humarap siya kay Vincent. I knew it, namumula ang mata nya.

His face softened a little nang makita nito ang dinadala niya. “Are those for me?”

“Obvious ba? Ikaw lang kaya ang boarder namin na binibigyan ng pagkain ni nanay.” Inabot niya dito ang plato at mangkok.

“Thanks. Sana kinatok mo nalang ako kaysa naghihintay ka dito sa labas.” Muntik na niyang batukan ito kung hindi lang siya nakapagpigil. Kung alam lang sana nito na bukod sa katok ay tinatawag din niya ito pero he’s busy crying.

Isang tango nalang ang isinagot niya dito. “Hindi mo ba ako papapasukin?”

Parang nag-aalangan pa ito kung dapat siya nitong papasukin. Aba! Naman, pinag-iisipan pa ako ng masama.

“Sure, come in. Hintayin mo nalang na itong mga plato. Ililipat ko lang ng lalagyan.”

Dumiretso sa kusina si Vincent at tumuloy naman siya sa sala. Umupo siya sa sofa na kanina ay inuupuan nito. Maraming nagkalat na music sheets sa table and crumpled ones sa sahig. Bilang isang organized na tao ay nairita siya sa nakita kaya nagkusa na siyang ayusin ang mga iyon. Sa pag-angat ng music sheet sa table ay may nakita siyang larawan ngunit nakatalikod iyon.

Curiosity got the better of her. Ito ba ang dahilan ng pag-iyak ni Vincent kanina? Gusto niyang malaman kung ano ang nasa litrato. May nakasulat sa likod ng larawan. Kinuha niya ito upang makita ng maayos ang nakasulat.

“Don’t touch that!” Sa gulat ay nabitawan niya ang larawan at nahulog ito sa sahig. Lumapit si Vincent sa kanya at ibinigay sa kanya ang mga plato. Pinulot nito ang larawan at nilagay ito sa bulsa. Umupo ito sa isa pang upuan malapit sa kanya.

Kumuha ito ng lapis at nagsimulang magsulat sa music sheet. Dinampot nito ang gitara mula sa gilid at nagsimulang tumugtog. The music is slow and she can tell it’s a love song. May kakaibang dulot sa kanya ang tinutugtog ni Vincent. Para bang naninikip ang dibdib niya. It’s a very sad song. Siguradong maiiyak siya kung lalapatan ito ng lyrics.

“That’s a very sad song.” Komento niya.

Tumingin sa kanya si Vincent. “Nandito ka parin?”

Prente siyang umupo. “Masama bang tumambay dito?”

Bumuntong hininga ito. “Fine, pero huwag ka nalang maingay.” Tinitigan lang niya ito habang tumutugtog. She got bored after a few minutes kaya dumampot siya ng isang music sheet at lapis mula dito. Binasa niya ang music sheet. She started editing the music.

Tumigil si Vincent sa ginagawa at tinignan siya. “What are you doing?” nakakunot noong tanong nito.

“I’m editing this crumpled music sheet. Sayang naman eh at mukhang maganda naman ang simula. Pumangit lang bandang bridge.”

“May alam ka ba sa music?” Walang bilib na tanong nito sa kanya.

“Of course. That’s why I own a music store. And I was in a band a few years ago.” Huminto siya sa ginagawa. Kinuha niya ang mga plato at lumabas. Pagbalik ay dala nya ang guitar pick na napulot niya noon.

“Bakit bigla ka nalang lumabas?”

“May naalala kasi ako. Here,” Inabot niya kay Vincent ang guitar pick. “I think it’s yours.”

He took the pick from her and inspected it. “My guitar pick! I’ve been looking for this everywhere! I can remember this scratch and the design.” Itinuro nito sa kanya ang scratch na tinutukoy nito. “How did you get this?”

Namula siya. Umurong din ang dila niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nang sundan niya ito ay nahulog ang guitar pick nito at pinulot niya iyon. Malalaman nitong nagka-crush siya dito noon… hanggang ngayon.

“Nevermind about that.” Mukhang masayang-masaya ito kaya hindi na ito nag-abalang hintayin ang sagot niya. She felt relieved. “This is my first guitar pick. I got it since I was twelve. Bigay sa akin ni papa.”

Umupo siya. Mukhang mago-open up ito sa kanya. She wants to know more about him.

“Nasugatan kasi ang daliri ko habang nag-gigitara kaya binili niya ito. Even though he shows that he’s against my love for music, nararamdaman ko parin ang suporta niya through his little acts of helping me. Sayang wala na siya ngayon para makita niya ang success ko.”

“Bestfriend ko si Ian since highschool. Pareho naming gusto ang music kaya madalas kaming mag-jamming. We even compose our own songs. Bumuo kami ng banda kasama ang iba pa naming katropa pero nagkahiwalay kami when we entered college. But Ian and I keep contacting each other. We visit each others’ house para lang mag-jam session.” Napangiti ito na para bang inaalala ang mga pangyayari at mga kalokohan na nagawa nila.

“Then, we met the other guys. Sina Teb, Nate, at Xavier. Marami kaming problema na pinagdaanan para lang marating namin ang kung ano kami ngayon. We were not the best of friends back then.” Lumungkot ang mata nito. “Then I met her..”

Tumaas ang kilay niya. Her? Was she the reason behind his tears? Hindi na ito nagsalita pa.

“Then what?”

Tumayo na ito mula sa kinauupuan. “It’s getting late. Umuwi ka na.”

Ramdam niya na pinapalayas na siya nito. Sinakyan nalang niya ito. “Oo nga. S-Sige, aalis na ako. Salamat sa kwento. Sa uulitin?”

Tumango ito. Their arms brushed nang papalabas na siya ng pintuan. She gulped. Pakiramdam niya ay nakuryente siya. Paglabas ay humarap siya dito. “Goodnight, Vincent.”

“Goodniight, Mookie.”

Napako na ata ang paa niya sa kinaroroonan niya. Ayaw pa niya talagang umalis. Gusto pa niya ito makasama. Parang may kumiliti sa puso niya nang sabihin nito ang pangalan niya.

“S-Sige… bukas nalang ulit.” Paalam niya muli.

“Okay, see you tomorrow.”

“Okay.”

“Yeah.”

“Fine.”

“Fine.”

“Yeah.”

“Mookie?”

“Hm?”

“Hindi ka pa ba aalis?”

Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. “Ahm… Aalis na nga. Heto na po.” Tumalikod na siya dito at bumalik na sa kanilang bahay.

Nagkulong siya sa kanyang kwarto. Nilapitan niya ang pinakapaborito niyang poster ni Vincent na nasa dingding sa gilid ng kanyang kama. She traced his cheeks. Napakasaya nito sa poster na iyon. Hindi pa niya nakikita ang ngiting iyon mula sa binata, kahit na isang simpleng ngiti na mula sa puso ay hindi pa niya nasisilayan.

May pakiramdam siyang ang babaeng tinutukoy ni Vincent ay ang dahilan ng kalungkutan nito. Ano ba ito sa buhay ni Vincent para magkaganoon ito? Gusto niyang malaman ang nangyari. Kung makikita niya ang babeng iyon ay pagsasabihan niya ito dahil nakaya nitong saktan si Vincent ng ganoon.

Kinabukasan ay ginawa niya ang kanyang daily routine. Lumabas siya sa veranda upang mag-stretching. Habang abala sa pagbanat ng buto ay sumagi sa isip niya ang gwapong mukha ni Vincent. Napakagwapong nilalang talaga nito. His curly brown hair is a perfect match for his brown eyes. Simple lang naman ito manamit pero kapag nakikita niya ito ay para bang napakaperpekto nito sa mata niya. Ang sa alam niya ay twenty-five years old na ito pero kahit ganoon ay mukhang bata parin ito. Kaso nga lang ay nangungulubot na ang noo nito kakaisip sa problema nito. Gusto man niyang makatulong ay wala naman siyang magawa.

Gusto sana niya ay makita itong nakangiti. Gusto niyang ngumiti ito para sa kanya. Nais sana niyang mapasaya ito hindi dahil sa naaawa siya dito ngunit dahil sa gusto lang niya. Dahil sa isiping iyon ay may nabuong misyon sa isip niya. Pangingitiin niya si Vincent. Napangiti siya. Kung mapapasaya niya ito ay parang tumamama na siya sa lotto.

“Good morning,” Muntik na siyang matuwad nang marinig ang boses ni Vincent.

“M-Magandang umaga din.” Kunyari’y wala siyang pakialam na nandoon ito at nagpatuloy siya sa pag-iistretching.

“Hobby mo na bang ipakita sa akin ang pusod mo every morning?”

Tumigil siya at umayos ng tayo. Hinila niya pababa ang tank top niya. Iyon kasi ang pantulog niya – tank top at shorts. “Hindi po. Kung hindi mo maatim tignan ang bilog na bilog kong pusod eh di wag mong tignan. Simple.”

“I never said I hate it, didn’t I?” Ngumiti ito. “Ang totoo natutuwa nga akong tignan ka tuwing umaga. Nakakagaan ng loob.”

Parang may nagpalakpakang anghel sa paligid niya. Ngumiti ito at natutuwa ito sa kanya. Keep it up, Mookie!

“Tara sumama ka na sa aming mag-agahan.” Yaya niya dito. Mukhang nagtaka ito sa kanya. Simula kasi nang dumating ito doon ay naiinis siya kapag sumasama ito sa hapag kainan nila. “Friends na tayo, di ba?” She crossed her fingers hoping he will agree. Kung gusto niya itong pasayahin ay dapat maging magkaibigan muna sila.

“Yeah.” Pumunta ito sa veranda nila at binuksan ang front door ng bahay nila. “Tara tsibog na tayo.”

She laughed. They entered the house at mukhang gulat na gulat si Aling Doray na nandoon si Vincent.

“Ako nagpapasok sa kanya nay. Wag kang mag-panic.”

“Aba’y…. I’m so very speechless.” Tumawa si Mookie. Maski si Vincent ay napapangiti. Nakakaaliw pakinggan ang pag-iingles ng nanay niya. “Good morning, Vincent. Welcome to our house. You should feel at home you know? Can you feel it? I feel it too! I will go prepare our agahan so you wait there.” Nagmamadali itong nagpunta sa kusina upang magluto.

“Hindi mo ba tutulungang magluto si Aling Doray?” Tanong ni Vincent sa kanya.

Napakamot siya sa batok. “Ahm… Alam mo kasi simula noong sixteen ako hindi na ako pinapahawak ni nanay ng kalan. Kagagaling ko lang sa school noon. Tapos ininit ko iyong ulam sa kalan eh gumawa ako ng assignment kaya nakalimutan kong may iniinit nga pala ako. After two hours may naaamoy akong sunog then paglabas ko ng kwarto parang may fog sa bahay. Naalala ko na may iniinit nga pala ako! Nagmadali akong pumunta sa kusina tapos nakita ko iyong kaldero na itim na itim na tapos tunaw na ang hawakan na plastic! Grabe, pinatay ko agad ang kalan at gas. Pagtanggal ko sa takip nakita ko iyong ulam naging uling.” Habang nagsasalaysay ay inaakto pa niya ang mga pangyayari. Tawa ng tawa si Vincet habang pinagmamasdan siya.

“Tapos timing naman na biglang dumating si nanay! Grabe ang latay ko noon. Muntik ko na daw kasi pasabugin iyong bahay namin. The end.” Vincent is laughing hysterically at para bang mauubusan ito ng hangin. Nahawa na siya sa tawa nito. “Hoy! Haha, easy ka lang, baka mamatay ka sa katatawa!”

“Haha.. p-pasensya ka na M-Mookie.. haha.. kasi naman n-nakakatawa iyong kwento mo.. hahahaha,” Patuloy parin ang tawa nito. “Oh man, I haven’t laughed this much since we went to America.”

“Oo nga pala. Nagpunta nga pala kayo sa America for three months. Kwento ka naman! Maganda ba doon?”

Nagsimula na itong magkwento. Simula nang dumating sila hanggang sa bumalik sila dito. Nalaman din niya na may hinahanap pala ito kaya ito nandoon sa Laguna. Nang sabihin nito iyon ay may nakita siyang bakas ng kalungkutan sa boses nito.

“Bakit hindi mo nalang siya ipahanap sa mga detective?” mahihirapan kasi ito kung mag-isa lang itong maghahanap.

“I don’t want to. Gusto ko ako mismo ang maghahanap sa kanya. This is a very personal matter. I really need to talk to her. I have so many things to ask her.”

Bigla ay nainggit siya sa babaeng iyon na binubuhusan ni Vincent ng ganoong atensyon. Ano bang problema ng babaeng iyon? Maya-maya ay niyaya na sila ni Aling Doray na kumain.

“Wala na po bang kapatid si Mookie?” tanong ni Vincent kay Aling Doray nang mapansing silang tatlo lang ang nasa hapag-kainan.

“My brother died in a car accident when I was eighteen. My father left us when I was ten.” Simpleng sagot ni Mookie.

“Sorry.” Ramdam nito na sensitibo ang mga ito sa topic na iyon.

“Nako huwag kang mag-alala. Ayos na kami ngayon. Masaya naman kami ni Mookie dito kahit kaming dalawa lang. Kaso malungkot din minsan kasi nasasawa na ako sa pagmumukha ng anak ko na ito eh.” Tinitigan ni Mookie ang nanay niya. “Kaya nga ang sabi ko ay maghanap na siya ng boypren at asawahin na niya para naman lumaki ang pamilya namin. At saka gusto ko nang magkaroon ng apo habang bata pa ako! Gusto ko berks kami ng apo ko.”

“Nay, wala pa sa isip ko ang pag-aasawa. At kung gusto nyo ng bagong mukha ayan nalang hong si Vincent ang titigan ninyo.” Siguradong hindi kayo magsasawa.

<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>

Advertisements