Una kong sinubukan ang chat noong elem ako. Super noob mode ako. Ex: Ano po yung ASL? LOL? BRB?
Itanong ko sa magulang ko kung ano ang ginagawa ng mga characters sa Mexicanovela na pinapanuod nila.
Makipaglaro sa mga kaklase kapag tapos na ang class hours.
Mag-ghost hunting sa school.
Sumali sa Drum ang Lyre Band.
Maging flaglet na hindi marunong sumayaw. (My gawd, ipagawa nyo na sakin lahat wag lang sayaw!!!)
Maging Best in Spelling.
Maging Best Library User.
Naging bitter sa salutatorian dahil nakuha niya ang Best in English award dahil lang sa mas mataas ang grade niya sa Writing! (Ako na pangit magsulat! Hu! Hu!)
Naging crush ko si Jerry Yan at si Vanness Wu.
Maadik sa pagkolekta ng pirated DVD ng korean dramas.
I went to high school.
Nang nag-quiz kami sa soc. sci. pero hindi ko alam na quiz pala iyon. Nakatulala lang ako at nagtataka kung bakit sila may 1.4 sheet of paper.
Magkaroon ako ng line of 7. High school life nga naman.
Maadik sa anime.
Maadik sa pocketbook.
I created my friendster account.
Nawindang ako kung ano ang testi at kung bakit madaming nanghihingi nun.

Advertisements