1st Pilipinas Got Talent Grand Finalist – Jovit Baldivino

3 Comments

Though I don’t like him that much, I would like to greet him, “Congratulations!”

-His grand finals performance

Goong (kyaa! gotta love shin goon!)

Leave a comment

Ilang araw na akong naka-download marathon para sa series nito. Nakakainis kasi yung humiram ng DVD ko na hindi sinauli. Matapilok siana siya ngayon din! As in now na!

Nabuhay ang katawang fan girl ko sa series na ‘to! Hahaha, wooo! Gwapo mo Shin Goon!!!!!

Well, hindi naman ako wikipedia para pagtanungan mo kung ano ang plot ng story.

Sa lahat ng koreanovela na napanuod ko, ito na yata ang the best!!! Kahit ilang beses kong ulitin hindi nakakasawa ang love story ni Chaegyong at Shin and with kontrabida participation of Hyo Rin and Yul (pero parahing hindi siya masyadong kontra). Kakaiba kasi ang kwento niya sa lahat. Tapos ang ganda pa ng OST! Lalo na yung Perhaps Love at Dang Shineun… pamatay! Feel na feel ko! Sumasabog ako sa sobrang kilig.. iiiiiiiiihhhh!!!

What makes the story more charming aside from the story and actors is the presence of teddy bears. Hindi naman malaki ang participation nila pero ang cute talaga! Para sakin, sobrang nakatulong sila para balik-balikan at ulit-ulitin ng fans ang panunuod.

Syempre ang pinakagusto ko yung kilig scenes at kissing scenes! xDDDDD waaaaa, kileeeeeg to death!!!

Sori kung hindi matino ang post na ito. Wala na kasi ang katinuan ko ngayon. Sasabog na yata ako sa kilig kaya naisipan kong mag-post!

Next nito, Goong S naman ang titirahin ko! Napanuod ko na yun sa hiniram kong DVD sa kaklase ko at maganda sin ang story. Kileeeeeg din! Pero syempre, no.1 parin si shin goon sakin! kyaaaaaaaaaaa!!!!

Babush na! DL mode! 😀

Noong bata ako… [Part 5]

2 Comments

I had my first brokenheart.
Iniwan ko ang fanfiction at nagsulat ng orig romance stories na tagalog.
I created a facebook account.
I created my wordpress account.
I created etc… accounts.
Naadik ako sa internet.
Naadik ako sa chat.
I had online friends.
I went to college.
Nag-crack ako ng Photoshop CS4 Extended.
I met awesome friends.
I had a bit of freedom! Yay! Pwede nang gumala!
Naranasan ko ang grading system ng college: sundalo, madreng nakaluhod, buntis, iglesia ni cristo, at wheelchair.
Maging part ako ng college publication as a photojournalist.
Magkaroon ng “mall” sa tabi ng school namin at McDo sa kabilang side.
Naadik ako sa coke float at french fries.
Nang maadik ako sa videoke.
Iniyakan ko ang programming.
Naging 16 na ako~ weee, sweet 16! 😀
Tumawa ako sa “May nagtext!” ni Vice Ganda.
Lumaki ang online writers family ko.
I got addicted to blogging.

Noong bata ako… [Part 4]

Leave a comment

Nang maligawan ako for the first time.
Nang mag-disect kami ng palaka sa biology.
Nang bumili ako ng halaman para sa biology kasi hindi ako nagpasa ng skeleton ng palaka.
I had my bank account c/o my mom.
Nang bumuo kami ng anime club. (UAA: Universal Anime Association) Kami ang tanging club ng universal na hindi universal! 😀
The club died a natural death.
Naadik ako sa pagbabasa ng fanfiction then eventually, I wrote my own.
I created my crunchyroll account.\
Naadik ako sa manga.
Naranasan ko ang JS Prom.
First dance ko si boy best friend. Third dance ko si first love.
Ang pasakit na CAT.
Nang muntik ko nang masunog ang bahay namin dahil sa nakalimutan kong may iniinit akong ulam.
Natuto akong yumakap ng tao. (slight)
Napunta ako sa committee kung saan ako lang ang member. (Video Presentation Committee for Grad.)
Naranasan kong muli ang JS Prom at binitawan ang una kong “I love you, too.”

Noong bata ako… [Part 3]

1 Comment

Una kong sinubukan ang chat noong elem ako. Super noob mode ako. Ex: Ano po yung ASL? LOL? BRB?
Itanong ko sa magulang ko kung ano ang ginagawa ng mga characters sa Mexicanovela na pinapanuod nila.
Makipaglaro sa mga kaklase kapag tapos na ang class hours.
Mag-ghost hunting sa school.
Sumali sa Drum ang Lyre Band.
Maging flaglet na hindi marunong sumayaw. (My gawd, ipagawa nyo na sakin lahat wag lang sayaw!!!)
Maging Best in Spelling.
Maging Best Library User.
Naging bitter sa salutatorian dahil nakuha niya ang Best in English award dahil lang sa mas mataas ang grade niya sa Writing! (Ako na pangit magsulat! Hu! Hu!)
Naging crush ko si Jerry Yan at si Vanness Wu.
Maadik sa pagkolekta ng pirated DVD ng korean dramas.
I went to high school.
Nang nag-quiz kami sa soc. sci. pero hindi ko alam na quiz pala iyon. Nakatulala lang ako at nagtataka kung bakit sila may 1.4 sheet of paper.
Magkaroon ako ng line of 7. High school life nga naman.
Maadik sa anime.
Maadik sa pocketbook.
I created my friendster account.
Nawindang ako kung ano ang testi at kung bakit madaming nanghihingi nun.

Noong bata ako… [Part 2]

Leave a comment

Matulog at mahiga sa papag.
Nang maadik ako sa Titanic. VHS pa ang gamit noon kaya hirap akong ulit-ulitin. Pero kahit ganoon, 13 times ko yatang inulit ang movie na iyon.
Naglaro ng teks, tansan na pinipi, at kung ano-ano pa.
Mangolekta ng Funny Komiks. 😀
Nang maging idol ko si Regine Velasquez.
Bigla akong umupo sa see-saw habang nakatayo pa sa kabilang side ang bagong tuli kong kuya. (bad ko) 😛
Mabato ng bato ng kapitbahay.
Mahiwa ng dahin ng buko na pinaglalaruan ng kapitbahay kong namato sakin.
Umiyak noong tinutukso ako o niloloko yung pangalan ko.
Umiyak noong nasilipan ako mula sa 2nd floor. Nakaupo kasi ako noon.
Ako ang madalas paglistahin ng Noisy, Standing, at NIPS.
Tutukan ako ng kaklase ko ng balisong para lang tanggalin ko siya sa listahan ng noisy. (Oh Grade 3. Christopher, bless you!)
Nang sumali ako sa Little Miss CSL. Hanggang magic 10 lang ako eh. 😦
Nang sumali ako ng singing contest. Natalo ako kasi namali ako ng lyrics sa pagkanta ng “Forever’s Not Enough” ni Sara Geronimo.
Bumili ng Tofiluk, sandwich, coke, chichirya, at kendi sa tindahan ni Ate Inday tuwing miryenda.
Mangolekta ng tansan ng coke. Baka may nakasulat ng 1 million eh.
Sinabi ko sa 1st crush ko noong grade 3 na gusto ko siyang pakasalan.
Makipag-agawan sa mga kaklase ko sa pag-floor wax ng room.
Ma-poo-poo sa salawal. (kahiyaaaa)

Noong bata ako… [Part 1]

Leave a comment

Well, bata pa naman talaga akong maituturing sa edad ko(16)! Pero sabi nila, isang sintomas daw ng katandaan ang mga katagang, “Noong bata ako…” o “Noong araw…” kaya masasabi ko na matanda na ako.

Trip ko lang mag-reminisce.

Childhood to present:
Lumabas para maglaro.
Naliligo sa ulan.
Naglalaro ng Beyblade.
Naglalaro ng Let’s Go!
Naglalaro ng lego.
Naglalaro ng action figure ni Voltes V o Daimos. O kaya kahit anong robot.
Naglalaro ng lutu-lutuan.
Nagbubungkal ng lupa.
Nang ma-wiwi ako sa kama.
Nang ma-ospital ako dahil sa tigdas. Tumitirik na daw ang mata ko noon. :O
Gumagawa ng paperboats na pinapadaan sa kanal o di kaya sa baha.
Umiinom ng tubig sa santan.
Pangarap kong maging singer.
Pangarap kong maging teacher.
I went to Kindergarten then straight Grade 1. Wala nang prep! 😦
Nakipag-away ako sa kaklase ko noong Grade 1 para kay Tamahome at kung sino si Miaka sa aming dalawa!
Naranasan ko ang magkaroon ng baha hanggang tuhod sa lugar namin. Bagyong Milenyo ata iyon.
Pumipitas ng alateris. Yung mga kalaro ko kinakain iyon, ako hindi. Namimitas lang. 😀
Hindi ko kilala ang mga kalaro ko. Hahaha~
Nadapa sa kamamadaling makauwi dala ang inagaw ng gameboy sa kapatid na nasa labas ng bahay.

Older Entries