Ilang araw na akong naka-download marathon para sa series nito. Nakakainis kasi yung humiram ng DVD ko na hindi sinauli. Matapilok siana siya ngayon din! As in now na!

Nabuhay ang katawang fan girl ko sa series na ‘to! Hahaha, wooo! Gwapo mo Shin Goon!!!!!

Well, hindi naman ako wikipedia para pagtanungan mo kung ano ang plot ng story.

Sa lahat ng koreanovela na napanuod ko, ito na yata ang the best!!! Kahit ilang beses kong ulitin hindi nakakasawa ang love story ni Chaegyong at Shin and with kontrabida participation of Hyo Rin and Yul (pero parahing hindi siya masyadong kontra). Kakaiba kasi ang kwento niya sa lahat. Tapos ang ganda pa ng OST! Lalo na yung Perhaps Love at Dang Shineun… pamatay! Feel na feel ko! Sumasabog ako sa sobrang kilig.. iiiiiiiiihhhh!!!

What makes the story more charming aside from the story and actors is the presence of teddy bears. Hindi naman malaki ang participation nila pero ang cute talaga! Para sakin, sobrang nakatulong sila para balik-balikan at ulit-ulitin ng fans ang panunuod.

Syempre ang pinakagusto ko yung kilig scenes at kissing scenes! xDDDDD waaaaa, kileeeeeg to death!!!

Sori kung hindi matino ang post na ito. Wala na kasi ang katinuan ko ngayon. Sasabog na yata ako sa kilig kaya naisipan kong mag-post!

Next nito, Goong S naman ang titirahin ko! Napanuod ko na yun sa hiniram kong DVD sa kaklase ko at maganda sin ang story. Kileeeeeg din! Pero syempre, no.1 parin si shin goon sakin! kyaaaaaaaaaaa!!!!

Babush na! DL mode! 😀