CHAPTER 4

“Mookie, pupunta ka ba ngayon sa shop mo?” tanong ni Vincent sa kanya matapos kumain.

“Oo. Pagkatapos kong mag-urong dito maghahanda na ako para pumasok. Bakit?” Nilingon niya ito. Napangiti siya nang makitang inaayos nito ang lamesa at ang ayos ng mga upuan. Pakiramdam niya tuloy ay mag-asawa silang dalawa sa gawi nitong iyon. Ilusyonada ka Mookie! Isa kang ilusyonada!

“Natanggal kasi ang isang string ng gitara ko kagabi. Wala akong spare strings. Bibili sana ako doon.”

“Ah.. sige. Magkita nalang tayo sa garahe namin after an hour.” Matapos magligpit ay nagpaalam na ito sa kanilang mag-ina. Siya naman ay agad na naligo at nag-ayos. Natagalan siya sa pagpili ng damit. Para siyang teenager na pinaghahandaan ang isang date. Tinawagan niya ang mga kaibigan sa shop at sinabing ayusin ng mga ito ng maayos ang shop dahil pupunta si Vincent doon.

Makalipas ang mahigit isang oras ay nagpunta na siya ng garahe. Nandoon na si Vincent at nakasandal sa pader. Agad niya itong nilapitan.

“Why do girls take a very long time to prepare?” tanong nito sa kanya. “Shall I drive?”

“Hindi, ako nalang. Doon ka nalang sa passenger seat.” Pumasok na sila sa loob ng kanyang Lancer. Doon ito umupo sa backseat. Kumunot ang noo niya. “Ahem Mr. Arellano, hindi mo naman ako masyadong ginawang driver sa pag-upo mo diyan? Try mo kaya dito sa harapan umupo.” Saway niya dito.

Mukhang napahiya ito kaya mabilis na lumipat ito sa tabi niya. She breathed his scent. It’s a very masculine scent, nakakahalina ang amoy. Palihim niyang inamoy muli ang pabango nito.

“This is awkward.” Makaraang sabi nito.

Napatigil siya sa pag-amoy dito. Nag-alala na nahalata siya. “B-Bakit naman?”

“A girl is driving for me.” Mabuti nalang at hindi pala ang pag-amoy niya dito ang tinutukoy nito.

“Kaya narin gawin ng mga babae ang lahat kaya ng mga lalaki ngayon, Vincent. Mas magaling pa nga kami kasi nakakapanganak kami.” Umiral nanaman ang pagtatag niya sa bandila ng mga kababaihan.

He grinned and looked at her. “That’s not true. Isipin mo nga kung paano mabubuntis ang mga babae. Kailangan ng lalaki para mabuntis kayo. And to do that, they engange in—”

“T-Tama na. Ayos na, I get it. Manyakis mo naman.” Naaalibadbaran niyang sabi.

Tumawa ito. “Aww, I think there’s a virgin in this car. You can’t even stand hearing the word.” Aliw na aliw ito sa nalaman. Hindi naman sa inisip nito na may naka-una na sa kanya pero dahil sa nalaman nito na ganoon pala siya ka-inosente. “Come on Mookie, you’re already old enough for this topic.”

“Twenty-four palang ako.” Giit niya.

“And you think that’s not old enough. I bet hindi ka pa nahahalikan.” Natigilan ito. Napalingon siya dito. Pareho silang may naalala. Lumawak ang ngiti nito. “It’s your first kiss, isn’t it?”

“A-Anong bang sinasabi mo.” Pa-inosente niyang sagot. Hindi na niya kailangang ipagsigawan na ganoon siya ka-manang.

“Don’t you remember? I kissed you the first day I got here. Sinampal mo pa nga ako eh. I knew it. Hindi ka kasi marunong humalik.” He’s being a jerk again. Nagpuyos ang damdamin niya. Ako na ang manang, ako na ang mangmang! Pinaghahampas niya ang balikat nito.

“Bakit? Masama bang maging conservative? Masama bang hintayin ko iyong taong mamahalin ko? Hindi lahat ng babae malandi! Oo, manang na kung manang, eh ano naman? Wala akong pakialam!” patuloy parin siya sa paghampas dito. Napikon na talaga siya.

“Aray!” He grabbed her wrists to stop her from beating him. “Wala naman akong sinasabi na manang ka.” Napabuntong hininga ito. “Sorry kung nainis ka. I have nothing against manangs. Natutuwa lang ako kasi ngayon lang ako nakakita ng katulad mo. It’s a good thing, trust me.”

Inirapan niya ito at umayos ng upo. Nagsimula na siyang magmaneho papunta sa store niya. Tinignan niya ito. Diretso lang ang tingin nito sa daan at tahimik lang din na tulad niya. She decided to break the silence.

“Bakit sa isang apartment mo pa naisipang mag-stay? Alam mo nagsisimula na akong mag-isip na kuripot ka. At saka paano ka nakapunta dito nang hindi pinagkakaguluhan ng mga tao?”

He shrugged. “Wala lang. Puro sosyal nalang kami for three months sa America. Gusto ko lang ma-refresh. Hinatid ako dito. Doon ako mismo bumaba sa tapat ng bahay nyo tapos kumatok ako agad para walang makapansin sa akin. I talked with your mom about the rent then ayun na.”

Tumango-tango siya. She parked her car in front of her store. Nakita niyang nakaabang ang mga kaibigan niya sa counter para sa kanilang pagdating. Napansin din niyang walang customer sa loob at nakaharap ang closed sign sa pintuan. Mabuti narin iyon para hindi magkagulo sa loob ng shop kung sakaling may tao doon at pumasok si Vincent. Baka may masira pa doon.

Vincent put on his shades and an afro wig. “Saan nanggaling yan?” Gulat na tanong ni Mookie. “Mukha kang timang.”

Instead of answering her question ay agad nalang itong lumabas ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Natuwa naman siya na gentleman din pala ito. Maybe he’s not much of a jerk at all. Tutal wala naman siyang naririnig na masama tungkol dito. Marahil ay tama nga si Cheska.

Nagmadali silang pumasok ng store. Si Cheska ang nagbukas ng pintuan sa kanila at agad iyyong isinara nang nakapasok na sila. Ibinaba nila ang venetian blinds sa store para hindi makita ang mga nangyayari sa loob.

Nang masara na ang lahat ay kinikilig na sinunggaban ng yakap ni Cheska si Vincent. Isinisway-sway pa ni Cheska ito. Inamoy-amoy din nito si Vincent.

“Ah… Ang sarap naman! Bestfriend, thanks for sharing!” Kilig nitong sabi. Naiilang na tinapik-tapik ni Vincent and likod ni Cheska.

Pakiramdam ni Mookie ay parang gusto niyang sabunutan ang kaibigan sa inaasal nito. Hindi niya nagugustuhan ang pagkalapit nito kay Vincent. “Ahem… Cheska.” Tawag niya dito. Lumingon ito sa kanya at kanya itong tinitigan.

Mukhang na-gets naman nito ang kahulugan ng tingin na iyon. “Oh sorry. I’m yours but you’re hers.” Pinisil-pisil nito ang braso ni Vincent. “Hay.. thi is paradise. But Ian is heaven and life!”

Pasimpleng kinurot niya ito sa tagiliran. Tumahimik na ito at tumabi sa kanya. “Ang landi mo, girl! Magpakababaeng Pilipina ka naman!” Inis niyang bulong dito.

“If I know jelly ka lang kasi natsansingan ko si Vincent!”

“Akala ko ba kay Ian ka? At hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos? Pfft.”

“Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Hmm?” Hindi na niya sinagot ito. Kanina pa siya nababad trip. Tinignan nalang niya sina Vincent at Jester na nag-uusap. Mukhang nagkakasundo ang dalawa habang ina-assist ni Jester si Vincent sa loob ng shop.

“Basta hindi ako nagseselos, Cheska.” Giit niya.

“Hindi ba tapos na tayo sa topic na yan?” She grinned. “Hindi ka maka-move on ah. You like him na?”

“Bakit naman ako magkakagusto sa taong mahigit isang linggo ko palang nakikilala?” Para sa kanya ay matagal na panahon ang kailangan para magkagusto siya sa isang tao.

“FYI, matagal mo nang kilala si Vincent. Since nabuo ang band nila which is.. four years ago? At saka like lang naman as in crush. Pero di ba nga matagal mo na siyang crush?”

“Fine. So I have a crush on him. Big deal. We all have crushes.” Katwiran niya.

“What if madevelop ka, friend?” Pumunta si Cheska sa counter para asikasuhin ang mga binili ni Vincent. Hindi lang string ang binili nito kundi isang clamp, strap, at guitar pick. Nilapitan niya si Vincent.

Tinignan niya ang guitar pick na binili nito. May print na rabbit iyon. “Bakit ka bumili ng bagong guitar pick? Rabbit pa ang design.”

“This guitar pick just reminds me of you. Wala naman kayong resemblance. I’ll treat this as a souvenir para there’s always something to remind me na napadaan ako dito.”

She bit her lip to stop herself from smiling. Na-touch siya sa sinabi nito. “Sentimental ka pala.” Their eyes met. Her heart skipped a beat. Bigla ay sumagi sa isip niya ang tanong ng kaibigan kanina. Paano nga kung madevelop siya? Hindi na imposible iyon ngayong nasa harapan na niya ito at nakakausap. At hindi rin niya maitatanggi ang kagustuhan niyang makilala pa ito ng mabuti.

“Bakit ka nga pala napadpad dito?” tanong ni Cheska kay Vincent matapos asikasuhin ang binili nito.

Binaling nito ang tingin kay Cheska. Nagbaba siya ng tingin na parang napahiya. “I’m here to find someone…special.” matipid nitong sagot. May kakaiba siyang naramdaman nang sabihin nitong espesyal na tao para dito ang hinahanap nito. She felt queasy. Cheska looked at her with concern.

“Ah.. maybe we can help you. Madami kaming kilala dito at baka kilala ng mga kakilala namin ang kakilala mo na hindi namin kilala.” Nalito lang sila sa sinabi ni Cheska. “In short, we’ll help you. May picture ka ba dyan?”

Vincent touched his pant’s left pocket. “Eh.. Oo.”

“Ay patingin!” Excited na sabi ni Cheska.

“O-Oo nga Vincent. Tutulungan ka na namin para mapabilis ang paghahanap mo.” Kahit na labag sa kalooban niya ay naisip niyang iyon parin ang tama niyang gawin. At wala rin siyang karapatang mag-inarte. Sino ba naman siya.

Napangiwi ito. Hindi alam kung ipapakita ba ang larawan o hindi. Then she remembered na may nakasulat sa likod ng larawan. Marahil nag-aalala itong mabasa ng iba ang nakasulat doon. “Sorry guys, I can’t show it to you.”

She knew it. Halata na disappointed si Cheska samantalang si Jester ay ayos lang. Sa pagkakakilala niya sa kaibigan ay hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto nito.

“Kahit name man lang nya ang sabihin mo? Please?” Hindi niya sinuway ang kaibigan sa pagiging persistent nito. Kahit man siya ay gustong malaman kahit man lang pangalan ng babaeng hinahanap nito at siguradong may special place sa puso nito.

Bumuntong hininga ito. Halatang hirap na hirap sa sitwasyon. “I call her Brie.”

May nickname pa talaga. Bakit pa kasi kailangang unti-untiin nito ang pagsabi ng mga bagay tungkol sa babaeng iyon? Parang kinurot ang puso niya nang tignan niya ang mga mata nito. He’s longing for Brie.. kung sino man ito. Nakatingin si Vincent sa kawalan na parang pagkasabi nito ng pangalan na iyon ay lumipad na ang isip nito. Nanunubig narin ang mga mata nito.

“Anong buong pangalan? Mahirap maghanap ng nickname lang.” Jester urged Vincent to talk more about this girl.

Inilabas nito ang larawan mula sa bulsa nito at ipinakita sa kanila. “Sabrina Caliente. She’s my girlfriend.”

The girl has a very angelic face. Nakabagsak ang itim na medyo kulot at mahabang buhok nito. Her hazel-colored eyes are very alluring and she also has a very sweet smile.. Stolen shot iyon habang tumutugtog ito ng gitara. She looks awfully familiar.

Natahimik silang tatlo. Lahat ay nakatitig lang sa larawan. Parang nag-eecho ang mga sinabi ni Vincent sa tainga ni Mookie. Hindi siya makapaniwala… small world. Nakaramdam ulit siya ng kurot sa puso niya pero mas masakit iyon. Sa lahat ng tao sa mundo, bakit doon pa sa babaeng iyon?

Nagpatuloy si Vincent sa pagkwento. “We were fine before I went to America. We kept our contact with each other for more than a month pero she just stopped replying to my messages. She wouldn’t answer my calls, reply to my mails or anything para lang magkausap kami. I’ve been really worried kaya gustong gusto ko nang bumalik dito noong time na iyon. Pero hindi pwede, we have a contract. Nang matapos ang tour I came back here right away to find her. May nakapagsabi sa akin na dito ko siya makikita kaya dumiretso ako dito sa Laguna.”

“S-Sab…” Nakapako parin ang kanyang mga mata sa larawan. Lahat sila ay gulat parin sa nalaman. Ang kanilang dating bandmate na si Sabrina ang girlfriend ni Vincent na hinahanap nito. Ang nasa isip naman nila ay kung bakit pinagtataguan nito si Vincent.

Vincent grabbed her shoulders. Hope visible on his face. “You know her?”

“Y-Yeah.. I k-know h-her. She’s from our b-band” Nabubulol na sinagot niya ito. Hindi parin siya makapaniwala. Hindi niya alam kung masasabing panaginip o bangungot ang nagyayari pero kahit ano man iyon ay gusto na niyang magising.

She then saw the best smile he showed so far. It’s even brighter than the smile from the poster. Ilang beses na ito ngumiti noong araw na iyon pero iba talaga ang dating niyon. May kakaibang init na dumampi sa kanyang puso. She gasped when he pulled her into a tight hug. Masyadong mahigpit iyon pero ayos lang sa kanya. She hugged him back at muling inamoy ito.

Her heart is beating crazily. Pakiramdam niya ay aatakihin na siya sa puso. Parang biglang naglaho ang kirot na nararamdaman niya kanina. It’s funny how a simple smile could affect her this much. Binuhat siya nito at pinaikot-ikot as he exploded with joy. She loved hearing him laugh.

“Yes!” Ibinaba na siya nito. “Buti nalang sinabi ko sa inyo. You’ll help me right? We’ll find her?” pagkumpirma nito.

Isang tango lang ang sinagot niya dito. Parang may hang over pa siya sa pagyakap nito. Nagulat siya nang hilahin siya nito.

“T-Teka, saan tayo pupunta?” nagtataka niyang tanong.

“Hanapin na natin siya ngayon! Tara na, dali!” Kinuha nito ang plastic ng pinamili kay Cheska at hinila siya nito palabas ng shop. Natauhan na siya.

“Hep hep! May trabaho pa ako Vincent. At saka bumalik nga tayo sa loob. Mamaya magkaroon ng stampede dito.”

“Naka-disguise pa ako.” Napansin niya na suot parin nito ang afro na wig nito.

Nilingon niya ang shop. Nakasilip si Cheska sa bintana at sinasabi nito na ayos lang na umalis siya. Si Jester naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa ni Vincent. “Sige na nga. Get in the car, bilis!” Ayaw niya talagang maabutan ng loka-lokang fan sa nito kung sakali mang may makakilala dito.

Pumasok na sila sa kotse. Bakas sa mukha nito ang excitement. Para itong batang nawala na ihahatid na papunta sa tahanan nito. Sabrina, kahit kailan talaga. You’re one lucky girl.

Kinuha niya ang cellphone at dinial ang number nito. Hinintay niyang may sumagot noon. “Hello?”

<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>