Matulog at mahiga sa papag.
Nang maadik ako sa Titanic. VHS pa ang gamit noon kaya hirap akong ulit-ulitin. Pero kahit ganoon, 13 times ko yatang inulit ang movie na iyon.
Naglaro ng teks, tansan na pinipi, at kung ano-ano pa.
Mangolekta ng Funny Komiks. šŸ˜€
Nang maging idol ko si Regine Velasquez.
Bigla akong umupo sa see-saw habang nakatayo pa sa kabilang side ang bagong tuli kong kuya. (bad ko) šŸ˜›
Mabato ng bato ng kapitbahay.
Mahiwa ng dahin ng buko na pinaglalaruan ng kapitbahay kong namato sakin.
Umiyak noong tinutukso ako o niloloko yung pangalan ko.
Umiyak noong nasilipan ako mula sa 2nd floor. Nakaupo kasi ako noon.
Ako ang madalas paglistahin ng Noisy, Standing, at NIPS.
Tutukan ako ng kaklase ko ng balisong para lang tanggalin ko siya sa listahan ng noisy. (Oh Grade 3. Christopher, bless you!)
Nang sumali ako sa Little Miss CSL. Hanggang magic 10 lang ako eh. šŸ˜¦
Nang sumali ako ng singing contest. Natalo ako kasi namali ako ng lyrics sa pagkanta ng “Forever’s Not Enough” ni Sara Geronimo.
Bumili ng Tofiluk, sandwich, coke, chichirya, at kendi sa tindahan ni Ate Inday tuwing miryenda.
Mangolekta ng tansan ng coke. Baka may nakasulat ng 1 million eh.
Sinabi ko sa 1st crush ko noong grade 3 na gusto ko siyang pakasalan.
Makipag-agawan sa mga kaklase ko sa pag-floor wax ng room.
Ma-poo-poo sa salawal. (kahiyaaaa)