Ghost Hunting [12.21.09]

1 Comment

Katatapos lang ng christmas party ng org namin nang magkayayaan kaming magkakaibigan na mag ghost hunting. Maaga pa nun, mga 6:30pm pero madilim na talaga. Ang plano ay lilibutin lang namin ang school mula sa kinatatayuan namin hanggang sa gate 3 tapos babalik na.

Nagsimula na ang aming paglalakad at mahigpit ang kapit ko sa damit ng isa naming kasama. 22 yrs. old na siya at sabi nya na hindi siya naniniwala sa mga multo at kung makakita man siya, hindi parin siya maniniwala. Ang isa naman naming kasama ng makulit at nanakot at lagi akong ginugulat. Hinablot pa nga niya ang paka ko eh! Huhu!

Madilim na ang paligid ng school kung wala lang ilang ilaw na nanggagaling sa first floors ng buildings. Napadaan kami sa building ng College of Education. Doon ako nag-high school at may ilan na akong narinig na ghost stories doon.

Katulad nalang noong nagpapraktis daw ang mga kaklase ko  doon. Maingay daw sila at nagkukulitan hanggang sa may narinig silang kumalabog. Natahimik sila at nagmamadaling umuwi.

Nalagpasan na namin ang COE building at pumasok kami sa loob ng Integrated building – ang pinakaunang building sa aming eskwelahan. Isang bumbilya lang ang nagbibigay liwanag doon kaya naman nakakatakot. Balak pa nilang sa second floor kami maglakad pero we insist na sa first floor nalang.

Wala kasing kailaw-ilaw sa second floor ng building kaya naman nakakatakot talaga. At isa pa ay marami daw nagpapakita doon.

Korni ano? Ghost hunting na iniiwasan ang lugar kung saan may makikita ka. Haha! Eh sa nakakatakot talaga at saka baka mahuli pa kami ng guard. Patay kami!

Nangkukwentuhan kami habang naglalakad kaya naman hindi masyadong nakakatakot. May nakita pa akong alitaptap. Hehe.

Nang marating na namin ang dulo ng building na iyon ay makikita mo na ang gate 3 kaya naman napagdesisyunan namin na bumalik na. Nag-request muli sila na sa 2nd floor na kami dumaan pero ayaw taaga namin!

Tahimik lang kami habang naglalakad. Puro pagtapak lang ng mga sapatos namin sa hallway at ang mahinang kwentuhan ang maririnig mo. Patuloy parin sa pananakot at panggugulat ang isa kong kaibigan.

Dahil nga doon sa school na iyon ako nag-high school, nakwento ko sa kanila ang tungkol sa building ng COE. Mas lalong ginanahan ang dalawa kong kasama kaya nagyaya silang pasukin namin ang building.

Gusto nila na akyatin namin hanggang rooftop per apat na palapag pa ang aakyatin namin bago marating iyon kaya tumanggi kami. (KJ noh?) At isa pa, sa first floor lang may bukas na ilaw, sa taas ay wala na kaya talagang nakakatakot!

Nakakapit kami sa isa’t isa at nang marating ang ika-tatlong palapag ay huminto muna ang iba. Sobrang dilim na kasi at nilalamig kami. Hindi nga lang namin alam kung dahil ba iyon sa cold breeze na dulot ng Disyembre o dahil sa iba pang dahilan. Tapos may narinig pa kaming “Ssshhh” or something like that.

Nagyaya paring umakyat hanggang rooftop ang isa kong kaibigan pero ayaw na talaga ng mga babae (ako, slight). Kaya bumaba nalang kami.

Nanghinayang sila kasi hindi namin tinuloy. Dalawang palapag nalang at makakarating na kami sa rooftop. Sinabi ng mga kaibigan ko na gustong tumuloy doon na medyo natatakot narin sila kasi talagang malamig at madilim na doon. At isa pa, iba daw ang feeling nila.

Ang sabi ng 22 yrs. old na kasama namin ay baka kuliglig lang ang narinig namin. Bilang isang IT student, hindi daw kami dapat naniniwala sa mga ganoon.

Bumalik na kami sa sarili naming building. 7pm na ata noong mga oras na iyon. Nagpasya ang tatlo sa amin (including me) na makipag-videoke nalang sa mga ka-org namin at ng mga advisers ang iba naman ay tumambay nalang at nagkwentuhan.

Nagulat ang mga advisers namin at bumalik kami. Ang alam kasi nila ay umuwi na kami. Sinabi namin na nag-ghost hunting kami at nakwento ang nangyari sa COE building.

Sabi ng isa kong adviser na doon nagkolehiyo, nagkaklase daw sila dati doon sa rooftop hanggang 8pm at sila ang ang tao sa buong building. Iba daw talaga ang atmosphere at madami daw sa klase nila pati ang guro nila ang may nakita na lalaking nakasuot ng puti na naglalakad. Dahil nga daw doon ay dinismiss sila ng maaga.

Tinanong ko kung na-ulit pa ang pangyayaring iyon. Oo ang sagot niya. Sabi ay nakasanayan nalang daw nila. Pero ang heavy daw talaga ng feeling.

I’ve had enough of scares for today. Matatakutin kasi akong tao. Huhu! Talagang kinikilabutan ako. Sabi ko sa adviser ko na sana ay hindi kami magkaroon ng klase doon.

Ang sabi naman niya ay talagang hindi na naglalagay ng klase doon tuwing ganoong oras. Napalagay naman ako.

Well, kahit saan man kami mag-room ayos lang sa akin basta wala kaming unwanted visitors!!

Iyan ang unang karanasan ko sa paggo-ghost hunt na iniiwasan naman ang mga mumu. Hahaha!

Natatakot ako pero parang na-eexcite. Ewan ko lang kung sasama ba ako ulit kung sakali mang magkayayayaan nanaman ng ganoon.

😛

I want bawbaw to BURN!

1 Comment

December is supposed to be a month where people are happy and loving with each other. Everyone is supposed to be at peace, and laughter and smiles should be everywhere. Pero bakit ganito ang nangyayari sa paligid ko at sa sarili ko mismo? Nakakatawa pero simula nang dumating ang buwan ng Disyembre, marami ang nagkagalit sa section namin.

Sa tingin ko, sa amin nagsimula iyon. Sa tropa namin unang nagkaroon ng magkagalit – sa pagitan ko at ng isa ko pang kaibigan na tawagin nating bawbaw. Ang nanging dahilan noon? Pagbili ng baon para sa field trip. Yep. Yun lang yun. At hanggang ngayon magkagalit parin kami. Ang nangyari kasi, dapat ay sama sama kaming mamimili ng baon pero hindi natuloy iyon dahil may ginagawa pa ako sa org namin kaya naman nauna na ang dalawa kong katropa. Hinanap nila si bawbaw pero hindi nila nakita kaya naman nauna na sila. Ako naman, akala ko sama sama na silang tatlo na namili.

Bandang hapon ako namili kasama ng isa ko pang kaibigan. Medyo nagtagal kami dahil lumamon pa kami ng Shawarma sa isang grocery store at float sa mcdo. Nilibre nya nga ako doon sa dalawa eh. Yown! Tapos nakatanggap ako ng text message mula kay bawbaw at nag-eemo siya at sa tingin ko ay nagpaparinig pa. Nagpapasalamat daw siya kina **** at ### dahil sinamahan siya ng mga ito na maghintay. Nagulat ako, nandoon pa pala siya sa eskwelahan?! Pagbalik namin ng kaibigan ko sa eskwelahan nakasalubong ko si bawbaw kasama si **** at ###. Sinalubong ko siya at nag-sori ako. Nagsalita siya in a monotone voice at without eye contact na ayos lang daw siya. Ewan ko ba pero nainis ako. Pagkauwi, nag-BUZZ ako sa kanya sa messenger pero ang puro emoticons (na mataray) lang ang reply niya sa akin. Pero wala naman talaga akong sinabing matino. Puro ahmmm.. ehhh.. kasi.. ano…. lang ang mga nasabi ko.

Kinabukasan (field trip na!!!) dumating ako at hindi kami nagpansinan. Hindi ko alam kung sino ang unang hindi namansin sa amin pero paano nga naman malalaman iyon? Haha. Dumating ang dalawa kong katropa at nag-sori sila kay bawbaw. Pero hindi sila pinapansin. Nainis nanaman ako kasi para doon lang nagtatampo siya ng ganoon. Binase ko lang naman ang observation ko kung sa aking mangyayari ang ganoon. Hindi naman ako magtatampo ng ganoon kung iiwan nila ako. Malamang pabiro ko silang pagsasapakin. Ayos pa sana kung sinadya namin na iwanan siya pero hindi naman. Sa kalagitnaan ng field trip, nagkabati na silang tatlo. Pero ako, hindi ko parin siya pinapansin. Naiinis parin kasi ako sa kanya. Naisip ko na hindi naman pwedeng lagi nalang ganoon. Ayoko pa naman sa mga taong matampuhin sa mabababaw na bagay. At naisip ko nagsori narin naman ako, nakita ko na ang rection niya. I’ve done my part. Ako pa ba ang lalapit sa kanya ang magso-sori ulit? Ako kasi ang tipo ng tao na kapag nahihirapan magsori kapag lumipas na ang araw. Kapag lumipas na ang araw at hindi pa kami bati, eh di bahala na siya sa buhay niya. Nakakasawa din mag-sori. At saka sabi niya ayos lang siya, eh anong iyong iniinarte nya? Mas lalo lang akong nabwisit.

Noong isang araw habang nagpo-program ako, nag-BUZZ siya sa messenger ko at may tinanong about sa pasahan. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na namemersonal sa ganoong bagay. Nagtatanong lang naman eh. Let’s be civil nga di ba? Ganoon ang naging pakikitungo ko sa kanya simula noong nagkagalit kami. Minsan naiisipan kong makipagbati kaya doon ako umuupo sa tabi ng upuan niya, pero tuwing dadating siya, one seat apart kami. Hindi niya ako tinatabihan so naisip ko nagiinarte pa siya. Balik tayo sa messenger… Ayon, sinagot ko na iyong mga tanong niya regarding sa pasahan. Tapos nagtanong siya kung galit daw ba kami. Nalukot naman ang mukha ko sa nabasa ko. Hindi ba niya feel iyon? Ayon sa mga pinagkikilos niya, malinaw sa akin na alam niya na galit kami. Sabi ko nalang ewan ko. Tapos sabi niya, hindi naman siya nakikipagbati dahil lang may kailangan siya sa akin blah blah blah (nakalimutan ko na eh), magpapasko na ganito pa ba tayo?

Naisip ko, eh alam mo naman pala na galit tayo eh. Mas nainis lang tuloy ako. Lalo na sa huling sinabi niya. Parang ako pa ang lumalabas na masama at kontrabida eh wala naman akong ginagawa. Por que ako ang mas halata ang inis sa aming dalawa para bang lumalabas na inaapi api ko siya. Hay nako! Naiinis ako habang tinatayp ko ito. Naiinis din ako sa sarili ko dahil parang ironic dahil pinatulan ko ang kababawan niya kaya parang naging mababaw narin ako. Hindi ko na siya nireplyan kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Bad trip ako eh. Nag-code nalang ako. Tapos nagsend nanaman siya ng message na nagsasabi na pwede daw bang isend nya ang program niya sa akin dahil hindi daw siya makakarating kinabukasan upang magpasa. Ay nako, hindi pa nga kami bati nakikiusap na. At anong nangyari sa “HINDI NAMAN SA NAKIKIUSAP AKO KAYA AKO NAKIKIPAGBATI”??? Eh hayun at nakikiusap na siya. Kinausap niya ako after two weeks dahil may kailangan siya. Nako, hindi ko nga siya nireplyan. Kaloka siya weh. Tapos sinend nalang nya sa isa kong katropa.

Kinabukasan, maaga akong pumasok para magpatulong dahil may kulang pa sa program ko. Sa kasamaang palad, nabura ang code ng program ko sa hindi ko malamang dahilan. No code means no program!! Kaya ayon, super rushed ako sa pag-ulit ng program ko. Buti may pinagbasehan ako (thanks ate bud!!! shoutout to FRN pipz! ^^). matapos ang dalawang oras natapos na ako (huwaw). Ako ang naging dakilang taga-burn ng programs sa amin (at iyon naman talaga ang dahilan kaya ako pumasok ng maaga pero wala pa namang tao noong pumasok ako.. nye). Habang nagbu-burn ng CDs, sinabi sa aking ng katropa ko na pinasahan ni bawbaw ng program nya, i-burn ko din daw iyong kay bawbaw. Nagpintig ang mga tainga ko. Para bang may sumigaw ng “THE NERVE!!!” sa utak ko. Bwisit na let’s be civil na iyan. No way! Bakit kasi hindi siya ang mag-burn noong sa kanya. Nako. Nabadtrip iyong katropa ko sa akin. Nakakainis. Ako ang lumalabas na kontrabida eh sa naiinis ako eh. Siya din naman may kagalit at ganoon din siya sa kagalit niya kaya bakit siya naiinis sa akin? Hay nako! Whatever!

Nang matapos na akong mag-burn (ala nga palang bayad iyon at mga CDs ko ang ginamit ko.. buti may nakaalala na magpasalamat) humabol iyong kaibigan ko na nanlibre sa akin ng tsibog. Dumating din ang iba kong kaibigan na pinipilit akong i-burn din iyong kay bawbaw. Sa huli napilit din nila ako dahil ayoko namang lumabas na sobrang sama at bumalik narin ang espirito ni “Let’s be civil” sa akin. Pero labag parin sa loob ko na gawin iyon. Hindi ko na alam kung kanino ako maiinis.. kung sa sarili ko ba, kay bawbaw, o sa mga kaibigan ko. Iniwan na kami nung nabadtrip na kaibigan ko. Tinatawag namin siya pero ayaw niyang lumingon. Ayon… kontrabida talaga ang labas ko. NAKOO!!! NAIINIS TALAGA AKO NGAYON HABANG NAGTATAYP!!! Noong bandang hapon, nagtext si friend na nabadtrip at nagpasalamat dahil binurn ko ang program ni bawbaw.

Hay ewan ko ba.. naisipan ko lang magpost dito kasi feeling ko sasabog na ako sa inis. Naiinis ako sa kababawan ng mga pangyayari. Pero kahit alam ko na mababaw iyon, hanggang ngayon wala parin akong planong makipagbati kay bawbaw.

Ako na ang maldita kung maldita. Pero lahat naman ng tao may kamalditahan kapag may kagalit, hindi ba? Kapag ba may kagalit ka mabait ka sa kanya? I rather be called maldita than PLASTIC!

Kung nabasa mo itong lahat, you just wasted a few minutes of your life.. 😛

Introducing: List Series (Soulmate)

2 Comments


tutal tinatamad na akong mag-upload ng stories at update sa fanfiction.net mabuti pa dito ko nalang itambak ang mga supposedly future stories ko. I might post the anime ones but idk.. shy ako ihhh… my writing skill is lame and it is still is so xenxa naman, human lang!

This one is a chapter story, pero wala pang update. Naisip ko lang ipakita sa inyo iyong mga pinagsusulat ko na english. Ka-nosebleed lang (para sa akin) haha! It’s a CAMP ROCK fanfiction. Nate x Mitchie x Shane pairing. LOVE TRIANGLE! 2008 ko pa ito nasulat, mga bandang November siguro. Sabik at masipag pa akong magsulat noong mga panahon na iyon. Kung anu-anong storya ang naiisip ko. Actually, ang plot ng OLILAS ay napulot ko sa Camp Rock ideas ko. Eto na, basahin mo…!

***


Mitchie Torres’ List of Signs for Finding Her Soulmate:

  1. 1. Should confess to me  on the month of December
  2. 2. Give me a surprising gift on my birthday
  3. 3. Hates  Sponge Bob
  4. 4. Loves music
  5. 5. Give me his drink
  6. 6. Have white moustache
  7. 7. Falling stars are present when we meet
  8. 8. Very honest
  9. 9. Sing a song for me
  10. 10. Has a picture of me in his room

I was thinking of what I should write to number eleven when Caitlyn, my bestfriend, grabbed the paper. I gave her a look when she raised her eyebrows and started to laugh.

“Soulmate?” she laughed. “Really now Mitch, excessive television is really bad for you. It gets into your head. You actually believe about these soulmates stuffs?”

I crossed my arms across my chest and shrugged. “Why? Is it bad? I just thought I’d give it a try.”

Caitlyn looked at the paper again. “Falling stars? White moustache? December?” she said as she read. “Mitchie, this is impossible!”

“That’s why it’s called soulmate. If someone did all of that then he is my soulmate.” I explained in a ‘duh’ tone.

“Maybe your soulmate is Santa Clause because you’re looking for someone with a white moustache and meet him with falling stars.” she joked.

I let out a sigh. “Cait, if I won’t see my soulmate then it’s probably not true but it won’t hurt to try right?” I said. “Besides, it would be really awesome if I get to see him.” I smiled at the thought. “Finding your soulmate and the love of your life will be really amazing.”

“True, but still, this is stupid. I mean, you really like someone who is Sponge-Bob-hating-white-moustache-growing- music-freak-boyfriend?” she said. “But since I’m your bestfriend I should support you in any way I can.”

“Gee Cait, I can feel the support. Really.” I said with sarcasm.

She gave me back the paper as she sat at the seat across from me. “So do what you want, I’m just right here and don’t come running to me if you don’t find this soulmate guy whatever.”

I nodded. I resumed to my thinking. What should number eleven be? Bark at a dog? Climb a tree? Falling musical notes? Swimming monkeys?

“Don’t you think that’s enough?” Caitlyn said. “I mean, if you added more signs, it’ll be harder to find him right?”

“Interested?” I teased her.

“No!” She declined. She looked away and I just laughed. She then looked at me and said, “How do you start writing these kinds of stuffs anyway?”

After the break, I officially finished my list. I didn’t add any signs anymore because I think it’s enough. Caitlyn seems interested but she still won’t admit it. I looked at her and smirked.

After a while of thinking, I decided to pay attention to our teacher. We’re having math right now – my worst enemy.

RING!!!

Well, that’s the school bell. Just as I was going to pay attention, it rang! Caitlyn and I went to the cafeteria to eat our lunch. When we entered the cafeteria, the first thing I saw was Nate Black. He had cute curly brown hair, brown eyes, nice smile, and he’s also nice to everyone. I sighed as I looked at him. He’s perfect. How I wish he’s my soulmate.

Suddenly, I was showered with junkfood. Argh! This just ruined my day!

“What the-?” I said but stopped when I saw who’s standing in front of me.

Shane Gray.

He’s the biggest jerk in school. Oh wait, that’s an understatement. He’s the biggest jerk on the planet.

I glared at him. I felt Caitlyn’s hand on my shoulder; I knew she’s trying to stop me from doing anything that might get me in trouble. I just let out a sigh.

“Give me your lunch money.” Shane commanded.

I’m scared and nervous but I have to stand up for myself. Nobody can help me right now but myself. I’m sick of being bullied and it will end right now. This jerk needs someone to give him a reality check.

“I won’t give you my lunch money you jerk!” I said to him. I heard a few people gasped.

Shane looked shocked but it quickly returned to his jerk face. “Feisty huh?”

“Just leave us alone.” I pulled Caitlyn to the lunch table but Shane grabbed my arm and pulled me back violently which caused me to stumble.

“Don’t you know who you’re dealing with, ugly face?” he asked as he knelt in front of me with one leg. His voice was low but hard.

I took a deep breath.  “Yes I do. I’m dealing with the most stupid conceited mean cold-hearted jerk of the century who doesn’t even have the money to buy his lunch.” I said to him while looking at him bravely in the eye.

He gritted his teeth and clenched his jaw. His grip on my arm tightened. “And you are?”

I stood up as I tried to get his grip off my arm. “I’m a person! And there is a way to talk to a person and that’s not it!” I snapped. “So stop acting like you’re the king of the world because you’re not! You think you rule this school? Well guess what, you don’t! I feel really bad for your parents because they had the worst son ever! I’m pretty sure they’re looking for a child that they will never have. Life is a waste for you!”

He fell silent for a moment. He looked taken aback by my words and ran out of things to say. He let go of my arm. “You’ll pay for this.”

I think I hit a nerve. Oh no.

“You’re welcome.” I said.

He turned his back on me and called his minions as he left the cafeteria. When he finally left, I quickly sat down and let out a deep sigh. Caitlyn patted my back as she grinned.

I needed a drink.

As if on cue, someone handed me a drink.

“Here, I’m sure it’ll make you feel better.”

That voice! I looked up and saw Nate. I shyly took the drink and opened it. I took a sip.

“Thank you.” I said to him. He sat down next to me. Oh my gosh! I’m so nervous.

“That’s the first time someone talked back at him.” He said. “Aren’t you afraid?”

“I am.”

He looked at me. “But you’re so brave there.”

“Yeah, well, I just thought that someone needs to give him a reality check.” I said to Nate. “And I think I said something really mean back there. I didn’t mean to, I just snapped.”

“Yeah, I get your point.”

“Hey Mitchie, still want to have lunch?” Caitlyn asked as she came back with her tray.

“No thanks.  I lost my appetite.”  I said to her.

“Well, I should get back to my table.” Nate said to us. “Nice meeting you Mitchie. See you around.” He waved as he left.

I stared at his retreating figure. His back looked cute too. And he’s so nice… I sighed as I turned to Caitlyn.

“Nate is so nice.”

“Yeah, he even gave you a drink.”

“Huh?” I said, confused. Then I looked at my hand and saw the drink he gave me. I was shocked for a minute. Caitlyn waved her hand in front of me.

“He’s my soulmate!” I squealed. Caitlyn looked at me quizzically. I shuffled through my bag and pulled out a piece of paper where I wrote my signs. Caitlyn sat beside me and looked at the list.

Give me his drink

“I knew it!” I squealed.

Caitlyn seemed shocked too but recovered quickly. “Mitchie, it’s just one sign. There are still nine left.”

“Wetblanket.” I said to her. “Whatever, be optimistic! One down, nine to go!” I grinned.

Nate could really be my soulmate. I’m so happy!

***


Ayon, azar noh. English carabao. Ang daming kulang. Haha, pampadami rin ng post ‘to!!! Mukha akong masipag. Haha!

Once Upon a Time (Teaser)

1 Comment

Once Upon a Time

Many said that Sandra is a man-hater. It’s not like she hated men. She was scared. At dahil iyon sa kanyang madilim na nakaraan. Maski hawakan man lamang ang mga ito ay hindi niya magawa. But then, Romeo was an exception.. but then also, Romeo is a Juliet. She was very fond of him at talagang masaya siyang kasama ito.

Why was Sandra scared of men? Ano ang meron sa nakaraan niya? At habang tumatagal ang mga panahon na nakakasama ni Sandra si Romeo, ano ang kanyang mga nararamdaman? May bakla bang humahalik ng babae?