December is supposed to be a month where people are happy and loving with each other. Everyone is supposed to be at peace, and laughter and smiles should be everywhere. Pero bakit ganito ang nangyayari sa paligid ko at sa sarili ko mismo? Nakakatawa pero simula nang dumating ang buwan ng Disyembre, marami ang nagkagalit sa section namin.

Sa tingin ko, sa amin nagsimula iyon. Sa tropa namin unang nagkaroon ng magkagalit – sa pagitan ko at ng isa ko pang kaibigan na tawagin nating bawbaw. Ang nanging dahilan noon? Pagbili ng baon para sa field trip. Yep. Yun lang yun. At hanggang ngayon magkagalit parin kami. Ang nangyari kasi, dapat ay sama sama kaming mamimili ng baon pero hindi natuloy iyon dahil may ginagawa pa ako sa org namin kaya naman nauna na ang dalawa kong katropa. Hinanap nila si bawbaw pero hindi nila nakita kaya naman nauna na sila. Ako naman, akala ko sama sama na silang tatlo na namili.

Bandang hapon ako namili kasama ng isa ko pang kaibigan. Medyo nagtagal kami dahil lumamon pa kami ng Shawarma sa isang grocery store at float sa mcdo. Nilibre nya nga ako doon sa dalawa eh. Yown! Tapos nakatanggap ako ng text message mula kay bawbaw at nag-eemo siya at sa tingin ko ay nagpaparinig pa. Nagpapasalamat daw siya kina **** at ### dahil sinamahan siya ng mga ito na maghintay. Nagulat ako, nandoon pa pala siya sa eskwelahan?! Pagbalik namin ng kaibigan ko sa eskwelahan nakasalubong ko si bawbaw kasama si **** at ###. Sinalubong ko siya at nag-sori ako. Nagsalita siya in a monotone voice at without eye contact na ayos lang daw siya. Ewan ko ba pero nainis ako. Pagkauwi, nag-BUZZ ako sa kanya sa messenger pero ang puro emoticons (na mataray) lang ang reply niya sa akin. Pero wala naman talaga akong sinabing matino. Puro ahmmm.. ehhh.. kasi.. ano…. lang ang mga nasabi ko.

Kinabukasan (field trip na!!!) dumating ako at hindi kami nagpansinan. Hindi ko alam kung sino ang unang hindi namansin sa amin pero paano nga naman malalaman iyon? Haha. Dumating ang dalawa kong katropa at nag-sori sila kay bawbaw. Pero hindi sila pinapansin. Nainis nanaman ako kasi para doon lang nagtatampo siya ng ganoon. Binase ko lang naman ang observation ko kung sa aking mangyayari ang ganoon. Hindi naman ako magtatampo ng ganoon kung iiwan nila ako. Malamang pabiro ko silang pagsasapakin. Ayos pa sana kung sinadya namin na iwanan siya pero hindi naman. Sa kalagitnaan ng field trip, nagkabati na silang tatlo. Pero ako, hindi ko parin siya pinapansin. Naiinis parin kasi ako sa kanya. Naisip ko na hindi naman pwedeng lagi nalang ganoon. Ayoko pa naman sa mga taong matampuhin sa mabababaw na bagay. At naisip ko nagsori narin naman ako, nakita ko na ang rection niya. I’ve done my part. Ako pa ba ang lalapit sa kanya ang magso-sori ulit? Ako kasi ang tipo ng tao na kapag nahihirapan magsori kapag lumipas na ang araw. Kapag lumipas na ang araw at hindi pa kami bati, eh di bahala na siya sa buhay niya. Nakakasawa din mag-sori. At saka sabi niya ayos lang siya, eh anong iyong iniinarte nya? Mas lalo lang akong nabwisit.

Noong isang araw habang nagpo-program ako, nag-BUZZ siya sa messenger ko at may tinanong about sa pasahan. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na namemersonal sa ganoong bagay. Nagtatanong lang naman eh. Let’s be civil nga di ba? Ganoon ang naging pakikitungo ko sa kanya simula noong nagkagalit kami. Minsan naiisipan kong makipagbati kaya doon ako umuupo sa tabi ng upuan niya, pero tuwing dadating siya, one seat apart kami. Hindi niya ako tinatabihan so naisip ko nagiinarte pa siya. Balik tayo sa messenger… Ayon, sinagot ko na iyong mga tanong niya regarding sa pasahan. Tapos nagtanong siya kung galit daw ba kami. Nalukot naman ang mukha ko sa nabasa ko. Hindi ba niya feel iyon? Ayon sa mga pinagkikilos niya, malinaw sa akin na alam niya na galit kami. Sabi ko nalang ewan ko. Tapos sabi niya, hindi naman siya nakikipagbati dahil lang may kailangan siya sa akin blah blah blah (nakalimutan ko na eh), magpapasko na ganito pa ba tayo?

Naisip ko, eh alam mo naman pala na galit tayo eh. Mas nainis lang tuloy ako. Lalo na sa huling sinabi niya. Parang ako pa ang lumalabas na masama at kontrabida eh wala naman akong ginagawa. Por que ako ang mas halata ang inis sa aming dalawa para bang lumalabas na inaapi api ko siya. Hay nako! Naiinis ako habang tinatayp ko ito. Naiinis din ako sa sarili ko dahil parang ironic dahil pinatulan ko ang kababawan niya kaya parang naging mababaw narin ako. Hindi ko na siya nireplyan kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Bad trip ako eh. Nag-code nalang ako. Tapos nagsend nanaman siya ng message na nagsasabi na pwede daw bang isend nya ang program niya sa akin dahil hindi daw siya makakarating kinabukasan upang magpasa. Ay nako, hindi pa nga kami bati nakikiusap na. At anong nangyari sa “HINDI NAMAN SA NAKIKIUSAP AKO KAYA AKO NAKIKIPAGBATI”??? Eh hayun at nakikiusap na siya. Kinausap niya ako after two weeks dahil may kailangan siya. Nako, hindi ko nga siya nireplyan. Kaloka siya weh. Tapos sinend nalang nya sa isa kong katropa.

Kinabukasan, maaga akong pumasok para magpatulong dahil may kulang pa sa program ko. Sa kasamaang palad, nabura ang code ng program ko sa hindi ko malamang dahilan. No code means no program!! Kaya ayon, super rushed ako sa pag-ulit ng program ko. Buti may pinagbasehan ako (thanks ate bud!!! shoutout to FRN pipz! ^^). matapos ang dalawang oras natapos na ako (huwaw). Ako ang naging dakilang taga-burn ng programs sa amin (at iyon naman talaga ang dahilan kaya ako pumasok ng maaga pero wala pa namang tao noong pumasok ako.. nye). Habang nagbu-burn ng CDs, sinabi sa aking ng katropa ko na pinasahan ni bawbaw ng program nya, i-burn ko din daw iyong kay bawbaw. Nagpintig ang mga tainga ko. Para bang may sumigaw ng “THE NERVE!!!” sa utak ko. Bwisit na let’s be civil na iyan. No way! Bakit kasi hindi siya ang mag-burn noong sa kanya. Nako. Nabadtrip iyong katropa ko sa akin. Nakakainis. Ako ang lumalabas na kontrabida eh sa naiinis ako eh. Siya din naman may kagalit at ganoon din siya sa kagalit niya kaya bakit siya naiinis sa akin? Hay nako! Whatever!

Nang matapos na akong mag-burn (ala nga palang bayad iyon at mga CDs ko ang ginamit ko.. buti may nakaalala na magpasalamat) humabol iyong kaibigan ko na nanlibre sa akin ng tsibog. Dumating din ang iba kong kaibigan na pinipilit akong i-burn din iyong kay bawbaw. Sa huli napilit din nila ako dahil ayoko namang lumabas na sobrang sama at bumalik narin ang espirito ni “Let’s be civil” sa akin. Pero labag parin sa loob ko na gawin iyon. Hindi ko na alam kung kanino ako maiinis.. kung sa sarili ko ba, kay bawbaw, o sa mga kaibigan ko. Iniwan na kami nung nabadtrip na kaibigan ko. Tinatawag namin siya pero ayaw niyang lumingon. Ayon… kontrabida talaga ang labas ko. NAKOO!!! NAIINIS TALAGA AKO NGAYON HABANG NAGTATAYP!!! Noong bandang hapon, nagtext si friend na nabadtrip at nagpasalamat dahil binurn ko ang program ni bawbaw.

Hay ewan ko ba.. naisipan ko lang magpost dito kasi feeling ko sasabog na ako sa inis. Naiinis ako sa kababawan ng mga pangyayari. Pero kahit alam ko na mababaw iyon, hanggang ngayon wala parin akong planong makipagbati kay bawbaw.

Ako na ang maldita kung maldita. Pero lahat naman ng tao may kamalditahan kapag may kagalit, hindi ba? Kapag ba may kagalit ka mabait ka sa kanya? I rather be called maldita than PLASTIC!

Kung nabasa mo itong lahat, you just wasted a few minutes of your life.. 😛