Well, bata pa naman talaga akong maituturing sa edad ko(16)! Pero sabi nila, isang sintomas daw ng katandaan ang mga katagang, “Noong bata ako…” o “Noong araw…” kaya masasabi ko na matanda na ako.

Trip ko lang mag-reminisce.

Childhood to present:
Lumabas para maglaro.
Naliligo sa ulan.
Naglalaro ng Beyblade.
Naglalaro ng Let’s Go!
Naglalaro ng lego.
Naglalaro ng action figure ni Voltes V o Daimos. O kaya kahit anong robot.
Naglalaro ng lutu-lutuan.
Nagbubungkal ng lupa.
Nang ma-wiwi ako sa kama.
Nang ma-ospital ako dahil sa tigdas. Tumitirik na daw ang mata ko noon. :O
Gumagawa ng paperboats na pinapadaan sa kanal o di kaya sa baha.
Umiinom ng tubig sa santan.
Pangarap kong maging singer.
Pangarap kong maging teacher.
I went to Kindergarten then straight Grade 1. Wala nang prep! 😦
Nakipag-away ako sa kaklase ko noong Grade 1 para kay Tamahome at kung sino si Miaka sa aming dalawa!
Naranasan ko ang magkaroon ng baha hanggang tuhod sa lugar namin. Bagyong Milenyo ata iyon.
Pumipitas ng alateris. Yung mga kalaro ko kinakain iyon, ako hindi. Namimitas lang. 😀
Hindi ko kilala ang mga kalaro ko. Hahaha~
Nadapa sa kamamadaling makauwi dala ang inagaw ng gameboy sa kapatid na nasa labas ng bahay.