Simula noong araw na nakaharap ni Vincent at Sabrina at ang asawa nito ay lagi na itong nagkukulong sa loob ng apartment nito. Hindi nito inuubos ang pagkaing dinadala niya at hindi rin ito nagsasalita. There were times na naaabutan niya itong umiiyak habang hawak-hawak ang litrato ni Sabrina. If there is one word to describe him, it would be miserable.

Sumulip muna siya sa pintuan bago pumasok. She can heard him let out a sob. How it breaks her heart to see him like that everytime she enters his room. How she wanted to hug him and tell him everything will be alright. Huminga siya ng malalim upang mag-ipon ng lakas ng loob na kausapin ito.

Nitong ilang araw na pagmumukmok nito ay lagi niya itong pinupuntahan at dinadalhan ng makakain. She wanted to check if he’s alright because she truly cares for him. Minsan nga ay nagkasagutan pa sila dahil pinipilit niya itong mag-ayos ng sarili. Kung pwede nga lang na doon na siya manatili buong araw para mabantayan ito. Nag-aalala kasi siyang maisip nitong saktan ang sarili kahit na alam niyang wala sa karakter nito iyon.

“Para ka namang babae nyan. Hindi bagay ah. Kailan ka ba magkakaganyan?” Sabi niya dito nang dalhan ito ng hapunan. “Ubusin mo naman ito, please? Baka kasuhan kami ng manager mo kung makikita kang ganyan pagbalik mo ng Manila.”

“Why do you care?” Umupo ito sa kama at inilagay ang larawan na hawak sa ilalim ng unan. Nanatili lang itong tahimik habang tinitignan ang bawat kilos niya. Bigla naman siya na-concious.

“We’re friends, right?”

“Oo nga, but can’t you just leave me alone?”

Nakapamaywang na tinitigan niya ito. “Ang taray mo naman. Ikaw na nga lang itong inaalagaan ikaw pa ang galit!”

“Wala naman akong sinabing alagaan mo ako!”

Magkasalubong ang kilay na tinitigan niya ito. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Relax. Wag mo nalang patulan ang mamang sawi.

“Bakit ka ba kasi nagkukulong dito? Alam mo mas okay pa kung katulad ka ng ibang lalaki na nagiging playboy kapag broken hearted at nilulunod ang sarili sa beer. At hindi iyang lagi kang nakakulong.” Hindi sana ako nag-aalala ng ganito!

“Thanks for the idea.” Tumayo ito at lumapit sa cabinet. Nagsimula itong magpalit ng damit.

“Bastos! Nandito pa kaya ako! Bakit ka nagpapalit ng basta-basta?” saway niya dito.

Lumingon ito sa kanya. “Pwede ka namang lumabas, hindi ba? Bastos.” Nginusuan siya nitong lumabas.

Ni-lock niya ang pinto ng kwarto nito paglabas. Nagsimula na namang magpuyos ang damdamin niya. Nakakainis! Hinampas niya ang pinto. “Hoy, kumain ka muna bago makipaglandian!” Parang mas mag-aalala yata siya kung pupunta ito kung saan-saan.

Paglabas nito ay inabot nito sa kanya ang pinggan na wala nang laman. “Ubos na.”

“Alam mo hindi kita maintindihan. Kani-kanina lang nagha-hunger strike ka ngayon naman mukhang daig mo pa ang sundalong handang sumabak sa giyera.”

“Sinusunod ko lang ang payo mo. At saka naisip ko na rin na hindi tamang magmukmok nalang sa isang sulok.”

“Bahala ka sa buhay mo. Umalis ka na nga. Mag-ingat ka ah.” Mabibigat ang yabag na lumabas siya sa apartment.

Bwisit na Vincent yan! Hindi ko maintindihan ang ligaw ng bituka! Isipin palang niya na pinapasaya ito ng isang babae ay hindi niya kayang tanggapin. Parang masakit sa dibdib, mabigat sa kalooban. Bakit pa kasi siya nag-suggest ng ganoon.

Muntik pa siyang bumaligtad nang biglang bumukas ang pintong sinasandalan niya. “Ay kabayo!”

Hinawakan ni Vincent ang balikat niya at napasandal siya sa dibdib nito. And she again smelled his perfume. Napatingila siya dito and her eyes met his gaze. Their faces were only a few inches away from each other.

Walang nagsasalita sa kanila. Tanging binabasa lang nila ang mata ng isa’t isa hanggang sa napatitig ito sa kanyang mga labi. She involuntarily touched his cheeks and he did the same. Unti-unting bumaba ang mukha nito hanggang sa magkadikit na ang kanilang mga ilong. Napapikit siya. His breath is tickling her skin and as if teasing her lips.

Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang lakas ng loob niya ilapit ang labi niya dito. It was a short kiss. Halos nagdampi lang ang mga labi nila. When she started to pull back, his arms wrapped around her waist and his lips crashed against her lips. It started off with a simple kiss then it became deeper.

Tuluyan nang nabaon sa lupa ang kanyang katinuan. She clung her arms on his neck nang ramdam niya na naghihina ang kanyang tuhod. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap. Nagulat silang pareho nang may marinig na malakas na ingay. Mabilis silang naghiwalay at nagpakiramdaman. Nabitawan pala niya ang hawak na pinggan at nabasag ito.

Agad niyang pinulot ang nabasag na pinggan kaya naman nasugatan siya. “Aray!” anas niya. Agad siyang tumayo at nakayukong nagpaalam dito.

Pagkaligpit ay pumasok na siya sa kanyang kwarto. She touched her lips and thought of the kiss. It was the second time that he kissed her. Pero wala na itong dahilan ngayon para halikan siya dahil hindi nito kailangang patahimikin siya.

Bruha! Ikaw kaya ang unang humalik!

Nasabunutan niya ang sarili sa naalala. Lukaret ka, Mookie!

Marahil ay hinalikan siya nito dahil siya ang nagsimula. Marahil ay nadarang lang ito dahil lalaki lang naman ito. Kailan pa siya natutong lumandi? Wala na akong mukhang ihaharap sa magiging asawa ko! Mr. Right, I’m sorry! Hindi ko sinasadyang pagtaksilan ka!

Natuloy kaya si Vincent sa paglabas nito? Ano kaya ang reaksyon nito sa nangyari? Nagsisisi ba ito? Malamang ay iniisip na nito na malandi siya. Baka papunta na ito sa isang bar at naisip niya na marahil ay bukas pa ng umaga uuwi ito. Wala lang siguro dito ang nangyari dahil hindi naman siya marunong humalik.

Ay ewan!

***

Pagkagising ay naghanda na siya sa trabaho. Wala siyang planong puntahan si Vincent sa araw na iyon. Ayaw na muna niyang makita ito. Aayusin na muna niya ang makulit niyang puso hindi niya maintindihan. She did admit that she likes him, pero ang isiping mahal ito… hindi rin naman siya tumututol. Could she be falling for him?

“Anak, dalhin mo na itong pagkain kay Vincent. Ano na ba? Ayos na ba siya?”

Inabala niya ang sariling uminom ng tubig bago sagutin ang ina. “Ayos na po kahit papaano.”

“Tignan mo nga naman ang tadhana. Nobyo pala siya ni Sabrina. Sayang naman at pinakawalan pa niya.” Pailing-iling pa ito. “Hindi bale, sulutin mo na si Vincent! Hindi naman kayo nagkakalayo sa kagandahan ni Sabrina eh.”

Muntik pa niyang mabugahan ito ng tubig. “Nay naman.” Iniwan na niya itong nangangarap.

“Teka, dalhin mo na itong pagkain!”

“Kayo nalang po. Busy ako!”

Nagmadali siyang lumabas ng bahay upang maiwasan ang pagtatalak ni Aling Doray. Saan ako pupunta ngayon? Ayaw naman niyang magpunta sa shop dahil mai-interrogate lang siya ng mga kaibigan at lalo namang ayaw niyang manatili sa bahay nila or anywhere na maaaring mag-krus ang landas nila ni Vincent.

Sumakay siya sa kotse niya at naisipang maglibot-libot muna. Pinuntahan niya ang mga lugar na madalas nilang puntahan dati noong buo pa ang kanilang pamilya. Naging masaya naman sila at walang problema kaya hanggang ngayon ay hindi malinaw sa kanya ang dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang niya.

Wala namang kinukwento ang nanay niya tungkol sa bagay na iyon. Wala namang naitutulong sa kanya ang mga sagot nito tuwing magtatangka siyang magtanong.

Simula nang maghiwalay ang mga ito ay hindi na niya nakita ang ama niya. Kahit sa litrato man lang dahil itinago iyon lahat ng nanay niya. Nagkakasya na lamang siya na alalahanin ito sa kanyang ala-ala.

Sa totoo lang ay hindi na rin niya masyadong maalala ang mukha ng kaniyang ama. Ang tanging naaalala lang niya ang mga masasayang sandali kasama ito.

Napatingin siya sa nadaanang swing. Iyon ang paborito niyang puntahan sa park. Ang ama niya ang laging tagatulak niya. Hindi man nya ipinahahalata kay Aling Doray, pero hinahanap-hanap niya ang buo nilang pamilya. Nang mapatingin siya sa oras magtatanghali na pala. Naisipan niyang huwag na pumasok sa araw na iyon at maglibot na lamang.

Tinawagan niya si Cheska upang magpaalam. “Hello, Cheska? Hindi ako papasok ngayon. Masama ang pakiramdam ko. Pupunta ako ng EK, bye!” at mabilis niyang pinutol ang tawag at pinatay ang kanyang cellphone. Siguradong sesermunan lang siya nito.

Tamang tama at summer vacation ngayon. Kaunti lang ang taong pupunta sa theme park. Bumaba muna siya sa Waltermart para mag-lunch saka tumuloy sa Enchanted Kingdom. Mabilis siyang nakabili ng ticket at nakapasok. Tulad nga ng inaasahan niya ay wala halos tao doon.

Humingi siya ng mapa at naglibot. Inuna niya ang sumakay sa flying fiesta. “Ahhh!” Sigaw niya habang mahigpit na kumapit sa kadena. Highschool pa siya noong huli siyang nakapunta doon at hindi na siya sanay sa mga ganoong rides. Tinatangay ang buhok niya sa pagsalubong nito sa hangin. Pakiramdam niya ay dadausdos siya sa upuan at mahuhulog siya kahit na may safety belt doon. She held the chains as if she’s holding on for her life.

She let out a sigh of relief nang nakababa na siya. Ang kaso ay biglang parang nanlambot ang tuhod niya thrill, excitement, at nerbyos na nararamdaman niya. Naisipan niyang umupo muna sa bench na malapit sa fountain para kalmahin ang sarili. Dapat siguro ay sa carousel muna siya sumakay.

She examined the place. Halos wala paring ipinagbago iyon, mas pinaganda nga lang. She never thought na nakaka-relax pala doon kapag kaunti lang ang tao. Hindi masyadong tahimik at hindi rin maingay… iyon ang nagustuhan niya. Kahit papaano ay nawala sa isipan niya si Vincent.

May umupong mag-ina sa katabi niyang bench at may kasama itong bata na sa tantya niya ay nasa walong taon na. Pinunasan ng ina nito ang likod nito at pinalitan ng damit. Ang tatay naman nito ay lumapit sa kanila at may dalang makakain. Napakasaya ng mga ito.

Nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Tumayo siya at lumipat ng mauupuan. Kung bakit ba kasi napakasensitibo niya sa ganoong bagay.

“Argg… Hindi ko mapigilan ang luha ko. Kainis.” Patuloy parin sa pagtuloy ang mga luha niya.

“Nagpunta ka pala dito, hindi ka man lang nagpasama. Sinosolo mo ang saya ah.” Her heart skipped a beat sa boses na iyon. Akala niya ay lilipas ang araw na iyon na hindi sila magkikita.

Hindi niya pinansin ang inaabot nitong panyo at agad tinalikuran ito. “Ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka nga.”

“Ayoko nga. Bumili ako ng ticket kaya wala kang karapatang paalisin ako.”

“Wag mo nga akong sundan!” sigaw niya dito nang napansin niyang nasa likuran parin niya ito.

“Dito lang din ang punta ko.”

“Bumenta na yan.” Inilabas niya ang mapa at nag-isip kung saan siya susunod na sasakay. Bigla ay may naramdaman siyang humihila ng damit niya.

“Tignan mo iyon oh! May kotseng nagbabanggan!” sambit ni Vincent. Sinundan niya ang tingin nito.

“Bumper Cars ang tawag diyan. Para kang bata. Wag mong sabihing first time mo lang makakita nyan.”

“Tara sakay tayo!” Hinila siya nito sa braso.

“T-Teka! Sino nagsabi sayong magkasama tayo? Bakit ako sasama sayo? Bitiwan mo nga ako!”

Hindi naman siya nakawala sa pagkakahawak nito kahit anong tulak at hila niya kaya napilitan narin siyang sumakay. Natawa pa siya dahil mukha itong batang hindi alam ang gagawin nang biglang umandar ang kotse. Paliko-liko ito kaya sinamantala na niya ang pagkakataon at binunggo ito.

They shared pure laughter. Hindi nagtagal ay nagamay na nito ang kotse kaya nakabawi ito. Nagulat nalang sila na tapos na pala ang round nila.

“That was fun!” sabi nito habang nakabuntot sa kanya. “So where will we go next?”

“Umamin ka, yung totoo, first time mo makapasok sa theme park?”

“Oo. Hindi naman kasi mahilig mamasyal ang mga magulang ko sa mga ganitong lugar at hindi rin ako pinapasama sa field trips. Noong college kung kailan naman pwede na akong sumama, hindi na uso ang field trip sa school na pinasukan ko.”

“Bakit ka ba nagawi dito?”

Niyaya siya nitong umupo muli. “Nag-alala kasi ako nang si Aling Doray ang nagdala sa akin ng pagkain kanina. Naisip ko baka nagalit ka dahil sa kagabi kaya pinuntahan kita sa shop nyo pero sabi ni Cheska nandito ka daw. Nag-rent nalang ako ng taxi papunta doon at dito.” Paliwanang nito. “Pinapasabi nga pala ni Cheska na ibili mo siya ng tumbler na may paikot na straw.”

Tumawa siya. “Si Cheska talaga. Sige na nga pinapayagan na kitang sumama sa akin. Anchors’ Away tayo!”

Pagkatapos doon ay marami pa silang sinakyan na rides. Lahat yata ay napasukan na nila at umulit pa sila sa iba. Nalaman niyang takot pala si Vincent sa mga multo nang pumasok sila ng horror house. Nagtatago ito sa likuran niya at nakakapit sa kanya na parang linta. Nasuntok pa nito ang isang nagpapanggap ng multong pulis nang lapitan sila nito.

Iyon na yata ang pinakamasayang araw ng buhay niya. Napakasarap kasama nito. Sayang lang at parang ang bilis tumakbo ng oras. Nagkasundo na silang umuwi dahil magsasara na ang theme park.

Habang pauwi ay patuloy ang kwentuhan nila. Tawa siya ng tawa tuwing maaalala ang ginawa nito sa horror house. Ito naman ay sinisimangutan lang siya.

“Mookie, about yesterday–” napansin niya na nag-iba ang expression nito.

“Let’s not talk about it.” Alam kasi niya na maga-apologize lang ito sa kanya at masakit iyon para sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya pero marahil nga ay hindi niya unti-unti na niyang minamahal ito.

“Okay.” Alam niyang napipilitan lang ito to drop the topic. But what can she do? Kung magso-sorry ito sa kagabi ay siguradong hindi niya mapipigilan ang sumama ang loob dito. Idagdag pa kung sasabihin nito na mahal pa nito si Sabrina.

<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>