Masama ang loob na binunot ni Mookie ang mga damo sa kanilang harden. Paano ba naman ay kaninang umaga pa siya nagtatabas ng damo roon pero malayo pa siya sa salitang tapos. Hanggang likod ng bahay at mga apartment nila ang mga damo. At pagkatapos niyon ay marami pa siyang kailangang gawin.

Napukaw ng atensyon niya ang isang parte ng kanilang garden na namumukadkad ng rosas. Hindi kasi siya madalas mamalagi sa garden nila kaya naman hindi niya napapansin iyon. Nilapitan niya ang mga rosas at hinawakhawakan ang mga iyon.

“Hoy!”

“Ay butiking may peklat!” dahil sa hindi inaasahang pagsulpot ni Vincent ay napakapit siya sa mga rosas at natusok ng tinik ng mga iyon. Napa-aray siya at agad naman itong lumapit sa kaniya.

Hinawakan nito ang nasaktan niyang kamay. Hindi naman nagdugo pero namumula ang mga natusok ng tinik ng rosas. Hinaplos-haplos nito iyon at pinagpag ang dumi sa kanyang kamay at saka ito marahang hinipan.

“Sorry, masakit ba? Ayos ka lang? Kailangan mo ba ng gamot, pain killer? Ipapa-confine kita. ” matutunaw na yata siya sa ginagawang paghaplos at pagihip nito sa kanyang kamay. Parang biglang nakalimutan na niya ang sakit mula sa tinik ng rosas at tanging dito lang napunta ang buong atensyon niya. Hindi niya naiwasang kiligin sa gawi nito. Alalang-aala kasi ito sa kanya.

“Pero ikaw naman kasi. Tama ba naman daw panggigilan ang mga rosas. Natusok ka tuloy.” pang-aasar nito sa kanya. Nabura ang ngiti niya.

“Hindi naman ako matutusok kung hindi mo ako ginulat. Akin na nga iyang kamay ko, parang ayaw mo nang isauli eh!”

Hinigpitan nito ang hawak sa mga kamay niya at patuloy ang paghaplos sa mga iyon. “You have nice hands Ang sarap hawakan. Though it’s a bit rough,”

“Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi mo. Compliment ba iyon?”

“Actually, yes.” Pinagsalikop nito ang mga kamay nila at hinila siya kanilang swing upang maupo.

Hindi alam niya alam kung ano ang iisipin sa gawing iyon ni Vincent. Kunag may makakakita sa kanila ay malamang na iisiping may relasyon sila. Pero marahil ay ganoon talaga ang ibang magkakaibigan na babae at lalaki kung malapit sila sa isa’t isa. Pinili niyang huwag lagyan ng malisya ang paghawak nito sa kanyang kamay.

Pero kung ano man ang dahilan ay hindi niya maitatanggi ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

“Pasmado ka.”

“M-Mainit kasi kaya pinagpapawisan ang kamay ko.”

Tumawa ito. “Oh, I’ll surely miss this.”

“Bakit? Aalis ka ba?”

Biglang lumungkot ang mga mata nito. He massaged her fingers. “I’ll be leaving for Manila soon. Maybe sa makalawa. Mag-iisang buwan narin simula noong dumating ako dito.”

“T-Talaga?” Pinigilan niyang sumimangot. Iniwasan niyang tumingin dito. Hindi naman siya dapat nalulungkot dahil aalis na ito. Marami siyang naging kaibigan na tumuloy sa apartment nila na mas matagal pa dito pero hindi niya naramdaman ang ganitong klaseng lungkot.

“Alam ko naman na mamimiss mo ako.” sabi nito sa kanya.

“Hindi ah! Paano kita mamimiss kung kahit saan ako lumingon ay makikita kita?” ang totoo ay kahit makita niya ito sa mga larawan o video ay talagang mamimiss niyang kasama ito. “Baka nga ako ang mamiss mo. Only in Laguna lang yata ito!”

He flashed that childish grin. Pakiramdam tuloy niya ay gusto niyang yakapin ito ng napakahigpit. “True. I’ll miss you.”

An awkward silence filled the air. Tumayo siya at nagbunot muli ng damo. Sumunod naman ito sa kanya.

“I’ll help you.” alok nito sa kanya.

Umiling siya. “Kaya ko na ‘to.”

“Matatapos mo ba lahat ng ito?” Nilibot nito ang tingin sa buong hardin. Hindi na nito hinintay ang sagot niya at nagsumula nang magbunot ng damo.

Naaliw na siya sa ginagawa dahil kasama niya ito. Pakiramdam niya ay biglang gumanda ang sikat ng araw. Nang matapos ay nagputol sila ng halaman at nilagyan iyon ng shape saka nagwalis.

Magtatanghalian na ng matapos sila. Pareho na silang pawisan nang matapos magdilig. Nagbasaan pa silang dawala. Pagkaraan ay kumuha siya ng kanilang miryenda at sabay nagpahinga sa bench doon.

Bakas ang pagod sa gwapong mukha nito. Dumikit dito ang suot nitong T-shirt kaya bakat na bakat ang matipunong katawan nito na minsan na niyang nasilayan. Nag-iwas siya ng tingin sa mga iyon at pinagtuunan nalang ng pansin ang kinakain.

But, God! Ang hirap iwasang tingnan ito! Hobby na yata niya ang tingnan ito.

Hindi rin nakalagpas sa kanya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Dahil basa rin siya ay dumikit sa kanya ang suot na pangitaas. Nag-init ang kanyang mukha. Tumikhim siya. Nag-angat ito ng tingin at mukhang napahiya sa kanya.

Matapos kumain ay nagpaalam na ito sa kanya. Siya naman ay matapos magligpit ay naligo at nagbihis. Hindi siya papasok sa trabaho ngayon. Plano niyang bigyan si Vincent ng party bago ito umalis.

Nang kinausap niya ang kanyang ina ay mukhang nagulat pa ito na aalis na si Vincent. Marahil tulad niya ay hindi nito napansin ang paglipas ng panahon. Pumayag naman ito sa gusto niya at tinulungan siya sa pagpaplano. Hindi sila mamomroblema sa budget dahil sobra-sobra naman ang ibinayad nito.

Nang dumating ang araw ng pag-alis nito ay maaga silang gumising ni Aling Doray upang maghanda. Maraming putahe ang iniluto ng kanyang ina para dito. Siya naman ay naglakas-loob magluto ng adobo.

Naghagilap siya ng simpleng recipe na masarap. Siniguro niyang masusunod niya ang lahat ng proseso kahit pa hirap siyang intindihin ang ibang cooking terms.

“Whew,” isinalang na niya sa kalan ang kaldero at pinilit magpahinga. Laging niyang sinisilip ang niluluto tuwing mapapadaan siya. Lahat na yata ng dasal at maski mga ritwal ay gagawin niya masiguro lang na masarapan si Vincent doon.

Sa hardin nila idaraos ang party. Nagrenta pa siya ng karaoke para din sa okasyong iyon. Tinext na niya ang isa nilang kapitbahay upang ipaalam dito na ayos na ang lahat. Pinagbukas niya ng pinto ang mga ito kasabay ng pagsigaw ng “Surprise!”.

Halatang hindi nito inaasahan iyon at gulat na gulat ito. Nagsipasok na ang mga habang nakatayo parin ito doon.

“Didn’t you like it?” kinakabahang tanong niya. Malay ba niya kung nagustuhan nito ang hinanda niya. Marahil ay sanay ito sa mga bonggang handaan na nadadaluhan nito.

Nawala ang kaba niya nang malawak itong ngumiti at niyakap siya ng mahigpit. “Thank you! I like it, really.”

Gumanti siya ng yakap dito. “Talaga lang ha.”

“Oo naman.” Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya at saka kinintalan siya ng halik sa noo na kanyang ikinabigla. “Thank you Mookie for everything. I owe you a lot.”

“Para party lang naman. Ang drama mo.”

“No, it’s more than this party. Yung pagtulong mo sakin, pagtityaga, pakikisama, and everything. I’m really glad I met you.”

“Salamat din sayo.”

“Para?”

“Secret. Akin nalang iyon.”

Kiniliti siya nito kaya napatili siya. Napatingin sa kanila ang mga bisita at ginantihan lang niya ng ngiti ang mga ito. Hinila niya si Vincent papunta sa kusina. Hindi na siya nagtataka kung bakit hindi man lang nabawasan ang adobong niluto niya.

Nang mapatapat si Vincent sa adobo ay pinagkrus niya ang dalawang daliri na umaasang magustuhan nito ang luto niya. “What’s this? Some sort of exotic food?” tanong nito saka tinuro ang adobo.

Humaba ang nguso niya. “Aray naman… adobo yan. Ako ang nagluto.” Mabilis niyang kinuha ang adobo. “Hindi masarap ito. Baka sumakit pa ang tiyan mo.”

Kinuha nito mula sa kanya ang adobo at nagsandok kahit na anong pigil niya. “Eh sa gusto kong kainin eh. Basta relax ka lang, akong bahala dito. And you said you can’t cook.”

“And I don’t lie about that. Kaya huwag mo nang kainin yan, baka sumakit ang tiyan mo sa biyahe.” Kahit nga siya ay hindi sasandok sa adobong niluto niya. Pero sadyang mapilit ito kaya sumandok narin siya para kung sakali mang sumakit ang tiyan nito ay kasama siya. Nagpasya silang lumayo sa mga tao at maglagi sa verandah. Doon sila kumain at nagkwentuhan.

Nakatingin lang siya dito habang sinubo nito ang adobo. Ang inaasahan niya ay mapapasimangot ito at mapapangiwi ngunit sa pagkabigla niya ay patuloy lang ito sa pagkain. Sumubo siya ng sa kanya. Uminom agad siya ng tubig. Sumobra yata ang lagay niyang toyo.

Kunot noong nakamasid parin siya dito. Hinihintay na ibuga nito ang adobo sa bibig.

“Why are you looking at me like that?” pagkuwa’y sabi nito. Amusement was all-over his face.

“Pwede ka rin palang maging artista, ano? Kung titignan ka parang napakasarap ng niluto ko.”

“Masarap naman talaga ah.”

“Tama na, baka maniwala ako. Ipapakain ko sayo lahat ng matitirang adobo.”

“Eh di ayos. Madami akong baon pag-uwi. Basta, masarap ang adobo mo.”

Kahit na alam niyang nagsisinungaling ito ay hindi niya naiwasang mapangiti. Masaya siyang na-apprecite nito ang palpak niyang adobo.

Dumukot ito sa bulsa nito at inilabas doon guitar pic nito na napulot niya noon. May taling nakalagay doon kaya maaaring gawing necklace. Inabot nito iyon sa kanya. “I want you to keep this.”

“P-Pero bigay iyan sayo ng ama mo. It’s something you should keep.” Kinuha nito ang kamay niya at ipinaloob doon ang necklace.

“No buts. Pasasalamat ko iyan sayo. You’ll keep that and,” kinuha nito ang sariling necklace. “I’ll be keeping this.” May print na rabbit iyon. Natandaan niyang iyon ang binili nito sa shop niya.

“A man like you with a bunny-printed guitar pic?” Hindi niya napigilang tumawa. He pinched her nose at pinitik siya sa noo.

Bigla’y may umalingawngaw na kanta mula sa karaoke. Nagsimula na palang magkantahan ang mga ito. Nagpumilit si Vincent na manatili sila doon at makinig na lamang. Niyaya pa siya nitong sumayaw nang marinig nila ang kantang “Right Here Waiting” ni Richard Marx.

“I don’t dance.” Giit niya.

“Please? For me?” Hinila siya nito. Ipinulupot nito ang kamay sa baywang niya. Siya naman ay hindi alam kung saan kakapit. Natawa naman ito sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay iyon sa mga balikat nito.

They were silent as they swayed with the music. Maya-maya ay niyakap na siya nito at pinatong ang ulo sa balikat niya, siya naman ay pinulupot ang kamay sa leeg nito at isinandal ang ulo sa katawan nito.

“Are you happy?” tanong niya dito.

“Very. And it’s all because of you.” She grinned. “Bakit ka nakangiti ng ganyan?”

“Kasi masaya ka. At masaya akong napapasaya kita. Sana mapatawad mo si Sab sa mga nangyari.”

“Beleive it or not, napatawad ko na siya.”

“Do you still love her?”

“Hindi namanbiglang nawawala iyon. I still care for her, but a lot less compared from before. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ang bilis kong natanggap ang lahat.” Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.

“Masaya ako dahil nakilala kita, Mookie. I hope someday I can make you happy, too.” Umiling siya. Hindi nito alam kung gaano siya kasaya tuwing kasama ito. He pushed her chin up to meet her eyes. Laking gulat nito nang makita siyang umiiyak. He gently touched her cheeks as he ran his thumbs to wipe away her tears.

“What’s wrong?” his voice was soft, and he sounded like he really cares.

“Nothing. I’ll just miss you.”

Pinatong nito ang noo nito sa kanya. “Sabi na nga ba mamimiss mo ako eh.”

“Oo na.” Nang bahagya siyang tumingala upang salubungin ang mga mata nito ay napasinghap siya sa nakitang emosyon sa mga mata nito. Hindi niya malaman kung ano iyon pero naghatid iyon ng kakaibang sensasyon sa puso niya.

She cupped his face nang akmang iiwas ito ng tingin. Gusto pa niyang titigan ang mga mata nito. He, too, cupped her face and looked into her eyes. His gaze lowered to her lips. Bigla ay parang nanuyo ang lalamunan niya. Bumalik ang tingin nito sa mga mata niya na para bang nanghihingi ng permiso.

Pumikit siya. Then, she felt his lips on hers and she saw heaven. Napakasarap ng sensasyong dulot ng halik na iyon. He explored her mouth at nanlambot ang tuhod niya. Napakapit siya sa braso nito. Tinugon niya ang lahat ng halik nito. Naghiwalay sila sandali upang humigit ng hangin saka pinagtagpo muli ang kanilang mga labi.

Matapos ang ilang minuto ay natapos ang tagpong iyon na pareho silang habol ang hininga. Niyakap siya nitong muli ng mahigpit at gumanti din siya ng yakap. May ibinulong ito sa kanya ngunit hindi siya sigurado dahil napakahina niyon. She closed her eyes and cuddled with him, wishing that time would stop moving. Wishing that he’s just an ordinary guy. Na hindi ito ganoong kahirap abutin.

<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>

Advertisements