Ang kumpletong kwento ay maaari nyo nang mabasa sa http://www.filipinoromancenovelfrn.com/
Maraming salamat sa pagsuporta!
May 6, 2010
OLILAS Fiction, love, Love Story, OLILAS, Our Love Is Like A Song, pocketbooks, romance, Story Leave a comment
Ang kumpletong kwento ay maaari nyo nang mabasa sa http://www.filipinoromancenovelfrn.com/
Maraming salamat sa pagsuporta!
March 17, 2010
OLILAS Fiction, love, Love Story, OLILAS, Our Love Is Like A Song, pocketbooks, romance, Story 1 Comment

Masama ang loob na binunot ni Mookie ang mga damo sa kanilang harden. Paano ba naman ay kaninang umaga pa siya nagtatabas ng damo roon pero malayo pa siya sa salitang tapos. Hanggang likod ng bahay at mga apartment nila ang mga damo. At pagkatapos niyon ay marami pa siyang kailangang gawin.
Napukaw ng atensyon niya ang isang parte ng kanilang garden na namumukadkad ng rosas. Hindi kasi siya madalas mamalagi sa garden nila kaya naman hindi niya napapansin iyon. Nilapitan niya ang mga rosas at hinawakhawakan ang mga iyon.
“Hoy!”
“Ay butiking may peklat!” dahil sa hindi inaasahang pagsulpot ni Vincent ay napakapit siya sa mga rosas at natusok ng tinik ng mga iyon. Napa-aray siya at agad naman itong lumapit sa kaniya.
Hinawakan nito ang nasaktan niyang kamay. Hindi naman nagdugo pero namumula ang mga natusok ng tinik ng rosas. Hinaplos-haplos nito iyon at pinagpag ang dumi sa kanyang kamay at saka ito marahang hinipan.
“Sorry, masakit ba? Ayos ka lang? Kailangan mo ba ng gamot, pain killer? Ipapa-confine kita. ” matutunaw na yata siya sa ginagawang paghaplos at pagihip nito sa kanyang kamay. Parang biglang nakalimutan na niya ang sakit mula sa tinik ng rosas at tanging dito lang napunta ang buong atensyon niya. Hindi niya naiwasang kiligin sa gawi nito. Alalang-aala kasi ito sa kanya.
“Pero ikaw naman kasi. Tama ba naman daw panggigilan ang mga rosas. Natusok ka tuloy.” pang-aasar nito sa kanya. Nabura ang ngiti niya.
“Hindi naman ako matutusok kung hindi mo ako ginulat. Akin na nga iyang kamay ko, parang ayaw mo nang isauli eh!”
Hinigpitan nito ang hawak sa mga kamay niya at patuloy ang paghaplos sa mga iyon. “You have nice hands Ang sarap hawakan. Though it’s a bit rough,”
“Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi mo. Compliment ba iyon?”
“Actually, yes.” Pinagsalikop nito ang mga kamay nila at hinila siya kanilang swing upang maupo.
Hindi alam niya alam kung ano ang iisipin sa gawing iyon ni Vincent. Kunag may makakakita sa kanila ay malamang na iisiping may relasyon sila. Pero marahil ay ganoon talaga ang ibang magkakaibigan na babae at lalaki kung malapit sila sa isa’t isa. Pinili niyang huwag lagyan ng malisya ang paghawak nito sa kanyang kamay.
Pero kung ano man ang dahilan ay hindi niya maitatanggi ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
“Pasmado ka.”
“M-Mainit kasi kaya pinagpapawisan ang kamay ko.”
Tumawa ito. “Oh, I’ll surely miss this.”
“Bakit? Aalis ka ba?”
Biglang lumungkot ang mga mata nito. He massaged her fingers. “I’ll be leaving for Manila soon. Maybe sa makalawa. Mag-iisang buwan narin simula noong dumating ako dito.”
“T-Talaga?” Pinigilan niyang sumimangot. Iniwasan niyang tumingin dito. Hindi naman siya dapat nalulungkot dahil aalis na ito. Marami siyang naging kaibigan na tumuloy sa apartment nila na mas matagal pa dito pero hindi niya naramdaman ang ganitong klaseng lungkot.
“Alam ko naman na mamimiss mo ako.” sabi nito sa kanya.
“Hindi ah! Paano kita mamimiss kung kahit saan ako lumingon ay makikita kita?” ang totoo ay kahit makita niya ito sa mga larawan o video ay talagang mamimiss niyang kasama ito. “Baka nga ako ang mamiss mo. Only in Laguna lang yata ito!”
He flashed that childish grin. Pakiramdam tuloy niya ay gusto niyang yakapin ito ng napakahigpit. “True. I’ll miss you.”
An awkward silence filled the air. Tumayo siya at nagbunot muli ng damo. Sumunod naman ito sa kanya.
“I’ll help you.” alok nito sa kanya.
Umiling siya. “Kaya ko na ‘to.”
“Matatapos mo ba lahat ng ito?” Nilibot nito ang tingin sa buong hardin. Hindi na nito hinintay ang sagot niya at nagsumula nang magbunot ng damo.
Naaliw na siya sa ginagawa dahil kasama niya ito. Pakiramdam niya ay biglang gumanda ang sikat ng araw. Nang matapos ay nagputol sila ng halaman at nilagyan iyon ng shape saka nagwalis.
Magtatanghalian na ng matapos sila. Pareho na silang pawisan nang matapos magdilig. Nagbasaan pa silang dawala. Pagkaraan ay kumuha siya ng kanilang miryenda at sabay nagpahinga sa bench doon.
Bakas ang pagod sa gwapong mukha nito. Dumikit dito ang suot nitong T-shirt kaya bakat na bakat ang matipunong katawan nito na minsan na niyang nasilayan. Nag-iwas siya ng tingin sa mga iyon at pinagtuunan nalang ng pansin ang kinakain.
But, God! Ang hirap iwasang tingnan ito! Hobby na yata niya ang tingnan ito.
Hindi rin nakalagpas sa kanya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Dahil basa rin siya ay dumikit sa kanya ang suot na pangitaas. Nag-init ang kanyang mukha. Tumikhim siya. Nag-angat ito ng tingin at mukhang napahiya sa kanya.
Matapos kumain ay nagpaalam na ito sa kanya. Siya naman ay matapos magligpit ay naligo at nagbihis. Hindi siya papasok sa trabaho ngayon. Plano niyang bigyan si Vincent ng party bago ito umalis.
Nang kinausap niya ang kanyang ina ay mukhang nagulat pa ito na aalis na si Vincent. Marahil tulad niya ay hindi nito napansin ang paglipas ng panahon. Pumayag naman ito sa gusto niya at tinulungan siya sa pagpaplano. Hindi sila mamomroblema sa budget dahil sobra-sobra naman ang ibinayad nito.
Nang dumating ang araw ng pag-alis nito ay maaga silang gumising ni Aling Doray upang maghanda. Maraming putahe ang iniluto ng kanyang ina para dito. Siya naman ay naglakas-loob magluto ng adobo.
Naghagilap siya ng simpleng recipe na masarap. Siniguro niyang masusunod niya ang lahat ng proseso kahit pa hirap siyang intindihin ang ibang cooking terms.
“Whew,” isinalang na niya sa kalan ang kaldero at pinilit magpahinga. Laging niyang sinisilip ang niluluto tuwing mapapadaan siya. Lahat na yata ng dasal at maski mga ritwal ay gagawin niya masiguro lang na masarapan si Vincent doon.
Sa hardin nila idaraos ang party. Nagrenta pa siya ng karaoke para din sa okasyong iyon. Tinext na niya ang isa nilang kapitbahay upang ipaalam dito na ayos na ang lahat. Pinagbukas niya ng pinto ang mga ito kasabay ng pagsigaw ng “Surprise!”.
Halatang hindi nito inaasahan iyon at gulat na gulat ito. Nagsipasok na ang mga habang nakatayo parin ito doon.
“Didn’t you like it?” kinakabahang tanong niya. Malay ba niya kung nagustuhan nito ang hinanda niya. Marahil ay sanay ito sa mga bonggang handaan na nadadaluhan nito.
Nawala ang kaba niya nang malawak itong ngumiti at niyakap siya ng mahigpit. “Thank you! I like it, really.”
Gumanti siya ng yakap dito. “Talaga lang ha.”
“Oo naman.” Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya at saka kinintalan siya ng halik sa noo na kanyang ikinabigla. “Thank you Mookie for everything. I owe you a lot.”
“Para party lang naman. Ang drama mo.”
“No, it’s more than this party. Yung pagtulong mo sakin, pagtityaga, pakikisama, and everything. I’m really glad I met you.”
“Salamat din sayo.”
“Para?”
“Secret. Akin nalang iyon.”
Kiniliti siya nito kaya napatili siya. Napatingin sa kanila ang mga bisita at ginantihan lang niya ng ngiti ang mga ito. Hinila niya si Vincent papunta sa kusina. Hindi na siya nagtataka kung bakit hindi man lang nabawasan ang adobong niluto niya.
Nang mapatapat si Vincent sa adobo ay pinagkrus niya ang dalawang daliri na umaasang magustuhan nito ang luto niya. “What’s this? Some sort of exotic food?” tanong nito saka tinuro ang adobo.
Humaba ang nguso niya. “Aray naman… adobo yan. Ako ang nagluto.” Mabilis niyang kinuha ang adobo. “Hindi masarap ito. Baka sumakit pa ang tiyan mo.”
Kinuha nito mula sa kanya ang adobo at nagsandok kahit na anong pigil niya. “Eh sa gusto kong kainin eh. Basta relax ka lang, akong bahala dito. And you said you can’t cook.”
“And I don’t lie about that. Kaya huwag mo nang kainin yan, baka sumakit ang tiyan mo sa biyahe.” Kahit nga siya ay hindi sasandok sa adobong niluto niya. Pero sadyang mapilit ito kaya sumandok narin siya para kung sakali mang sumakit ang tiyan nito ay kasama siya. Nagpasya silang lumayo sa mga tao at maglagi sa verandah. Doon sila kumain at nagkwentuhan.
Nakatingin lang siya dito habang sinubo nito ang adobo. Ang inaasahan niya ay mapapasimangot ito at mapapangiwi ngunit sa pagkabigla niya ay patuloy lang ito sa pagkain. Sumubo siya ng sa kanya. Uminom agad siya ng tubig. Sumobra yata ang lagay niyang toyo.
Kunot noong nakamasid parin siya dito. Hinihintay na ibuga nito ang adobo sa bibig.
“Why are you looking at me like that?” pagkuwa’y sabi nito. Amusement was all-over his face.
“Pwede ka rin palang maging artista, ano? Kung titignan ka parang napakasarap ng niluto ko.”
“Masarap naman talaga ah.”
“Tama na, baka maniwala ako. Ipapakain ko sayo lahat ng matitirang adobo.”
“Eh di ayos. Madami akong baon pag-uwi. Basta, masarap ang adobo mo.”
Kahit na alam niyang nagsisinungaling ito ay hindi niya naiwasang mapangiti. Masaya siyang na-apprecite nito ang palpak niyang adobo.
Dumukot ito sa bulsa nito at inilabas doon guitar pic nito na napulot niya noon. May taling nakalagay doon kaya maaaring gawing necklace. Inabot nito iyon sa kanya. “I want you to keep this.”
“P-Pero bigay iyan sayo ng ama mo. It’s something you should keep.” Kinuha nito ang kamay niya at ipinaloob doon ang necklace.
“No buts. Pasasalamat ko iyan sayo. You’ll keep that and,” kinuha nito ang sariling necklace. “I’ll be keeping this.” May print na rabbit iyon. Natandaan niyang iyon ang binili nito sa shop niya.
“A man like you with a bunny-printed guitar pic?” Hindi niya napigilang tumawa. He pinched her nose at pinitik siya sa noo.
Bigla’y may umalingawngaw na kanta mula sa karaoke. Nagsimula na palang magkantahan ang mga ito. Nagpumilit si Vincent na manatili sila doon at makinig na lamang. Niyaya pa siya nitong sumayaw nang marinig nila ang kantang “Right Here Waiting” ni Richard Marx.
“I don’t dance.” Giit niya.
“Please? For me?” Hinila siya nito. Ipinulupot nito ang kamay sa baywang niya. Siya naman ay hindi alam kung saan kakapit. Natawa naman ito sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay iyon sa mga balikat nito.
They were silent as they swayed with the music. Maya-maya ay niyakap na siya nito at pinatong ang ulo sa balikat niya, siya naman ay pinulupot ang kamay sa leeg nito at isinandal ang ulo sa katawan nito.
“Are you happy?” tanong niya dito.
“Very. And it’s all because of you.” She grinned. “Bakit ka nakangiti ng ganyan?”
“Kasi masaya ka. At masaya akong napapasaya kita. Sana mapatawad mo si Sab sa mga nangyari.”
“Beleive it or not, napatawad ko na siya.”
“Do you still love her?”
“Hindi namanbiglang nawawala iyon. I still care for her, but a lot less compared from before. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ang bilis kong natanggap ang lahat.” Hindi siya nakasagot dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
“Masaya ako dahil nakilala kita, Mookie. I hope someday I can make you happy, too.” Umiling siya. Hindi nito alam kung gaano siya kasaya tuwing kasama ito. He pushed her chin up to meet her eyes. Laking gulat nito nang makita siyang umiiyak. He gently touched her cheeks as he ran his thumbs to wipe away her tears.
“What’s wrong?” his voice was soft, and he sounded like he really cares.
“Nothing. I’ll just miss you.”
Pinatong nito ang noo nito sa kanya. “Sabi na nga ba mamimiss mo ako eh.”
“Oo na.” Nang bahagya siyang tumingala upang salubungin ang mga mata nito ay napasinghap siya sa nakitang emosyon sa mga mata nito. Hindi niya malaman kung ano iyon pero naghatid iyon ng kakaibang sensasyon sa puso niya.
She cupped his face nang akmang iiwas ito ng tingin. Gusto pa niyang titigan ang mga mata nito. He, too, cupped her face and looked into her eyes. His gaze lowered to her lips. Bigla ay parang nanuyo ang lalamunan niya. Bumalik ang tingin nito sa mga mata niya na para bang nanghihingi ng permiso.
Pumikit siya. Then, she felt his lips on hers and she saw heaven. Napakasarap ng sensasyong dulot ng halik na iyon. He explored her mouth at nanlambot ang tuhod niya. Napakapit siya sa braso nito. Tinugon niya ang lahat ng halik nito. Naghiwalay sila sandali upang humigit ng hangin saka pinagtagpo muli ang kanilang mga labi.
Matapos ang ilang minuto ay natapos ang tagpong iyon na pareho silang habol ang hininga. Niyakap siya nitong muli ng mahigpit at gumanti din siya ng yakap. May ibinulong ito sa kanya ngunit hindi siya sigurado dahil napakahina niyon. She closed her eyes and cuddled with him, wishing that time would stop moving. Wishing that he’s just an ordinary guy. Na hindi ito ganoong kahirap abutin.
<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>
February 4, 2010
OLILAS Fiction, love, Love Story, OLILAS, Our Love Is Like A Song, pocketbooks, romance, Story 1 Comment

Simula noong araw na nakaharap ni Vincent at Sabrina at ang asawa nito ay lagi na itong nagkukulong sa loob ng apartment nito. Hindi nito inuubos ang pagkaing dinadala niya at hindi rin ito nagsasalita. There were times na naaabutan niya itong umiiyak habang hawak-hawak ang litrato ni Sabrina. If there is one word to describe him, it would be miserable.
Sumulip muna siya sa pintuan bago pumasok. She can heard him let out a sob. How it breaks her heart to see him like that everytime she enters his room. How she wanted to hug him and tell him everything will be alright. Huminga siya ng malalim upang mag-ipon ng lakas ng loob na kausapin ito.
Nitong ilang araw na pagmumukmok nito ay lagi niya itong pinupuntahan at dinadalhan ng makakain. She wanted to check if he’s alright because she truly cares for him. Minsan nga ay nagkasagutan pa sila dahil pinipilit niya itong mag-ayos ng sarili. Kung pwede nga lang na doon na siya manatili buong araw para mabantayan ito. Nag-aalala kasi siyang maisip nitong saktan ang sarili kahit na alam niyang wala sa karakter nito iyon.
“Para ka namang babae nyan. Hindi bagay ah. Kailan ka ba magkakaganyan?” Sabi niya dito nang dalhan ito ng hapunan. “Ubusin mo naman ito, please? Baka kasuhan kami ng manager mo kung makikita kang ganyan pagbalik mo ng Manila.”
“Why do you care?” Umupo ito sa kama at inilagay ang larawan na hawak sa ilalim ng unan. Nanatili lang itong tahimik habang tinitignan ang bawat kilos niya. Bigla naman siya na-concious.
“We’re friends, right?”
“Oo nga, but can’t you just leave me alone?”
Nakapamaywang na tinitigan niya ito. “Ang taray mo naman. Ikaw na nga lang itong inaalagaan ikaw pa ang galit!”
“Wala naman akong sinabing alagaan mo ako!”
Magkasalubong ang kilay na tinitigan niya ito. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Relax. Wag mo nalang patulan ang mamang sawi.
“Bakit ka ba kasi nagkukulong dito? Alam mo mas okay pa kung katulad ka ng ibang lalaki na nagiging playboy kapag broken hearted at nilulunod ang sarili sa beer. At hindi iyang lagi kang nakakulong.” Hindi sana ako nag-aalala ng ganito!
“Thanks for the idea.” Tumayo ito at lumapit sa cabinet. Nagsimula itong magpalit ng damit.
“Bastos! Nandito pa kaya ako! Bakit ka nagpapalit ng basta-basta?” saway niya dito.
Lumingon ito sa kanya. “Pwede ka namang lumabas, hindi ba? Bastos.” Nginusuan siya nitong lumabas.
Ni-lock niya ang pinto ng kwarto nito paglabas. Nagsimula na namang magpuyos ang damdamin niya. Nakakainis! Hinampas niya ang pinto. “Hoy, kumain ka muna bago makipaglandian!” Parang mas mag-aalala yata siya kung pupunta ito kung saan-saan.
Paglabas nito ay inabot nito sa kanya ang pinggan na wala nang laman. “Ubos na.”
“Alam mo hindi kita maintindihan. Kani-kanina lang nagha-hunger strike ka ngayon naman mukhang daig mo pa ang sundalong handang sumabak sa giyera.”
“Sinusunod ko lang ang payo mo. At saka naisip ko na rin na hindi tamang magmukmok nalang sa isang sulok.”
“Bahala ka sa buhay mo. Umalis ka na nga. Mag-ingat ka ah.” Mabibigat ang yabag na lumabas siya sa apartment.
Bwisit na Vincent yan! Hindi ko maintindihan ang ligaw ng bituka! Isipin palang niya na pinapasaya ito ng isang babae ay hindi niya kayang tanggapin. Parang masakit sa dibdib, mabigat sa kalooban. Bakit pa kasi siya nag-suggest ng ganoon.
Muntik pa siyang bumaligtad nang biglang bumukas ang pintong sinasandalan niya. “Ay kabayo!”
Hinawakan ni Vincent ang balikat niya at napasandal siya sa dibdib nito. And she again smelled his perfume. Napatingila siya dito and her eyes met his gaze. Their faces were only a few inches away from each other.
Walang nagsasalita sa kanila. Tanging binabasa lang nila ang mata ng isa’t isa hanggang sa napatitig ito sa kanyang mga labi. She involuntarily touched his cheeks and he did the same. Unti-unting bumaba ang mukha nito hanggang sa magkadikit na ang kanilang mga ilong. Napapikit siya. His breath is tickling her skin and as if teasing her lips.
Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang lakas ng loob niya ilapit ang labi niya dito. It was a short kiss. Halos nagdampi lang ang mga labi nila. When she started to pull back, his arms wrapped around her waist and his lips crashed against her lips. It started off with a simple kiss then it became deeper.
Tuluyan nang nabaon sa lupa ang kanyang katinuan. She clung her arms on his neck nang ramdam niya na naghihina ang kanyang tuhod. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap. Nagulat silang pareho nang may marinig na malakas na ingay. Mabilis silang naghiwalay at nagpakiramdaman. Nabitawan pala niya ang hawak na pinggan at nabasag ito.
Agad niyang pinulot ang nabasag na pinggan kaya naman nasugatan siya. “Aray!” anas niya. Agad siyang tumayo at nakayukong nagpaalam dito.
Pagkaligpit ay pumasok na siya sa kanyang kwarto. She touched her lips and thought of the kiss. It was the second time that he kissed her. Pero wala na itong dahilan ngayon para halikan siya dahil hindi nito kailangang patahimikin siya.
Bruha! Ikaw kaya ang unang humalik!
Nasabunutan niya ang sarili sa naalala. Lukaret ka, Mookie!
Marahil ay hinalikan siya nito dahil siya ang nagsimula. Marahil ay nadarang lang ito dahil lalaki lang naman ito. Kailan pa siya natutong lumandi? Wala na akong mukhang ihaharap sa magiging asawa ko! Mr. Right, I’m sorry! Hindi ko sinasadyang pagtaksilan ka!
Natuloy kaya si Vincent sa paglabas nito? Ano kaya ang reaksyon nito sa nangyari? Nagsisisi ba ito? Malamang ay iniisip na nito na malandi siya. Baka papunta na ito sa isang bar at naisip niya na marahil ay bukas pa ng umaga uuwi ito. Wala lang siguro dito ang nangyari dahil hindi naman siya marunong humalik.
Ay ewan!
***
Pagkagising ay naghanda na siya sa trabaho. Wala siyang planong puntahan si Vincent sa araw na iyon. Ayaw na muna niyang makita ito. Aayusin na muna niya ang makulit niyang puso hindi niya maintindihan. She did admit that she likes him, pero ang isiping mahal ito… hindi rin naman siya tumututol. Could she be falling for him?
“Anak, dalhin mo na itong pagkain kay Vincent. Ano na ba? Ayos na ba siya?”
Inabala niya ang sariling uminom ng tubig bago sagutin ang ina. “Ayos na po kahit papaano.”
“Tignan mo nga naman ang tadhana. Nobyo pala siya ni Sabrina. Sayang naman at pinakawalan pa niya.” Pailing-iling pa ito. “Hindi bale, sulutin mo na si Vincent! Hindi naman kayo nagkakalayo sa kagandahan ni Sabrina eh.”
Muntik pa niyang mabugahan ito ng tubig. “Nay naman.” Iniwan na niya itong nangangarap.
“Teka, dalhin mo na itong pagkain!”
“Kayo nalang po. Busy ako!”
Nagmadali siyang lumabas ng bahay upang maiwasan ang pagtatalak ni Aling Doray. Saan ako pupunta ngayon? Ayaw naman niyang magpunta sa shop dahil mai-interrogate lang siya ng mga kaibigan at lalo namang ayaw niyang manatili sa bahay nila or anywhere na maaaring mag-krus ang landas nila ni Vincent.
Sumakay siya sa kotse niya at naisipang maglibot-libot muna. Pinuntahan niya ang mga lugar na madalas nilang puntahan dati noong buo pa ang kanilang pamilya. Naging masaya naman sila at walang problema kaya hanggang ngayon ay hindi malinaw sa kanya ang dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang niya.
Wala namang kinukwento ang nanay niya tungkol sa bagay na iyon. Wala namang naitutulong sa kanya ang mga sagot nito tuwing magtatangka siyang magtanong.
Simula nang maghiwalay ang mga ito ay hindi na niya nakita ang ama niya. Kahit sa litrato man lang dahil itinago iyon lahat ng nanay niya. Nagkakasya na lamang siya na alalahanin ito sa kanyang ala-ala.
Sa totoo lang ay hindi na rin niya masyadong maalala ang mukha ng kaniyang ama. Ang tanging naaalala lang niya ang mga masasayang sandali kasama ito.
Napatingin siya sa nadaanang swing. Iyon ang paborito niyang puntahan sa park. Ang ama niya ang laging tagatulak niya. Hindi man nya ipinahahalata kay Aling Doray, pero hinahanap-hanap niya ang buo nilang pamilya. Nang mapatingin siya sa oras magtatanghali na pala. Naisipan niyang huwag na pumasok sa araw na iyon at maglibot na lamang.
Tinawagan niya si Cheska upang magpaalam. “Hello, Cheska? Hindi ako papasok ngayon. Masama ang pakiramdam ko. Pupunta ako ng EK, bye!” at mabilis niyang pinutol ang tawag at pinatay ang kanyang cellphone. Siguradong sesermunan lang siya nito.
Tamang tama at summer vacation ngayon. Kaunti lang ang taong pupunta sa theme park. Bumaba muna siya sa Waltermart para mag-lunch saka tumuloy sa Enchanted Kingdom. Mabilis siyang nakabili ng ticket at nakapasok. Tulad nga ng inaasahan niya ay wala halos tao doon.
Humingi siya ng mapa at naglibot. Inuna niya ang sumakay sa flying fiesta. “Ahhh!” Sigaw niya habang mahigpit na kumapit sa kadena. Highschool pa siya noong huli siyang nakapunta doon at hindi na siya sanay sa mga ganoong rides. Tinatangay ang buhok niya sa pagsalubong nito sa hangin. Pakiramdam niya ay dadausdos siya sa upuan at mahuhulog siya kahit na may safety belt doon. She held the chains as if she’s holding on for her life.
She let out a sigh of relief nang nakababa na siya. Ang kaso ay biglang parang nanlambot ang tuhod niya thrill, excitement, at nerbyos na nararamdaman niya. Naisipan niyang umupo muna sa bench na malapit sa fountain para kalmahin ang sarili. Dapat siguro ay sa carousel muna siya sumakay.
She examined the place. Halos wala paring ipinagbago iyon, mas pinaganda nga lang. She never thought na nakaka-relax pala doon kapag kaunti lang ang tao. Hindi masyadong tahimik at hindi rin maingay… iyon ang nagustuhan niya. Kahit papaano ay nawala sa isipan niya si Vincent.
May umupong mag-ina sa katabi niyang bench at may kasama itong bata na sa tantya niya ay nasa walong taon na. Pinunasan ng ina nito ang likod nito at pinalitan ng damit. Ang tatay naman nito ay lumapit sa kanila at may dalang makakain. Napakasaya ng mga ito.
Nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Tumayo siya at lumipat ng mauupuan. Kung bakit ba kasi napakasensitibo niya sa ganoong bagay.
“Argg… Hindi ko mapigilan ang luha ko. Kainis.” Patuloy parin sa pagtuloy ang mga luha niya.
“Nagpunta ka pala dito, hindi ka man lang nagpasama. Sinosolo mo ang saya ah.” Her heart skipped a beat sa boses na iyon. Akala niya ay lilipas ang araw na iyon na hindi sila magkikita.
Hindi niya pinansin ang inaabot nitong panyo at agad tinalikuran ito. “Ano bang ginagawa mo dito? Umalis ka nga.”
“Ayoko nga. Bumili ako ng ticket kaya wala kang karapatang paalisin ako.”
“Wag mo nga akong sundan!” sigaw niya dito nang napansin niyang nasa likuran parin niya ito.
“Dito lang din ang punta ko.”
“Bumenta na yan.” Inilabas niya ang mapa at nag-isip kung saan siya susunod na sasakay. Bigla ay may naramdaman siyang humihila ng damit niya.
“Tignan mo iyon oh! May kotseng nagbabanggan!” sambit ni Vincent. Sinundan niya ang tingin nito.
“Bumper Cars ang tawag diyan. Para kang bata. Wag mong sabihing first time mo lang makakita nyan.”
“Tara sakay tayo!” Hinila siya nito sa braso.
“T-Teka! Sino nagsabi sayong magkasama tayo? Bakit ako sasama sayo? Bitiwan mo nga ako!”
Hindi naman siya nakawala sa pagkakahawak nito kahit anong tulak at hila niya kaya napilitan narin siyang sumakay. Natawa pa siya dahil mukha itong batang hindi alam ang gagawin nang biglang umandar ang kotse. Paliko-liko ito kaya sinamantala na niya ang pagkakataon at binunggo ito.
They shared pure laughter. Hindi nagtagal ay nagamay na nito ang kotse kaya nakabawi ito. Nagulat nalang sila na tapos na pala ang round nila.
“That was fun!” sabi nito habang nakabuntot sa kanya. “So where will we go next?”
“Umamin ka, yung totoo, first time mo makapasok sa theme park?”
“Oo. Hindi naman kasi mahilig mamasyal ang mga magulang ko sa mga ganitong lugar at hindi rin ako pinapasama sa field trips. Noong college kung kailan naman pwede na akong sumama, hindi na uso ang field trip sa school na pinasukan ko.”
“Bakit ka ba nagawi dito?”
Niyaya siya nitong umupo muli. “Nag-alala kasi ako nang si Aling Doray ang nagdala sa akin ng pagkain kanina. Naisip ko baka nagalit ka dahil sa kagabi kaya pinuntahan kita sa shop nyo pero sabi ni Cheska nandito ka daw. Nag-rent nalang ako ng taxi papunta doon at dito.” Paliwanang nito. “Pinapasabi nga pala ni Cheska na ibili mo siya ng tumbler na may paikot na straw.”
Tumawa siya. “Si Cheska talaga. Sige na nga pinapayagan na kitang sumama sa akin. Anchors’ Away tayo!”
Pagkatapos doon ay marami pa silang sinakyan na rides. Lahat yata ay napasukan na nila at umulit pa sila sa iba. Nalaman niyang takot pala si Vincent sa mga multo nang pumasok sila ng horror house. Nagtatago ito sa likuran niya at nakakapit sa kanya na parang linta. Nasuntok pa nito ang isang nagpapanggap ng multong pulis nang lapitan sila nito.
Iyon na yata ang pinakamasayang araw ng buhay niya. Napakasarap kasama nito. Sayang lang at parang ang bilis tumakbo ng oras. Nagkasundo na silang umuwi dahil magsasara na ang theme park.
Habang pauwi ay patuloy ang kwentuhan nila. Tawa siya ng tawa tuwing maaalala ang ginawa nito sa horror house. Ito naman ay sinisimangutan lang siya.
“Mookie, about yesterday–” napansin niya na nag-iba ang expression nito.
“Let’s not talk about it.” Alam kasi niya na maga-apologize lang ito sa kanya at masakit iyon para sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya pero marahil nga ay hindi niya unti-unti na niyang minamahal ito.
“Okay.” Alam niyang napipilitan lang ito to drop the topic. But what can she do? Kung magso-sorry ito sa kagabi ay siguradong hindi niya mapipigilan ang sumama ang loob dito. Idagdag pa kung sasabihin nito na mahal pa nito si Sabrina.
<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>
January 30, 2010
OLILAS Fiction, love, Love Story, OLILAS, Our Love Is Like A Song, pocketbooks, romance, Story 4 Comments

CHAPTER 5
Ibinaba niya ang cellphone at nilingon si Vincent na naghihintay ng sasabihin niya. Bakas sa mata nito ang excitement pero kalmado parin ito. “Wrong number ako.” Pabirong tumawa siya at nag-peace sign dito. Nakita niya ang pagsimangot nito kaya naman agad niyang tinawagan muli si Sabrina but this time sinigurado niyang tama ang napindot niya.
“Geez Mookie. You’ll kill me sa pinaggagawa mo.” Biro nito. Sinensyasan niya itong manahimik dahil may sumagot na sa telepono. Kung maririnig ni Sabrina ang boses nito ay siguradong mabubulilyaso ang plano nila.
“Hello? Sab?” medyo nag-aalinlangan niyang bati. Hindi kasi siya sigurado kung iyon parin ang number ni Sabrina. Dalawang taon na silang walang contact dito. Dapat pala ay hiningi niya muna ang number nito kay Vincent.
Hindi sumasagot ang nasa kabilang linya kaya nagsalita siyang muli. “Is this Sabrina Caliente?”
“W-Who is this?” tanong ng nasa kabilang linya. She recognized the voice as Sabrina’s.
“Si Mookie ito. Maria Kristine Maximino, remember me?” Vincent continued to watch her. “Is this Sabrina?” ulit niyang tanong.
“Mookie! Long time no talk!” relieved na sagot ni Sabrina. “Napatawag ka?”
Hindi parin pala nagpapalit ng numero ito. Nakaramdam siya ng tampo dito dahil hindi man lang sila tinawagan nito kahit minsan. And Sabrina seldom answer their calls kaya naman nagsawa narin sila.
Isinantabi niya muna ang tampong nararamdaman nang maalala ang pakay nila. “Nangangamusta lang. Kamusta na diyan sa Manila?” pagkumpirma niya kung nasa Manila pa ba ito.
“I’m not in Manila right now. I’m back here in Laguna. Busy ka ba ngayon? Magkita naman tayo. I want to catch up sa mga nangyari sa inyo. Kaso hindi ako pwedeng lumabas ng bahay eh.” Kasi may pinagtataguan ka. “Bigay ko nalang sayo ang address ng tinutuluyan namin.”
Namin? May kasama ito sa bahay? Parang hindi maganda ang kutob niya dito. Wala na ang mga magulang ni Sabrina kaya sino ang makakasama nito sa bahay? Matapos isulat ang address na idinikta nito ay ibinaba na niya ang telepono. “Well that came up pretty easy. Akala ko mahihirapan tayo sa paghahanap sa kanya. Paanong paghahanap ba kasi ang ginagawa mo?”
He sighed. “I went to places where Sabrina used to hang out. I even went to their old house pero nabenta na pala iyon. Wala namang nagsabi sa mga napagtanungan tungkol sa inyo.”
Nasa harapan mo na hindi mo pa nakikita. Sabi niya sa isip niya ngunit parang ibig niyang bigyan ng ibang kahulugan iyon. In-start na niya ang kanyang Lancer at nagsimulang mag-drive papunta sa address na ibinigay ni Sabrina. Tantsya niya ay aabutin sila ng isang oras sa byahe dahil may kalayuan ang address na binigay nito mula sa kanila.
Para hindi mainip ay nagtanong siya ng mga bagay-bagay dito tungkol kay Sabrina. Maligaya namang nagkwento ito at may kakaibang ningning pa sa mga mata nito. Parang bigla siyang nagsisi na tinanong niya ito tungkol doon dahil bigla siyang nanamlay. Ewan ba niya pero hindi niya magawang maging lubos na masaya para dito. Hinayaan nalang niya itong magsalita.
“We met each other almost a year ago. She just got signed under the same recording company as ours pero under training pa siya. Then we became friends until I courted her at sinagot niya ako. Kung makikita ko lang siya ngayon kakalimutan ko na ang ginawa niyang pag-iwas sa akin.”
“Napaka-martyr mo naman.” Pang-ookray niya dito.
“Because I don’t want her out of my life. Bakit ko naman ipagtutulakan palayo ang isang taong gusto kong makasama?”
Bigla ay napa-isip siya kung bakit iniiwasan ni Sabrina si Vincent. Does she want him out of her life? Kung tama ang iniisip niya ay naaawa na sa binata. Nako Sabrina, you better have a good explanation for leaving this guy.
“Sabagay.”
“Hindi ka pa kasi nai-in love. Ang dami namang lalaki sa paligid na patay na patay sayo hindi mo lang pinapansin.”
“Nasaan? Alam mo, hindi naman ako kagandahan kaya imposible ang sinasabi mong iyan.”
“Correct.”
Inirapan niya ito. “Kung magsasabi ang isang taong ganoon, huwag ka nalang sasagot kung iyan lang din naman ang isasagot mo, pwede ba? Kumukulo nanaman ang dugo ko eh.”
“Ikaw na nga ang sinangayunan ikaw pa ang galit.”
“Ewan ko sayo! Bakit ka ba laging nang-aasar?” parang bale-wala din pala ang misyon niya sa sarili na pasayahin ito. Hindi naman pala ito talagang malungkot… at may lakas pang mang-asar! Sayang lang effort ko! Hmpf!
“You know, loving someone is not all about the looks. There’s something more.. At hindi ka naman pangit, cute ka nga eh. You also have a nice personality so tingin ko walang mahihirapan na mahalin ka.”
“Talaga?” Nag-init ang mga pisngi niya. Maliban sa nanay niya ay wala nang ibang nagsasabi na cute siya.
“Oo naman! And I think Jester noticed that too.” Nakuha naman kaagad niya ang ibig ipagpakahulugan nito.
“Magkaibigan lang kami at alam niya iyon.” Pinagdiinan pa niya ang salitang kaibigan. “Mabuti pa ako na muna ang makipagkita kay Sabrina mamaya. Maiwan ka muna dito.”
“Ha? Bakit naman?”
“Duh! Kung makikita ka niya kakaripas ng takbo iyon. Sesenyasan nalang kita kung pwede ka nang lumapit.”
Ang totoo ay may gusto muna siyang klaruhin. Tingin niya ay may inililihim ang kaibigan sa kanya. At kailangan niya munang tuklasin iyon.
Nang makarating sa destinasyon ay inihinto niya ang kotse sa medyo kalayuan ng bahay na tinutukoy ni Sabrina. Kinuha niya ang kanyang bag at lumabas ng kotse.
“Wait!”
Sumunod pala sa kanya si Vincent. “Ako na nga muna ang makikipag-usap hindi ba?”
“Ayokong maghintay sa kotse. Sasama nalang ako sayo. Bakit ba hindi pwedeng sabay nalang tayo?”
“Ang kulit mo. Para kang bata.”
“Pasensya na. Gusto ko na kasing makita si Brie.”
Napangiwi siya nang marinig ang tawag nito kay Sabrina. Sa tingin niya ngayon ay para itong isang bata na sabik na sabik umuwi sa tahanan nito. Lumambot naman ang puso niya sa tingin nito. “…Fine! Pero magtago ka nalang doon sa mga puno sa tapat ng bahay niya. Huwag na huwag kang magpapakita. Hihintayin mo ang signal ko, maliwanag?”
“Maliwanag pa sa sikat ng araw, Ma’am!” sumaludo pa ito sa kanya.
“Ewan ko sayo.” Tumawid na ito at naghanap ng mapagtataguang puno. Sumenyas ito na ayos na ito.
Kumatok na siya sa pinto. Nakarinig siya ng mga yabag papalapit. Umawang ng kaunti ang pintuan at may sumilip doon. Tuluyan na itong bumukas at iniluwa noon si Sabrina.
“Mookie!” Agad siyang niyakap nito ng mahigpit. “Na-miss kita!”
Gumanti naman siya sa yakap nito. Siya man din ay na-miss ito. “Sab! Long time ah! Nakakatampo ka, tagal mong hindi nagparamdam.”
Tumawa ito. “Halika pasok ka.” Nilingon niya ng mabilis si Vincent bago pumasok. Nakita niyang nakasilip ito at pinagmamasdan si Sabrina. Pinaupo siya ni Sabrina sa sofa. “Ikukuha kita ng miryenda.”
Inilibot niya ang paningin. Maliit at simple lamang ang bahay na iyon. Malayo sa iniisip niya. Ang alam kasi niya ay hinding hindi maitatabi ang salitang simple dito. Mahilig ito sa magagarbong bagay at hindi madaling makuntento. Kaya ng nagkipagsapalaran pa ito sa Maynila upang mas umunlad.
Bumalik sa Sabrina na may dalang tray ng inumin at dalawang slice ng cake. Iniabot nito ang isa sa mga iyon sa kanya. “Pasensya na talaga Mookie kung matagal akong hindi nagparamdam. Alam kong walang excuse doon dahil madaming paraan para ma-kontak ko kayo.”
“Mabuti naman at alam mo, bruha ka.” Himutok niya saka sumubo ng cake.
“Kaya nga nagso-sori, hindi ba?”
“Apology accepted. Pero kailangang suyuin mo din sina Cheska at Jester.”
“Oo naman!” Sabay silang tumawa. Nakalimutan na niya si Vincent nang magsimula na silang magkwentuhan.
“Sab, akin nalang iyang cake mo. Tumataba ka na eh.” Biro niya nang mapansin na madyo may kalakihan ang tiyan nito.
Bigla ay parang kinabahan ito. “H-ha? Hindi naman ah.”
“Denial ka pa. Ayan oh! Para kang buntis.” Natigilan siya. Oh my God! Saka niya napansin na may nakausli na kung ano sa ilalim ng lamesang nasa harapan niya. Agad niya itong pinulot.
Isa iyong picture frame. Larawan iyon ni Sabrina at may kasama itong isang lalaking hindi niya kilala. Nakasandal si Sabrina sa balikat nito ay nakakawit naman ang bisig ng lalaki sa baywang si Sabrina. Nakaharap ang kamay ng mga ito na may suot na singsing. Masayang masaya ang mga ito sa larawan.
“What’s this?” Nakakunot noong tanong niya. “Who’s this?”
“Pasensya na kung kailangan ko pa itong itago sayo Mookie.”
“Ano ba talagang nangyari?”
“He’s Bryant…. my husband. Kinasal kami sa huwes two months ago. Pasensya na at wala akong nasabi sa inyo. Biglaan kasi ang lahat. He got me pregnant. This is actually his house and we live here together. Pinatago ko siya doon sa kwarto namin kasi parang hindi pa ako hasang sabihin sayo. Pasensya na talaga.”
Parang biglang sumakit ang ulo niya. Hindi niya inakalang may mangyayaring ganoon dito. Bigla niyang naalala si Vincent. Paano niya sasabihin ang lahat dito? Hindi naman niya makuhang magalit sa kaibigan pero hindi rin niya mapigilang maawa kay Vincent.
“Ayos ka lang ba?”
“O-Oo.. sumakit lang ang ulo ko.” Inabutan siya nito ng juice.
“Pasensya na talaga Mookie.”
Nginitian lamang niya ito. Kung pwede lang na kausapin niya ito tungkol kay Vincent ay gagawin niya pero tingin niya na mas mabuting manahimik nalang siya.
“Ipapakilala ko sayo si Bryant. Wait here.” Tumayo ito at sinundo sa kwarto ang asawa nito.
Nag-ring bigla ang cellphone niya. Agad niyang hinalughog ito sa bag at nakitang may text message si Vincent sa kanya.
Ang tagal mo naman. Kinakagat na ako ng langgam at lamok dito. Pupunta na ako diyan!
Nanlaki ang mata niya sa nabasa. Oh God! No, not now! Tatawagan sana niya ito nang may kumatok sa pinto. Si Vincent na iyon!
“Sandali lang!” Dumating na sa kusina ang mag-asawa. Tumakbo si Sabrina upang pagbuksan ng pinto ang kumakatok. Binati siya ni Bryant.
Pakiramdam niya ay gusto niyang lumubog sa upuan. Ayaw niyang panoorin ang mga susunod na mangyayari. Tiyak na magagalit si Vincent sa mga ito. Napatayo siya sa upuan nang buksan ni Sabrina ang pinto.
Isang bungkos ng rosas ang sumalubong dito. Halatang nagulat ito ngunit tinanggap nito iyon. Laking gulat nito nang makita si Vincent.
“V-Vincent!” she looked horrified. Bigla itong namutla.
“Brie! Akala ko hindi na kita makikita! Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?” Mahigpit nitong niyakap si Sabrina. Biglang kumunot ang noo nito. “Parang lumalaki ang tiyan mo ah.” Dahan-dahang binitiwan nito si Sabrina nang makita nito si Bryant. “What’s going on?”
Agad niyang nilapitan ito. “Vincent—”
“What’s going on?!” dumagundong ang baritonong boses nito sa kabahayan. Bigla siyang nakaramdam ng takot nang makita ang ekpresyon nito na gait na galit.
Lumapit si Bryant sa kanila at inakbayan si Sabrina. “We’re married.”
Tears started to form in his eyes. “You’ve got to be kidding me! Let’s get out of here, Brie. Bumalik na tayo sa Manila.” Hinila nito ang braso ni Sabrina. Agad itong pinigilan ni Bryant.
“Bitiwan mo siya!”
Mukhang hindi na nakapagpigil si Vincent at hinila si Bryant sa collar nito. Tinulak ito ni Bryant palabas. Lumabas din ito at sinalubong si Vincent ng isang suntok. Gumanti si Vincent dito.
“Tama na!” Sigaw niya ngunit patuloy parin ang dalawa. Nang nilingon niya si Sabrina ay umiiyak ito.
Napahiga si Bryant sa lupa. Dinaganan ito ni Vincent at pinag-uulanan ng suntok. “Walanghiya ka! Sino ka ba? Anong ginawa mo kay Sabrina?!”
Hinila niya ito palayo kay Bryant bago pa may mangyaring mas malala. Tumayo ito at kinabig ang kamay niya palayo. Patakbong nilapitan ni Sabrina si Bryant.
“Bryant!” Patulog ang paghagulgol ni Sabrina.
“Huwag mo siyang iyakan. Pinikot ka lang niya!” ani Vincent.
Nilapitan ito ni Sabrina. “I’m sorry sa nagawa ko sa iyo. Ako ang mali… dapat inayos ko muna ang lahat sa atin.”
He scoffed as tears rolled down from his eyes. “I can’t believe this. Anong ginawa kong mali?”
“Wala… wala kang ginawang mali.”
“Brie, I want you back… I love you, I love you…” Bahagya pang napiyok ito. Hilam na ng luha ang mga mata nito. Lumuhod ito sa harap ni Sabrina at hinawakan ang kamay nito. He sounds so desperate that it breaks her heart to see him like that.
“I’m sorry.” Binawi ni Sabrina ang kamay mula dito at nilapitan muli si Bryant. Naiwan si Vincent na nakasalampak sa lupa.
Nilapitan at inalalayan niya itong tumayo. Tahimik silang umalis at bumali sa kotse. Dinala niya ito sa upuan sa likod. Nilingon niya ito. Humiga ito doon at patulog ang paghagulgol. Gusto man yang may gawin para dito ay alam niyang wala siyang magagawa.
Malalim na ang gabi nang makauwi sila. Mabigat man ay inalalayan muli niya ito papasok ng apartment. Inihiga niya ito sa kama at tinanggal ang sapatos nito. Pagbalik niya ay may dala na siyang panggamot sa bugbog nito. Inuna niyang nilinis ang mukha nito gamit ang basang bimpo sana niya inabutan ito ng ice pack. Nilagyan din niya ng gamot ang mga sugat nito at tinapalan ng bandage.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga habang pinagmamasdan ang natutulog na anyo nito. Parang gusto niyang maiyak sa sinapit nito. Kanina lang ay napakasaya nito dahil makikiata na nito ang babaeng pinakamamahal. Ngayon ay parang pinagsakluban na ito ng langit at lupa.
Napakalungkot ng gabing iyon. Napakatahimik… masyadong madilim.
If only she can do something about it. If only she can mend his broken heart…
He stroked his hair as she stared at him. “Mokong na ‘to.”
<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>
January 10, 2010
OLILAS Fiction, love, Love Story, OLILAS, Our Love Is Like A Song, pocketbooks, romance, Story 2 Comments

CHAPTER 4
“Mookie, pupunta ka ba ngayon sa shop mo?” tanong ni Vincent sa kanya matapos kumain.
“Oo. Pagkatapos kong mag-urong dito maghahanda na ako para pumasok. Bakit?” Nilingon niya ito. Napangiti siya nang makitang inaayos nito ang lamesa at ang ayos ng mga upuan. Pakiramdam niya tuloy ay mag-asawa silang dalawa sa gawi nitong iyon. Ilusyonada ka Mookie! Isa kang ilusyonada!
“Natanggal kasi ang isang string ng gitara ko kagabi. Wala akong spare strings. Bibili sana ako doon.”
“Ah.. sige. Magkita nalang tayo sa garahe namin after an hour.” Matapos magligpit ay nagpaalam na ito sa kanilang mag-ina. Siya naman ay agad na naligo at nag-ayos. Natagalan siya sa pagpili ng damit. Para siyang teenager na pinaghahandaan ang isang date. Tinawagan niya ang mga kaibigan sa shop at sinabing ayusin ng mga ito ng maayos ang shop dahil pupunta si Vincent doon.
Makalipas ang mahigit isang oras ay nagpunta na siya ng garahe. Nandoon na si Vincent at nakasandal sa pader. Agad niya itong nilapitan.
“Why do girls take a very long time to prepare?” tanong nito sa kanya. “Shall I drive?”
“Hindi, ako nalang. Doon ka nalang sa passenger seat.” Pumasok na sila sa loob ng kanyang Lancer. Doon ito umupo sa backseat. Kumunot ang noo niya. “Ahem Mr. Arellano, hindi mo naman ako masyadong ginawang driver sa pag-upo mo diyan? Try mo kaya dito sa harapan umupo.” Saway niya dito.
Mukhang napahiya ito kaya mabilis na lumipat ito sa tabi niya. She breathed his scent. It’s a very masculine scent, nakakahalina ang amoy. Palihim niyang inamoy muli ang pabango nito.
“This is awkward.” Makaraang sabi nito.
Napatigil siya sa pag-amoy dito. Nag-alala na nahalata siya. “B-Bakit naman?”
“A girl is driving for me.” Mabuti nalang at hindi pala ang pag-amoy niya dito ang tinutukoy nito.
“Kaya narin gawin ng mga babae ang lahat kaya ng mga lalaki ngayon, Vincent. Mas magaling pa nga kami kasi nakakapanganak kami.” Umiral nanaman ang pagtatag niya sa bandila ng mga kababaihan.
He grinned and looked at her. “That’s not true. Isipin mo nga kung paano mabubuntis ang mga babae. Kailangan ng lalaki para mabuntis kayo. And to do that, they engange in—”
“T-Tama na. Ayos na, I get it. Manyakis mo naman.” Naaalibadbaran niyang sabi.
Tumawa ito. “Aww, I think there’s a virgin in this car. You can’t even stand hearing the word.” Aliw na aliw ito sa nalaman. Hindi naman sa inisip nito na may naka-una na sa kanya pero dahil sa nalaman nito na ganoon pala siya ka-inosente. “Come on Mookie, you’re already old enough for this topic.”
“Twenty-four palang ako.” Giit niya.
“And you think that’s not old enough. I bet hindi ka pa nahahalikan.” Natigilan ito. Napalingon siya dito. Pareho silang may naalala. Lumawak ang ngiti nito. “It’s your first kiss, isn’t it?”
“A-Anong bang sinasabi mo.” Pa-inosente niyang sagot. Hindi na niya kailangang ipagsigawan na ganoon siya ka-manang.
“Don’t you remember? I kissed you the first day I got here. Sinampal mo pa nga ako eh. I knew it. Hindi ka kasi marunong humalik.” He’s being a jerk again. Nagpuyos ang damdamin niya. Ako na ang manang, ako na ang mangmang! Pinaghahampas niya ang balikat nito.
“Bakit? Masama bang maging conservative? Masama bang hintayin ko iyong taong mamahalin ko? Hindi lahat ng babae malandi! Oo, manang na kung manang, eh ano naman? Wala akong pakialam!” patuloy parin siya sa paghampas dito. Napikon na talaga siya.
“Aray!” He grabbed her wrists to stop her from beating him. “Wala naman akong sinasabi na manang ka.” Napabuntong hininga ito. “Sorry kung nainis ka. I have nothing against manangs. Natutuwa lang ako kasi ngayon lang ako nakakita ng katulad mo. It’s a good thing, trust me.”
Inirapan niya ito at umayos ng upo. Nagsimula na siyang magmaneho papunta sa store niya. Tinignan niya ito. Diretso lang ang tingin nito sa daan at tahimik lang din na tulad niya. She decided to break the silence.
“Bakit sa isang apartment mo pa naisipang mag-stay? Alam mo nagsisimula na akong mag-isip na kuripot ka. At saka paano ka nakapunta dito nang hindi pinagkakaguluhan ng mga tao?”
He shrugged. “Wala lang. Puro sosyal nalang kami for three months sa America. Gusto ko lang ma-refresh. Hinatid ako dito. Doon ako mismo bumaba sa tapat ng bahay nyo tapos kumatok ako agad para walang makapansin sa akin. I talked with your mom about the rent then ayun na.”
Tumango-tango siya. She parked her car in front of her store. Nakita niyang nakaabang ang mga kaibigan niya sa counter para sa kanilang pagdating. Napansin din niyang walang customer sa loob at nakaharap ang closed sign sa pintuan. Mabuti narin iyon para hindi magkagulo sa loob ng shop kung sakaling may tao doon at pumasok si Vincent. Baka may masira pa doon.
Vincent put on his shades and an afro wig. “Saan nanggaling yan?” Gulat na tanong ni Mookie. “Mukha kang timang.”
Instead of answering her question ay agad nalang itong lumabas ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Natuwa naman siya na gentleman din pala ito. Maybe he’s not much of a jerk at all. Tutal wala naman siyang naririnig na masama tungkol dito. Marahil ay tama nga si Cheska.
Nagmadali silang pumasok ng store. Si Cheska ang nagbukas ng pintuan sa kanila at agad iyyong isinara nang nakapasok na sila. Ibinaba nila ang venetian blinds sa store para hindi makita ang mga nangyayari sa loob.
Nang masara na ang lahat ay kinikilig na sinunggaban ng yakap ni Cheska si Vincent. Isinisway-sway pa ni Cheska ito. Inamoy-amoy din nito si Vincent.
“Ah… Ang sarap naman! Bestfriend, thanks for sharing!” Kilig nitong sabi. Naiilang na tinapik-tapik ni Vincent and likod ni Cheska.
Pakiramdam ni Mookie ay parang gusto niyang sabunutan ang kaibigan sa inaasal nito. Hindi niya nagugustuhan ang pagkalapit nito kay Vincent. “Ahem… Cheska.” Tawag niya dito. Lumingon ito sa kanya at kanya itong tinitigan.
Mukhang na-gets naman nito ang kahulugan ng tingin na iyon. “Oh sorry. I’m yours but you’re hers.” Pinisil-pisil nito ang braso ni Vincent. “Hay.. thi is paradise. But Ian is heaven and life!”
Pasimpleng kinurot niya ito sa tagiliran. Tumahimik na ito at tumabi sa kanya. “Ang landi mo, girl! Magpakababaeng Pilipina ka naman!” Inis niyang bulong dito.
“If I know jelly ka lang kasi natsansingan ko si Vincent!”
“Akala ko ba kay Ian ka? At hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos? Pfft.”
“Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Hmm?” Hindi na niya sinagot ito. Kanina pa siya nababad trip. Tinignan nalang niya sina Vincent at Jester na nag-uusap. Mukhang nagkakasundo ang dalawa habang ina-assist ni Jester si Vincent sa loob ng shop.
“Basta hindi ako nagseselos, Cheska.” Giit niya.
“Hindi ba tapos na tayo sa topic na yan?” She grinned. “Hindi ka maka-move on ah. You like him na?”
“Bakit naman ako magkakagusto sa taong mahigit isang linggo ko palang nakikilala?” Para sa kanya ay matagal na panahon ang kailangan para magkagusto siya sa isang tao.
“FYI, matagal mo nang kilala si Vincent. Since nabuo ang band nila which is.. four years ago? At saka like lang naman as in crush. Pero di ba nga matagal mo na siyang crush?”
“Fine. So I have a crush on him. Big deal. We all have crushes.” Katwiran niya.
“What if madevelop ka, friend?” Pumunta si Cheska sa counter para asikasuhin ang mga binili ni Vincent. Hindi lang string ang binili nito kundi isang clamp, strap, at guitar pick. Nilapitan niya si Vincent.
Tinignan niya ang guitar pick na binili nito. May print na rabbit iyon. “Bakit ka bumili ng bagong guitar pick? Rabbit pa ang design.”
“This guitar pick just reminds me of you. Wala naman kayong resemblance. I’ll treat this as a souvenir para there’s always something to remind me na napadaan ako dito.”
She bit her lip to stop herself from smiling. Na-touch siya sa sinabi nito. “Sentimental ka pala.” Their eyes met. Her heart skipped a beat. Bigla ay sumagi sa isip niya ang tanong ng kaibigan kanina. Paano nga kung madevelop siya? Hindi na imposible iyon ngayong nasa harapan na niya ito at nakakausap. At hindi rin niya maitatanggi ang kagustuhan niyang makilala pa ito ng mabuti.
“Bakit ka nga pala napadpad dito?” tanong ni Cheska kay Vincent matapos asikasuhin ang binili nito.
Binaling nito ang tingin kay Cheska. Nagbaba siya ng tingin na parang napahiya. “I’m here to find someone…special.” matipid nitong sagot. May kakaiba siyang naramdaman nang sabihin nitong espesyal na tao para dito ang hinahanap nito. She felt queasy. Cheska looked at her with concern.
“Ah.. maybe we can help you. Madami kaming kilala dito at baka kilala ng mga kakilala namin ang kakilala mo na hindi namin kilala.” Nalito lang sila sa sinabi ni Cheska. “In short, we’ll help you. May picture ka ba dyan?”
Vincent touched his pant’s left pocket. “Eh.. Oo.”
“Ay patingin!” Excited na sabi ni Cheska.
“O-Oo nga Vincent. Tutulungan ka na namin para mapabilis ang paghahanap mo.” Kahit na labag sa kalooban niya ay naisip niyang iyon parin ang tama niyang gawin. At wala rin siyang karapatang mag-inarte. Sino ba naman siya.
Napangiwi ito. Hindi alam kung ipapakita ba ang larawan o hindi. Then she remembered na may nakasulat sa likod ng larawan. Marahil nag-aalala itong mabasa ng iba ang nakasulat doon. “Sorry guys, I can’t show it to you.”
She knew it. Halata na disappointed si Cheska samantalang si Jester ay ayos lang. Sa pagkakakilala niya sa kaibigan ay hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto nito.
“Kahit name man lang nya ang sabihin mo? Please?” Hindi niya sinuway ang kaibigan sa pagiging persistent nito. Kahit man siya ay gustong malaman kahit man lang pangalan ng babaeng hinahanap nito at siguradong may special place sa puso nito.
Bumuntong hininga ito. Halatang hirap na hirap sa sitwasyon. “I call her Brie.”
May nickname pa talaga. Bakit pa kasi kailangang unti-untiin nito ang pagsabi ng mga bagay tungkol sa babaeng iyon? Parang kinurot ang puso niya nang tignan niya ang mga mata nito. He’s longing for Brie.. kung sino man ito. Nakatingin si Vincent sa kawalan na parang pagkasabi nito ng pangalan na iyon ay lumipad na ang isip nito. Nanunubig narin ang mga mata nito.
“Anong buong pangalan? Mahirap maghanap ng nickname lang.” Jester urged Vincent to talk more about this girl.
Inilabas nito ang larawan mula sa bulsa nito at ipinakita sa kanila. “Sabrina Caliente. She’s my girlfriend.”
The girl has a very angelic face. Nakabagsak ang itim na medyo kulot at mahabang buhok nito. Her hazel-colored eyes are very alluring and she also has a very sweet smile.. Stolen shot iyon habang tumutugtog ito ng gitara. She looks awfully familiar.
Natahimik silang tatlo. Lahat ay nakatitig lang sa larawan. Parang nag-eecho ang mga sinabi ni Vincent sa tainga ni Mookie. Hindi siya makapaniwala… small world. Nakaramdam ulit siya ng kurot sa puso niya pero mas masakit iyon. Sa lahat ng tao sa mundo, bakit doon pa sa babaeng iyon?
Nagpatuloy si Vincent sa pagkwento. “We were fine before I went to America. We kept our contact with each other for more than a month pero she just stopped replying to my messages. She wouldn’t answer my calls, reply to my mails or anything para lang magkausap kami. I’ve been really worried kaya gustong gusto ko nang bumalik dito noong time na iyon. Pero hindi pwede, we have a contract. Nang matapos ang tour I came back here right away to find her. May nakapagsabi sa akin na dito ko siya makikita kaya dumiretso ako dito sa Laguna.”
“S-Sab…” Nakapako parin ang kanyang mga mata sa larawan. Lahat sila ay gulat parin sa nalaman. Ang kanilang dating bandmate na si Sabrina ang girlfriend ni Vincent na hinahanap nito. Ang nasa isip naman nila ay kung bakit pinagtataguan nito si Vincent.
Vincent grabbed her shoulders. Hope visible on his face. “You know her?”
“Y-Yeah.. I k-know h-her. She’s from our b-band” Nabubulol na sinagot niya ito. Hindi parin siya makapaniwala. Hindi niya alam kung masasabing panaginip o bangungot ang nagyayari pero kahit ano man iyon ay gusto na niyang magising.
She then saw the best smile he showed so far. It’s even brighter than the smile from the poster. Ilang beses na ito ngumiti noong araw na iyon pero iba talaga ang dating niyon. May kakaibang init na dumampi sa kanyang puso. She gasped when he pulled her into a tight hug. Masyadong mahigpit iyon pero ayos lang sa kanya. She hugged him back at muling inamoy ito.
Her heart is beating crazily. Pakiramdam niya ay aatakihin na siya sa puso. Parang biglang naglaho ang kirot na nararamdaman niya kanina. It’s funny how a simple smile could affect her this much. Binuhat siya nito at pinaikot-ikot as he exploded with joy. She loved hearing him laugh.
“Yes!” Ibinaba na siya nito. “Buti nalang sinabi ko sa inyo. You’ll help me right? We’ll find her?” pagkumpirma nito.
Isang tango lang ang sinagot niya dito. Parang may hang over pa siya sa pagyakap nito. Nagulat siya nang hilahin siya nito.
“T-Teka, saan tayo pupunta?” nagtataka niyang tanong.
“Hanapin na natin siya ngayon! Tara na, dali!” Kinuha nito ang plastic ng pinamili kay Cheska at hinila siya nito palabas ng shop. Natauhan na siya.
“Hep hep! May trabaho pa ako Vincent. At saka bumalik nga tayo sa loob. Mamaya magkaroon ng stampede dito.”
“Naka-disguise pa ako.” Napansin niya na suot parin nito ang afro na wig nito.
Nilingon niya ang shop. Nakasilip si Cheska sa bintana at sinasabi nito na ayos lang na umalis siya. Si Jester naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa ni Vincent. “Sige na nga. Get in the car, bilis!” Ayaw niya talagang maabutan ng loka-lokang fan sa nito kung sakali mang may makakilala dito.
Pumasok na sila sa kotse. Bakas sa mukha nito ang excitement. Para itong batang nawala na ihahatid na papunta sa tahanan nito. Sabrina, kahit kailan talaga. You’re one lucky girl.
Kinuha niya ang cellphone at dinial ang number nito. Hinintay niyang may sumagot noon. “Hello?”
<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>
January 6, 2010
OLILAS Fiction, love, Love Story, OLILAS, Our Love Is Like A Song, pocketbooks, romance, Story 1 Comment

CHAPTER 3
Hindi na siya nagtataka kung ang inihahandang hapunan ng nanay niya ay para kay Vincent. Simula kasi nang dumating doon ang binata ay lagi itong may special treatment. Ang gusto pa nga nito ay doon sa bahay nila kumain si Vincent pero tumanggi ang binata. Tuloy ay lagi pa siyang naiistorbo sa pagdadala ng pagkain dito. Nagsandok na ang kanyang ina ng kanin at ulam at inabot sa kanya. Hindi na niya hinintay ang pagtatalak ni Aling Doray at pumunta na siya sa apartment ng binata.
Ilang beses na siyang kumakatok sa pintuan ngunit walang sumasagot. Abuso na ito ah. Nangangalay na ako dito!
“Hoy, ano.. Vincent! Nandyan ka ba? Papasok na ako.” Pinihit niya ang doorknob at itinulak ng kaunti ang pintuan upang sumilip. Her eyes scanned the room and she found him sitting on the sofa, his hands cupping his face.
Anak ng tokwa! Nandito lang pala hindi pa ako pinagbuksan ng pinto. Nang-aasar ba? Torture na ‘to!
Tatawagin sana niya ito when she heard him sob. He’s…crying? Hindi makapaniwala si Mookie. Hindi tuloy niya alam kung papasok ba siya o hindi. Tatalikod siya nang may dumaan na pusa sa harapan niya na ikinagulat niya. “Ay pusang mahabagin!”
Itinikom niya ang bibig. Siguradong narinig siya ni Vincent at baka isipin pa nito na tsismosa siya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at lumabas si Vincent mula doon. Nanatili siyang nakatalikod dito.
“What are you doing here?” may bahid na inis ang boses nito. “Humarap ka nga sa akin.”
Can’t you see I’m doing you a favor by not looking at you after you cry? Ang akala niya ay hindi ito magpapakita sa kanya dahil siguradong mahahalata niyang umiyak ito. Nagkamali siya. Sinunod niya ito. Humarap siya kay Vincent. I knew it, namumula ang mata nya.
His face softened a little nang makita nito ang dinadala niya. “Are those for me?”
“Obvious ba? Ikaw lang kaya ang boarder namin na binibigyan ng pagkain ni nanay.” Inabot niya dito ang plato at mangkok.
“Thanks. Sana kinatok mo nalang ako kaysa naghihintay ka dito sa labas.” Muntik na niyang batukan ito kung hindi lang siya nakapagpigil. Kung alam lang sana nito na bukod sa katok ay tinatawag din niya ito pero he’s busy crying.
Isang tango nalang ang isinagot niya dito. “Hindi mo ba ako papapasukin?”
Parang nag-aalangan pa ito kung dapat siya nitong papasukin. Aba! Naman, pinag-iisipan pa ako ng masama.
“Sure, come in. Hintayin mo nalang na itong mga plato. Ililipat ko lang ng lalagyan.”
Dumiretso sa kusina si Vincent at tumuloy naman siya sa sala. Umupo siya sa sofa na kanina ay inuupuan nito. Maraming nagkalat na music sheets sa table and crumpled ones sa sahig. Bilang isang organized na tao ay nairita siya sa nakita kaya nagkusa na siyang ayusin ang mga iyon. Sa pag-angat ng music sheet sa table ay may nakita siyang larawan ngunit nakatalikod iyon.
Curiosity got the better of her. Ito ba ang dahilan ng pag-iyak ni Vincent kanina? Gusto niyang malaman kung ano ang nasa litrato. May nakasulat sa likod ng larawan. Kinuha niya ito upang makita ng maayos ang nakasulat.
“Don’t touch that!” Sa gulat ay nabitawan niya ang larawan at nahulog ito sa sahig. Lumapit si Vincent sa kanya at ibinigay sa kanya ang mga plato. Pinulot nito ang larawan at nilagay ito sa bulsa. Umupo ito sa isa pang upuan malapit sa kanya.
Kumuha ito ng lapis at nagsimulang magsulat sa music sheet. Dinampot nito ang gitara mula sa gilid at nagsimulang tumugtog. The music is slow and she can tell it’s a love song. May kakaibang dulot sa kanya ang tinutugtog ni Vincent. Para bang naninikip ang dibdib niya. It’s a very sad song. Siguradong maiiyak siya kung lalapatan ito ng lyrics.
“That’s a very sad song.” Komento niya.
Tumingin sa kanya si Vincent. “Nandito ka parin?”
Prente siyang umupo. “Masama bang tumambay dito?”
Bumuntong hininga ito. “Fine, pero huwag ka nalang maingay.” Tinitigan lang niya ito habang tumutugtog. She got bored after a few minutes kaya dumampot siya ng isang music sheet at lapis mula dito. Binasa niya ang music sheet. She started editing the music.
Tumigil si Vincent sa ginagawa at tinignan siya. “What are you doing?” nakakunot noong tanong nito.
“I’m editing this crumpled music sheet. Sayang naman eh at mukhang maganda naman ang simula. Pumangit lang bandang bridge.”
“May alam ka ba sa music?” Walang bilib na tanong nito sa kanya.
“Of course. That’s why I own a music store. And I was in a band a few years ago.” Huminto siya sa ginagawa. Kinuha niya ang mga plato at lumabas. Pagbalik ay dala nya ang guitar pick na napulot niya noon.
“Bakit bigla ka nalang lumabas?”
“May naalala kasi ako. Here,” Inabot niya kay Vincent ang guitar pick. “I think it’s yours.”
He took the pick from her and inspected it. “My guitar pick! I’ve been looking for this everywhere! I can remember this scratch and the design.” Itinuro nito sa kanya ang scratch na tinutukoy nito. “How did you get this?”
Namula siya. Umurong din ang dila niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nang sundan niya ito ay nahulog ang guitar pick nito at pinulot niya iyon. Malalaman nitong nagka-crush siya dito noon… hanggang ngayon.
“Nevermind about that.” Mukhang masayang-masaya ito kaya hindi na ito nag-abalang hintayin ang sagot niya. She felt relieved. “This is my first guitar pick. I got it since I was twelve. Bigay sa akin ni papa.”
Umupo siya. Mukhang mago-open up ito sa kanya. She wants to know more about him.
“Nasugatan kasi ang daliri ko habang nag-gigitara kaya binili niya ito. Even though he shows that he’s against my love for music, nararamdaman ko parin ang suporta niya through his little acts of helping me. Sayang wala na siya ngayon para makita niya ang success ko.”
“Bestfriend ko si Ian since highschool. Pareho naming gusto ang music kaya madalas kaming mag-jamming. We even compose our own songs. Bumuo kami ng banda kasama ang iba pa naming katropa pero nagkahiwalay kami when we entered college. But Ian and I keep contacting each other. We visit each others’ house para lang mag-jam session.” Napangiti ito na para bang inaalala ang mga pangyayari at mga kalokohan na nagawa nila.
“Then, we met the other guys. Sina Teb, Nate, at Xavier. Marami kaming problema na pinagdaanan para lang marating namin ang kung ano kami ngayon. We were not the best of friends back then.” Lumungkot ang mata nito. “Then I met her..”
Tumaas ang kilay niya. Her? Was she the reason behind his tears? Hindi na ito nagsalita pa.
“Then what?”
Tumayo na ito mula sa kinauupuan. “It’s getting late. Umuwi ka na.”
Ramdam niya na pinapalayas na siya nito. Sinakyan nalang niya ito. “Oo nga. S-Sige, aalis na ako. Salamat sa kwento. Sa uulitin?”
Tumango ito. Their arms brushed nang papalabas na siya ng pintuan. She gulped. Pakiramdam niya ay nakuryente siya. Paglabas ay humarap siya dito. “Goodnight, Vincent.”
“Goodniight, Mookie.”
Napako na ata ang paa niya sa kinaroroonan niya. Ayaw pa niya talagang umalis. Gusto pa niya ito makasama. Parang may kumiliti sa puso niya nang sabihin nito ang pangalan niya.
“S-Sige… bukas nalang ulit.” Paalam niya muli.
“Okay, see you tomorrow.”
“Okay.”
“Yeah.”
“Fine.”
“Fine.”
“Yeah.”
“Mookie?”
“Hm?”
“Hindi ka pa ba aalis?”
Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. “Ahm… Aalis na nga. Heto na po.” Tumalikod na siya dito at bumalik na sa kanilang bahay.
Nagkulong siya sa kanyang kwarto. Nilapitan niya ang pinakapaborito niyang poster ni Vincent na nasa dingding sa gilid ng kanyang kama. She traced his cheeks. Napakasaya nito sa poster na iyon. Hindi pa niya nakikita ang ngiting iyon mula sa binata, kahit na isang simpleng ngiti na mula sa puso ay hindi pa niya nasisilayan.
May pakiramdam siyang ang babaeng tinutukoy ni Vincent ay ang dahilan ng kalungkutan nito. Ano ba ito sa buhay ni Vincent para magkaganoon ito? Gusto niyang malaman ang nangyari. Kung makikita niya ang babeng iyon ay pagsasabihan niya ito dahil nakaya nitong saktan si Vincent ng ganoon.
Kinabukasan ay ginawa niya ang kanyang daily routine. Lumabas siya sa veranda upang mag-stretching. Habang abala sa pagbanat ng buto ay sumagi sa isip niya ang gwapong mukha ni Vincent. Napakagwapong nilalang talaga nito. His curly brown hair is a perfect match for his brown eyes. Simple lang naman ito manamit pero kapag nakikita niya ito ay para bang napakaperpekto nito sa mata niya. Ang sa alam niya ay twenty-five years old na ito pero kahit ganoon ay mukhang bata parin ito. Kaso nga lang ay nangungulubot na ang noo nito kakaisip sa problema nito. Gusto man niyang makatulong ay wala naman siyang magawa.
Gusto sana niya ay makita itong nakangiti. Gusto niyang ngumiti ito para sa kanya. Nais sana niyang mapasaya ito hindi dahil sa naaawa siya dito ngunit dahil sa gusto lang niya. Dahil sa isiping iyon ay may nabuong misyon sa isip niya. Pangingitiin niya si Vincent. Napangiti siya. Kung mapapasaya niya ito ay parang tumamama na siya sa lotto.
“Good morning,” Muntik na siyang matuwad nang marinig ang boses ni Vincent.
“M-Magandang umaga din.” Kunyari’y wala siyang pakialam na nandoon ito at nagpatuloy siya sa pag-iistretching.
“Hobby mo na bang ipakita sa akin ang pusod mo every morning?”
Tumigil siya at umayos ng tayo. Hinila niya pababa ang tank top niya. Iyon kasi ang pantulog niya – tank top at shorts. “Hindi po. Kung hindi mo maatim tignan ang bilog na bilog kong pusod eh di wag mong tignan. Simple.”
“I never said I hate it, didn’t I?” Ngumiti ito. “Ang totoo natutuwa nga akong tignan ka tuwing umaga. Nakakagaan ng loob.”
Parang may nagpalakpakang anghel sa paligid niya. Ngumiti ito at natutuwa ito sa kanya. Keep it up, Mookie!
“Tara sumama ka na sa aming mag-agahan.” Yaya niya dito. Mukhang nagtaka ito sa kanya. Simula kasi nang dumating ito doon ay naiinis siya kapag sumasama ito sa hapag kainan nila. “Friends na tayo, di ba?” She crossed her fingers hoping he will agree. Kung gusto niya itong pasayahin ay dapat maging magkaibigan muna sila.
“Yeah.” Pumunta ito sa veranda nila at binuksan ang front door ng bahay nila. “Tara tsibog na tayo.”
She laughed. They entered the house at mukhang gulat na gulat si Aling Doray na nandoon si Vincent.
“Ako nagpapasok sa kanya nay. Wag kang mag-panic.”
“Aba’y…. I’m so very speechless.” Tumawa si Mookie. Maski si Vincent ay napapangiti. Nakakaaliw pakinggan ang pag-iingles ng nanay niya. “Good morning, Vincent. Welcome to our house. You should feel at home you know? Can you feel it? I feel it too! I will go prepare our agahan so you wait there.” Nagmamadali itong nagpunta sa kusina upang magluto.
“Hindi mo ba tutulungang magluto si Aling Doray?” Tanong ni Vincent sa kanya.
Napakamot siya sa batok. “Ahm… Alam mo kasi simula noong sixteen ako hindi na ako pinapahawak ni nanay ng kalan. Kagagaling ko lang sa school noon. Tapos ininit ko iyong ulam sa kalan eh gumawa ako ng assignment kaya nakalimutan kong may iniinit nga pala ako. After two hours may naaamoy akong sunog then paglabas ko ng kwarto parang may fog sa bahay. Naalala ko na may iniinit nga pala ako! Nagmadali akong pumunta sa kusina tapos nakita ko iyong kaldero na itim na itim na tapos tunaw na ang hawakan na plastic! Grabe, pinatay ko agad ang kalan at gas. Pagtanggal ko sa takip nakita ko iyong ulam naging uling.” Habang nagsasalaysay ay inaakto pa niya ang mga pangyayari. Tawa ng tawa si Vincet habang pinagmamasdan siya.
“Tapos timing naman na biglang dumating si nanay! Grabe ang latay ko noon. Muntik ko na daw kasi pasabugin iyong bahay namin. The end.” Vincent is laughing hysterically at para bang mauubusan ito ng hangin. Nahawa na siya sa tawa nito. “Hoy! Haha, easy ka lang, baka mamatay ka sa katatawa!”
“Haha.. p-pasensya ka na M-Mookie.. haha.. kasi naman n-nakakatawa iyong kwento mo.. hahahaha,” Patuloy parin ang tawa nito. “Oh man, I haven’t laughed this much since we went to America.”
“Oo nga pala. Nagpunta nga pala kayo sa America for three months. Kwento ka naman! Maganda ba doon?”
Nagsimula na itong magkwento. Simula nang dumating sila hanggang sa bumalik sila dito. Nalaman din niya na may hinahanap pala ito kaya ito nandoon sa Laguna. Nang sabihin nito iyon ay may nakita siyang bakas ng kalungkutan sa boses nito.
“Bakit hindi mo nalang siya ipahanap sa mga detective?” mahihirapan kasi ito kung mag-isa lang itong maghahanap.
“I don’t want to. Gusto ko ako mismo ang maghahanap sa kanya. This is a very personal matter. I really need to talk to her. I have so many things to ask her.”
Bigla ay nainggit siya sa babaeng iyon na binubuhusan ni Vincent ng ganoong atensyon. Ano bang problema ng babaeng iyon? Maya-maya ay niyaya na sila ni Aling Doray na kumain.
“Wala na po bang kapatid si Mookie?” tanong ni Vincent kay Aling Doray nang mapansing silang tatlo lang ang nasa hapag-kainan.
“My brother died in a car accident when I was eighteen. My father left us when I was ten.” Simpleng sagot ni Mookie.
“Sorry.” Ramdam nito na sensitibo ang mga ito sa topic na iyon.
“Nako huwag kang mag-alala. Ayos na kami ngayon. Masaya naman kami ni Mookie dito kahit kaming dalawa lang. Kaso malungkot din minsan kasi nasasawa na ako sa pagmumukha ng anak ko na ito eh.” Tinitigan ni Mookie ang nanay niya. “Kaya nga ang sabi ko ay maghanap na siya ng boypren at asawahin na niya para naman lumaki ang pamilya namin. At saka gusto ko nang magkaroon ng apo habang bata pa ako! Gusto ko berks kami ng apo ko.”
“Nay, wala pa sa isip ko ang pag-aasawa. At kung gusto nyo ng bagong mukha ayan nalang hong si Vincent ang titigan ninyo.” Siguradong hindi kayo magsasawa.
<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>
November 15, 2009
OLILAS Fiction, love, Love Story, OLILAS, Our Love Is Like A Song, pocketbooks, romance, Story 3 Comments

CHAPTER 2
Inilapag ni Vincent ang kanyang gitara sa gilid ng kanyang kama saka kinuha ang isang larawan mula sa kanyang pitaka. Naging malamlam ang titig niya doon at saka ito marahang hinaplos. Why did you leave? Napabuntong hininga na lamang siya. Don’t you know how much it hurts me? Pinalis niya agad ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.
Ngayong nasa iisang lugar na sila ulit, hahanapin niya ito. Marami siyang gustong itanong at sabihin sa kanya dahil hindi niya maintindihan kung bakit nito nagawang mawala nalang bigla at kung bakit hindi ito nagsabi sa kanya.
Sa kalagitnaan ng pagdaramdam, biglang sumagi sa isip niya ang babaeng hinalikan niya kanina. Bumangon ang inis na nararamdaman niya dito. Unang araw palang niya doon at hindi niya inaasahan na may ganoong mangyayari. Wala na ba itong alam sa privacy? Bakit may mga taong pumapasok na lang sa bahay ng iba? Bukas na bukas din ay ibabalita niya ito sa landlady niya.
Hinalikan niya ito para matahimik ito tutal iyon naman ang gusto ng mga ito. Maswerte pa nga ang babaeng iyon at natikman nito ang halik niya ng walang kahirap hirap kaya naman nagulat si Vincent nang sampalin siya nito at nagalit pa. But he must admit, he found her cute noong nagtataray ito.
Kahit man siya ay nadala sa paghalik dito. Hindi niya napansin na nasa sofa na pala sila. He was about to make love with her for crying out loud! And he doesn’t even know who she is and why she’s in his apartment. Napansin niyang hindi masyadong marunong humalik ang babae. Iyon marahil ang dahilan kaya galit na galit ito sa kanya. Ninakaw kasi niya ang first kiss nito. Kahit pa siguro fan niya ito, pinapahalagahan parin nito ang mga first sa buhay.
Matutulog na sana siya nang nag-ring ang kanyang cellphone. It’s his mom. “Vincent anak! Kamusta na? Bakit hindi ka man lang dumaan sa bahay eh nakauwi ka na pala? Miss na kita anak.” daing nito.
“‘Ma, I’m sorry. Pero alam nyo naman kung bakit ko ginagawa ito ‘di ba?”
“Oo nga, naiintindihan kita anak. Ang sa akin lang naman ay sana dumaan ka muna dito sa bahay. Hindi mo man lang kami kinamusta.”
“Pasensya na talaga ‘Ma. I’ll make it up to you, okay? Babalik naman ako agad ‘pag nakita ko na siya eh. Sige po. Bye, love you.” sabi niya upang matapos na ang kanilang pag-uusap saka natulog.
Pagkagising ni Vincent ay naghanda na siya agad para sa araw na iyon. Siguradong matatagalan siya sa paghahanap. Akmang lalabas na siya nang nakita niya ang mangkok na pinagkainan niya ng paradusdos. Dala iyon ng weird na babae kahapon. Ayaw man niyang aminin pero masarap ang niluto nito.
Paglabas ng apartment nakita niya agad ang weird na babae mula kahapon na nag-iistretching sa veranda ng bahay ng kanyang landlady na si Aling Doray. He let out a light chuckle as he stared a the weird girl. Mukhang masayang-masaya ito na nag-iistretching habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Mukhang napansin nito ang presensya niya kaya napalingon ito sa gawi niya. Her eyes widened in surprise and shock. Tumayo ito ng maayos at pilit hinihila pababa ang maliit na pang-itaas. “A-Anong ginagawa mo dito?” tanong nito.
“I live here, remember? Sinugod mo pa nga ako kahapon.” He grinned as he recall what happened yesterday. Biglang nainis ang babae. “Ikaw? What are you doing here you crazy girl? Oh, and cute belly button by the way. Bilog na bilog.”
She scoffed. “Bastos! I live here too. Malas mo lang!”
“Yeah, how unlucky of me.”
“And yabang mo! Hindi mo ba ako kilala?! Palayasin pa kita diyan eh.”
“Oh, look who’s talking. Well, hindi ko na itatanong kung kilala mo ako because I’m sure you do.”
“Jerk!”
“Thank you.”
“Hoy Mookie! Ano ba yan? Kay aga aga eh nakikipagbangayan ka na agad!” Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Aling Doray na mukhang bagong gising palang. “Aba! Bakit mo naman inaaway si pretty boy! Uy, pagpasensyahan mo na itong anak ko, ha?”
“‘Nay! Siya naman ho ang nag-umpisa!” Pagdadahilan ni Mookie.
“Hey! It wasn’t me!” Pagtatanggol niya.
Hinampas ni Aling Doray si Mookie sa braso noong akmang sasagot pa ito. “Inglisero anak, manahimik ka nalang.” Bulong nito sa anak. “Ahm, I’m so very sorry pretty boy. She will go now. The customer is always very right.” Sabi nito sa kanya saka isinama si Mooki papasok ng bahay. Naririnig niya ang bangayan ng mag-ina kahit nasa loob na ito ng bahay.
So she’s the landlady’s daughter. Bumalik siya sa loob ng bahay at kinuha ang mangkok. Ang nanay ni Mookie ang nagbukas ng pinto pagkakatok niya sa bahay ng mga ito. “Ay! Tara, kain ka.” Hindi na siya nakasagot nang hilahin siya nito patungo sa hapag kainan. Naroroon si Mookie at nakita niya kung paano nito pagsasaksakin ang kawawang piraso ng tapa. “Anak, ipaghain mo nga itong si pretty boy.”
Tumaas ang tingin nito mula sa tapa papunta sa kanya. Natawa siya sa titig nito na parang sinasabing, “Kung wala si nanay dito ikaw dapat ang sinasaksak ko ngayon!”. He gulped. “Ahh.. Aling Doray ‘wag na ho. Mukhang hindi ako welcome dito.”
Tinitigan ni Aling Doray si Mookie na para bang pinagsasabihan ito. Napabuntong hininga si Mookie at tumayo. “Welcome na welcome ka dito. Umupo ka na at ipaghahain kita.” She said in a monotone voice. Umupo si Vincent sa bakanteng upuan sa tabi ni Aling Doray at katapat ni Mookie.
“Pasensya ka na sa anak ko ha. Mataray talaga siya kung minsan pero mabait naman. At maganda pa! Alam mo pretty boy, type kita.” Napatitig si Vincent dito. “Para sa anak ko! Ano ka ba, matanda na ko para diyan.” Tumawa ang mga ito.
Pumasok na si Mookie sa kusina dala ang plato, baso, at kubyertos. “Hindi ho pretty boy pangalang nya nanay. Vincent po.” Pagtatama niya dito.
“Ay ganoon ba, naku pasensya ka na pretty b- este, Vincent. Kasi naman napakagwapo mong bata ka. Para kang artista. Eh teka, Mookie, ‘di ba iyon ang pangalan ng kras mo doon sa banda na kinalolokohan mo?” Tinitigan niya si Mookie na animo’y nanunukso.
“Nay!” Saway nito. Nag-blush ito at pati ang likod ng tenga ay namumula rin. Cute. Nasabi ni Vincent sa sarili. Inabot na nito sa kanya ang mga dala at saka bumalik sa upuan.
“So you really are a fan.”
“CHATAP.” Mataray na sagot niya. Agad niyang naramdaman ang malakas na pagsipa ni Aling Doray sa binti niya. Panigil niya ang pag-aray. Alam niyang hindi natutuwa ang nanay niya sa pinapakita niya sa bisita nila kaya hindi nalang siya nagsalita pa. Bisita? Bwisita kamu!
Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang isabay ng nanay niya si Vincent sa pagkain. Hindi niya magawang matuwa dahil naiinis parin siya dito hanggang ngayon dahil sa kapangahasan nito kahapon.
Walang siyang imik habang nagkukwentuhan ang mga ito tungkol sa mga bagay bagay. Nakwento nito ang tungkol sa career habang si Aling Doray ay nagkukwento tungkol sa mga tsismis na nabalita ng mga kumare nito. Nakasundo niya agad ang matanda at halatang aliw na aliw din ito sa kanya.
“Ikaw nga iyong nasa banda kung ganoon? Eh bakit ka naman napadpad dito?” Tanong ng nanay niya dito. Napaangat siya ng tingin dahil napukaw noon ang interes niya.
“Eh…” Napangiti na lamang ito sa kanila. But the smile didn’t reach his eyes at napansin niya ito. Pilit parin itong kinukulit ng kanyang ina ngunit napansin niya ang pagiging uncomfortable ng kanilang bwisita.
“Nay, wag nyo na pong pilitin kung ayaw.” Mataray na pagsaway niya sa ina. She saw the relief on his face nang tumigil na ang kanyang ina. Pagkakain ay nagpaalam na si Vincent sa kanila.
“Bakit kaya ayaw sabihin ni Vincent ang dahilan ng pagpunta niya dito?” tanong ni Aling Doray sa sarili.
“Pabayaan mo na ‘Nay. Wala na tayong pakialam doon. Pabayaan mo na iyong tao.” Ngunit kahit na sinabi niya iyon, siya mismo ay iniisip parin ang dahilan ng pagtungo nito sa kanilang lugar. Maaaring dahil sa bakasyon o para lang mag-relax. Pero bakit sa isang simpleng apartment lang ito tumuloy at hindi sa isang magarbong resort? At bakit hindi nito masabi ang dahilan? May pinagtataguan ba ito?
She dismissed all her thoughts about him. Siya na mismo ang nagsabi.. wala na silang pakialam doon. Pagkaligo at pagkabihis ay tinungo na niya ang kotse niya sa garahe at nagtungo na sa kanyang shop.
Hindi naman nya masasabing successful na siya pero her business is progressing slowly but surely. Hindi man halata sa unang tingin pero she loves music. Kaya niyang tumugtog ng gitara, at piano. Kaya rin niyang gumawa ng sariling kanta. Kaya naman kahit na computer-related course ang kinuha niya ay hinahanap hanap parin niya ang tawag ng musika. Tumutugtog siya dati sa mga clubs ngunit hindi siya nasiyahan sa income niya dahil hindi niya matulungan ang kanyang pamilya kaya naman pumasok siya sa pagnenegosyo. Gamit and kaunting ipon at utang sa mga kaibigan at bangko, naipatayo niya ang Riff Notes.
Hindi naman kalakihan ang shop ngunit hindi rin masikip. The interior of the shop has this hip and modern but classy feel. They offer different musical instruments na common gamitin, CD’s, and even tutorial every summer vacation. They target the little kids and teenagers in their market and adults too. Sila lang ang may music shop sa lugar nila kaya naman malakas ang kita. Unting unti na niyang nababayaran ang mga utang. Agad siyang sinalubong ng mga dating ka-bandmates na ngayon ay mga kasama na niya sa shop.
“Hoy bruha! Ikaw ha, hindi ka nagkukwento!” sabay hampas sa kanya ni Cheska. Ito ang kanyang matalik na kaibigan at ang drummer nila dati sa banda. Kahit pa na sabihing babaeng babae ang dating nito, napakagaling nito sa pagtugtog ng drums. “Tumutuloy sa inyo si Vincent!”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Shhh! Wag kang maingay! Cheska, kahapon ko lang din naman nalaman. Nagulat din naman ako.” Tanggol niya sa sarili.
“Wag mo ngang maaway-away si Mookie! Napaka-war freak mo talaga. If you dare lay a hand on her again hinding hindi na kita papautangin!” Sabat ni Jester na dati nilang vocalist. Matagal na itong may gusto sa kanya ngunit hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay nito. Hanggang kaibigan lang ang tingin niya dito at naiintindihan naman ito ng lalaki. Ngunit nagiging overprotective ito kung minsan.
Napailing na lamang siya. How she wish Sabrina was there with them. Ito ang mediator ng grupo. Tahimik lang ito ngunit kapag nagsalita ay talagang wala ka nang maiihirit pa. Hindi na ito nagpakita sa kanila mula nang mabuwag ang banda. Ang alam niya ay nagpunta ito ng Manila to pursue her music career.
Lumambot ang expression ni Cheska at saka ikinawit ang braso kay Jester. “Eto naman, hindi na mabiro. Biro lang naman ang paghampas ko kay Mookie. Sori na, ha? Papautangin mo parin ako?”
Agad inilayo ni Jester ang sarili sa kaibigan. “Oo na, basta wag ka nang maglalambing ng ganyan. Nakakakilabot.” Inirapan ito ni Cheska.
“Paano mo ba nalaman na tumutuloy sa apartment namin iyong mokong na yun?” Tanong niya. Dahil ang sa alam niya ay pagkalabas niya ng apartment ni Vincent ay pinagsabihan niya ang mga nagsibalik na usisero at usisera na huwag na huwag ipagsasabi na tumutuloy sa kanila si Vincent dahil mahirap na ang magkagulo. Imposibleng may nagsabi dahil kilala siya sa kanila at tiyak na naintindihan ng mga ito ang sitwasyon.
“Nagpunta ako sa inyo kahapon. Bibisitahin ko sana kayo ni Aling Doray eh nakita ko nagkakagulo. Ayun, nalaman ko.” Paliwanag ni Cheska. Tinitigan niya ito ng matalim. “P-Pero wala pa naman akong pinagsasabihan na ibang tao! Promise! Secret lang ‘to!”
“Kung ganoon, paano nalaman ni Jester?”
Tumawa ito at saka inakbayan siya. “Girl, hindi naman ibang tao si Jester noh.”
“Don’t worry Mookie. The secret is safe with me.” Sabi ni Jester.
“Naku Jester, tigilan mo na iyang pagpapa-cute kay Mookie dahil wa epek yan. Shoo-shoo, magbantay ka doon.” Pagkasabi noon ay mabigat ang loob na iniwan sila ni Jester at nagpunta sa counter. “Hay sa wakas wala na ang asungot.” Sinuway niya ito sa tingin. “So? Hindi naman magagalit yan sa akin. Bestfriend mo ako so kapag inaway niya ako lagot siya. At saka friends din naman kami.”
“Kung hindi lang kita kilala iisipin ko may gusto ka kay Jester.”
“Eww! Alam mo naman na si Ian is the only one for me!” kinikilig nitong sabi. “Enough of this, give me details!”
“Huh?”
She rolled her eyes. “Pa-innocent effect pa si bestfriend! Para namang hindi ko alam na dead na dead ka kay fafa Vincent mo!” Nakangisi ito. “At bakit mokong ang tawag mo sa kanya kanina? Halos sambahin mo siya noon tapos ngayon ganoon nalang.”
“Nothing happened.” Pagsisinungaling niya.
“Oh come on. I know you since we’re in diapers, Mookie.”
“Fine. He kissed me.”
Nanlaki ang mga mata nito at kilig na kilig na tumili. “He kissed you?!” Napalingon ang ilang customers sa kanila pati si Jester. Agad siyang nagpaumanhin sa mga ito ngunit nakatitig parin sa kanila si Jester. Pinagsabihan niya si Cheska. “Sorry. Ikaw naman kasi binigla mo ako! So how was it? Was he a good kisser? Torrid ba?”
Napangisi narin siya. “Well… it felt really good.” Sabay silang bumingisngis. “Pero biglaan ang lahat ang he’s such a jerk. Ayoko na sa kanya.” Ikinuwento niya dito ang nangyari.
“Iba ang nakikita ko sa iyong unusually sparkly eyes and rosy cheeks. Ang blooming mo friend! Showbiz ka ha! Baka naman nasaktan lang ang pride mo. Ganoon lang talaga siguro, sikat eh. Baka ganoon lagi ang intentions ng mga babae na lumalapit sa kaniya sa Manila. Alam mo naman there, marami ang liberated. Baka ngayon lang nakakita ng manang.” Sabay talikod nito sa kanya at nilapitan ang isang customer na tumitingin ng gitara.
“Sinong manang?! I am not a manang! Hindi ko ibibigay ang sweldo mo!” banta niya. Tumawa si Cheska. Pumasok na siya sa loob ng office niya at pabalag na isinara ang pinto.
Hindi siya manang! She is just uptight ang righteous. So what kung no boyfriend since birth siya at hindi nagsusuot ng palda? Manang na bang maituturing iyon? It’s just her. Wala namang masama kung poprotektahan niya ang sarili sa mga mapagsamantalang lalaki. What happened yesterday was pure bad luck.
Pero ayaw man niyang aminin pero she maaaring tama nga si Cheska. Nasaktan lang ang pride niya and she never hated Vincent for kissing her. Nainis siya dahil ang isa sa mga pinakaiingatan niya para sa lalaking mamahalin ay nakuha nalang sa kanya ng basta basta ng lalaking hindi niya lubos kilala ang pagkatao. Bakit mabilis niya itong napatawad sa paghalik sa kanya? She might know his name pero his character is still a mystery. Sino ba talaga si Vincent Arellano? She wants to know more about him. She’s not curious just because she’s a fan but because she just want to. After what happened yesterday at kanina mas lalong nagwawala ang puso niya.
She never liked him because he’s famous. Matagal na niya itong nakilala. She met him in one of VIXEN’s gigs noong hindi pa kilala ang banda nito. May gig din ang banda nila noon doon sa bar na iyon. Nagpaiwan siya sa bar pagkatapos nilang tumugtog upang panoorin ang VIXEN. Humanga siya sa pagtugtog nito ng gitara. His strums were always perfect at mukhang masayang masaya ito sa pagtugtog. For her, he looked stunning on that stage. She knew that he loves music the same intensity she does. His handsome face is just a bonus. Even if the rest of his bandmates are good looking too, nangibabaw talaga ito sa kanya.
After that gig ay sinundan niya ang mga ito para lang makita pa ng matagal ang binata. Nagulat siya nang mahulog ang guitar pick nito ngunit nahiya siya na iabot iyon dito. Naisip nalang niya na ibigay ito dito sa susunod na gig nito sa bar na iyon ngunit hindi na nagbalik ang mga ito. Nalaman nalang niya isang araw na na-release na ang album at music video ng mga ito.
<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>
June 7, 2009
OLILAS Fiction, love, Love Story, OLILAS, Our Love Is Like A Song, pocketbooks, romance, Story 16 Comments

CHAPTER 1
“Great job boys! VIXEN is a big hit here in America!” Bati ng kanilang manager na si Jeff. Galing sila sa Gramercy Theater upang isagawa ang huli nilang concert sa tour na iyon. Tatlong buwan na walang masyadong pahinga at walang tigil na rehearsal – sino ba naman ang hindi mapapagod doon? But seeing their fans happy because of them, all of their hardships are worth it. Nagsigawan silang lahat at tinapik ang balikat ng isa’t isa for a job well done.
Ang VIXEN ay isang banda na binubuo ng five gorgeous young men. Bawat isa ay may natatanging talento at husay sa pagtugtog. Marami ang nagtataka kung bakit at paano sila nagkasama sama at naging mabuting magkakaibigan samatalang magkakaiba sila ng ugali.
Vincent, Ian, Xavier, Esteban, at Nate – iyan ang VIXEN. Galing ang pangalan ng kanilang banda sa in-arrange na mga unang letra ng kanilang pangalan.
Nakisama naman sa kasiyahan nag kanilang manager. “And for that, I’ll be giving you guys a one-month vacation! You like it?”
“Hay sa wakas! Mamamatay na ako sa pagod eh!” Wika ni Xavier. “Here I come Boracay!” Binatukan siya ng kaibigang si Ian.
“Pare, wag mo namang sayangin ang bakasyon mo sa mga girls! Mapapagod ka lalo nyan!” Nag-high five pa ang dalawa.
Napailing si Nate sa inasal ng dalawa. “Basta ako, doon muna ako sa rest house ko. Nami-miss ko na yun.”
“Ows?” Hirit ni Esteban. “Baka naman si Cath ang nami-miss mo?” Sabay sundot nito sa tagiliran ni Nate. Umiwas ito ito ngunit abot tainga naman ang ngiti.
Napansin ni Ian ang pananahimik ni Vincent. “Ikaw Vincent? Anong plano mo?”
Napabuntong hininga siya habang tinititigan ang hawak na litrato. “Hahanapin ko siya.” May nakapagbalita sa kanya na sa Laguna raw ito namamalagi sa kasalukuyan. Gusto niyang hanapin ito at kausapin. Nag-aalala siya dahil dalawang buwan na ang nakalipas simula noong huli silang nagka-usap.
Matipid na ngumiti si Ian. Maya-maya ay lumapit narin sa kanila ang ibang mga kasamahan na napansin ang kanilang pagsasarili. Inalo siya ni Xavier. “Mahahanap mo rin siya.”
***
Masayang nag-iimpake si Vincent nang may kumatok sa pinto niya. Inilabas niyon si Esteban. Prenteng humiga ito sa kama niya at saka siya pinanood nitong mag-impake.
“Pare, hindi ako T.V.” biro si Vincent. “Ano ba kailangan mo?” Nakita niyang tinutulungan siya nitong magtiklop ng mga damit. Natawa nalang si Vincent sa inaakto ng kaibigan.
“Eh.. kasi Vincent..” simula nito.
“Pag ganyan ka alam kong may kailangan ka. Ano ba ‘yon?”
“P-Pahiram naman nung perfume mo. Gusto kasi ng girlfriend ko yung amoy ng perfume mo eh.” Hiniram ni Esteban ang perfume niya dati noong huling beses itong makipag-date. Limited edition ang pabango na iyon at sobrang mahal. Nagkataong naubos ang paborito nitong pabango kaya pinahiram niya ito. “Babayaran nalang kita! Or.. I’ll do anything you want! Please? Type na type ko yung chikibebz na ‘to eh.”
Tinitigan niya ito ng matagal at pinag-isipan ng mabuti ang gagawin. Sa huli ay pinagbigyan na niya ang kaibigan. Kinuha niya ang perfume sa kanyang drawer at inabot ito dito. Todo ngiti naman ito nang kinuha ito mula sa kanya at saka hinawakan ito na para bang isa itong napakasagradong bagay. “You owe me pare.”
Tinaggal nito ang takip ng perfume at saka ito inamoy. Nakangiting aso ito habang nakapikit. “Ah… Ang bango talaga! Thank you ‘bro!”
“Oo na Santino. Basta you owe me.” sabi niya.
“Opo father!” At saka ito kumaripas ng takbo palabas. Sumunod na rin siya dito nang matapos siyang mag-impake. Sa isang linggo pa dapat ang alis niya kasama sina sila ngunit nasasabik na siyang makabalik ng Pilipinas. Gusto na niyang makita at maka-usap ang taong iyon. Pakalabas niya ay nakita niyang naghihintay ang mga ka-banda niya sa tapat ng kwarto niya.
“Goodluck Vincent.” pahayag ni Xavier. Tumango naman ang mga iba tanda ng pagsang-ayon. Ang mga ito na ang nagbuhat ng kanyang dalawang maleta at personal electric guitar. Pagkatapak palang sa airport ay makikita mo sa kanilang mga mata ang pagmamahal sa kaibigan at awang nararamdaman para dito. Hindi naman kasi makatarungan ang nangyari.
Pagtapak pa lamang sa loob ng eroplano ay napalingon na agad ang mga tao sa kanyang direksyon. Halos lahat ng mga ito ay nakilala siya at lumapit upang magpa-picture at magpa-autograph. Nahinto na lamang ang mga ito ng sitahin sila ng flight stewardess – na mukhang nagpipigil lang na makigulo – sapagkat lilipad na ang eroplano. Napansin pa niya na effort nitong makipag-flirt sa kanya tuwing lalapitan siya nito. Matatalim na tingin naman ang natatanggap nito mula sa mga babae. Napailing na lamang siya at nagpahinga.
***
“Maria Kristine Maximino!” Sigaw ng kanyang ina na si Aling Doray. “Gumising ka na at singilin mo sina Bentong ng upa!”
Magkasalubong ang kilay na iminulat ni Mookie ang mga mata habang kamot-kamot ang batok. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at saka lumabas ng kwarto nang bagsak ang mga balikat. Sinira kasi ng inay niya ang kanyang napakagandang panaginip.
Hay naku, kung kailan naman hahalikan na ‘ko ni Fafa Vincent! Si inay talaga, wrong timing! Reklamo niya sa isip niya.
Pagkadating sa kusina ay kaagad siyang humila ng upuan, idinukdok ang mukha sa mesa at muling pumikit upang ipagpatuloy ang naudlot na panaginip. Nang nakita siya ng kanyang ina na muling natutulog ay kumuha ito ng kutsara at ibinato ito sa kanya.
“Aray!” Sabi ni Mookie. “Nay naman eh.”
“Ano?” Hamon ni Aling Doray. “Hala, tumayo ka na diyan at singilin mo iyong si Bentong dahil tatlong buwan nang hindi nagbabayad ng renta. Kung ayaw magbayad eh alam mo na ang gagawin mo.”
“Opo…” Pumayag nalang siya bago pa siya nito batuhin muli ng kung anong madampot nito. Naghilamos muna siya at nagmumog bago lumabas ng bahay. Paglabas niya ay sinamyo niya ang amoy ng kapaligiran at nag-inat. Para bang nakapagbigay ito sa kanya ng lakas. Tinungo na niya ang isa sa mga apartment nila kung saan namamalagi si Bentong.
Magkatabi lang ang kanilang bahay at mga apartment nila. At nagkataong katabing-katabi nila ang apartment ni Bentong dahil ito ang una. Ang bakuran lamang nila sa gilid ang nagsisilbing harang mula sa hanay ng kanilang mga apartment.
Nagtaka siya nang walang sumasagot sa pagkatok niya. Nilakasan pa niya ang katok hanggang na parang gigibain na niya ang pinto. “Hoy Bentong! Lumabas ka dyan! Wawarakin ko ang pinto ‘pag hindi ka lumabas! Bentong! Huy! May tao ba?” Magkakasunod niyang sabi.
“Walang tao dito!” Narinig niyang sabi ng isang maliit na boses. Alam niyang kay Bentong iyon.
Nagsimula na siyang mainis. Kinuha niya ang kopya ng susi ng apartment nito sa kanilang bahay at saka ito binalikan. Binuksan niya ang pinto nito at nakita niya si Bentong na nakakapit sa dingding. Balot ng kaba ang mukha nito.
“M-Mookie.. kasi.. pasensya ka na pero wala pa akong pambayad eh.” Nag-peace sign pa ito sa kanya.
“Tatlong buwan na yung utang mo noh! Kung wala kang pambayad eh lumayas ka na rito! Ang aga-aga sinisira mo na ang mood ko!” sabi niya dito. Pati ang panaginip ko naudlot dahil sayo!
Araw araw na amoy alak ito kaya nakasisigurado siya na inubos nito ang pera sa alak kaya naman hindi na niya ito mapagbibigyan. Sinabihan na niya itong mag-impake noong nakaraang linggo kung hindi ito makapagbabayad at maghanap ng ibang apartment na mapagtitirhan ngunit sadyang makulit ito. Pumasok siya sa loob ng kwarto nito at saka inihagis ang mga damit nito sa bintana. Nagkumpulan na ang mga tsismosa sa labas ng apartment. Laging nangyayari ito kapag may pinapalayas si Mookie. Ika nga nila ay, “Humahataw na naman si Mookie the Evictor.”
Pagka-alis ni Bentong ay bumalik na siya ng bahay. Habang nasa daan ay nararamdaman niya ang mapanghusgang titig sa kanya ng mga taong nakasaksi sa kaguluhan. Sumimanot siya. Ayaw naman talaga niyang gawin yun pero iyon talaga ang trabahong inatas sa kanya ng ina sa kanilang apartment.
Pagdating sa bahay ay kumuha siya ng bond paper at itim na marker. Isinulat niya sa papel ang, “APARTMENT FOR RENT” at iba pang mga detalye katulad ng kanilang contact number. Tatlo ang kanyang ginawa at saka idinikit iyon sa mga poste. Bumalik siya sa apartment dala dala ang walis tambo, mop, at basahan saka nagsimulang maglinis upang maihanda sa susunod na tutuloy doon.
Fully-furnished ang kanilang apartment kaya naman damit lang ang kailangang dalhin ng manunuluyan doon. Katulad iyon ng disenyo ng kanilang bahay ngunit mas malaki ang kanila dahil mas marami ang kwarto, may garahe at may garden. Ang mga apartment nila ay may dalawang kwarto at isang banyo. Airconditioned ang isa sa mga kwarto. Maliit lamang iyon pero komportableng tirahan.
Pagkalipas ng dalawang oras ay natapos na siyang maglinis. Nakaramdam siya ng matinding gutom. Naalala niyang hindi pa pala siya kumakain. Bumalik na siya sa bahay kasama ang mga gamit at saka kumain, naligo, at nagpahinga.
Tanghali na nang magising siya. Pagkasilip niya sa bintana ay nakita niya ang maraming tao na nakapalibot sa apartment na kani-kanina lamang ay pinamamalagian ni Bentong. Nakita niya ang kanyang ina na kapapasok lamang sa kanilang bahay kaya’t pinuntahan niya ito at tinanong. Nagulat si Mookie nang lapitan niya ito. Nakangiti ang kaniyang ina. Isang malaking himala. Magugunaw na ba ang mundo? O hindi!
“Nay! Ano pong meron doon sa Apartment one?” Tanong niya after recovering from shock. Halatang nagulat si Aling Doray nang bigla siyang lapitan ni Mookie. Hindi naman nawala ang ngiti nito sa mga labi.
“Ay naku anak! Iyong bagong lipat sa apartment kasi,” tumawa ito nang makita ang pagtataka sa mukha ng anak. “Habang natutulog ka kasi dumating iyong bagong boarder natin. Ang sabi uupa daw siya diyan ng isang buwan, eh hindi ako pumayag dahil ang patakaran natin ay two months advance at one month deposit. Hayun, binayaran niya pero isang buwan lang siya! Tapos sinobrahan pa iyong bigay!” Tuwang tuwang kwento ng kanyang ina.
Wow, ang yaman! Pero nagtaka parin si Mookie. Kakaiba naman ang boader na iyon. “Eh bakit po ang daming tao na nakapaligid sa tapat?”
“Eh panu ba naman, kay gwapo ng binatang iyon!” Kilig na sambit ni Aling Doray. “Ay alam mo anak, kahawig niya yung nandoon sa ano ba yun. Yung kinalolokohan mong banda.. Bleaching ba yun? Kahawig talaga nung isa doon,” litong sabi nito.
Napabuntong hinininga si Mookie. “Nay, VIXEN ho,” diin niya. Kumunot naman ang noo. “At Nay, imposibleng magkaroon sila ng kahawig sa sobrang kagwapuhan nila. Lalo na si Vincent my fafa!” Pahabol niya.
“Kurutin kaya kita sa singit?” banta ni Aling Doray. Tumungo ito sa kusina at sumandok ng isang malaking mangkok ng bagong lutong paradusdos. “Heto, ibigay mo doon kay… ano nga bang ngalan nun? Basta, iabot mo doon sa bagong salta.”
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Mabigat ang mga paa niyang tinungo ang apartment. Pinalayas niya ang kumpol ng tao sa tapat noon at saka kumatok. Wala siyang narinig na sagot kaya nangahas na siyang pumasok. Ibinaba niya ang pagkaing dala sa malapit na table. Paalis na siya nang may tumawag sa kanya. Medyo pamilyar sa kanya ang baritonong boses na iyon kaya agad siyang napalingon.
In front of her stood the guy she’d been dreaming about, the one and only Vincent Arellano with a bonus. He’s half-naked. Nakapantalon lang ito na low waist pa. Matalim ang titig nito sa kanya.
Her jaw dropped and her eyes widened. Kung hawak pa niya ang mangkok ay paniguradong nabitawan niya iyon. Dahil sa gulat at tuwang naramdaman ay napatili siya ng ubod lakas.
“Oh my gosh! Vincent!” Patuloy ang kanyang tili habang nakapako na ata siya sa kinatatayuan habang tinititigan niya ang shirtless body nito. Oh my.. Lord naman eh, walang ganyanan! O tukso, layuan mo ako! Wag kang lalapit fafa Vincent, nangangagat ako! Ang gwapo pala niya sa personal. Kakagigil!
Mukhang hindi siya dininig ng langit dahil next thing she knew, nasa harap na niya ito at tinakpan ang kanyang bibig. Ini-lock nito ang pinto at inupo siya sa sofa. “Shut up, woman! What the hell are you doing in my apartment?”
Nang tanggalin nito ang kamay na pinantakip sa bibig niya ay muli siyang tumili. He cupped her face and kissed her. Nanlaki ang kanyang mga mata at nag-shut down ang kanyang utak dahil wala na siyang naisip nang dumampi ang labi nito sa labi niya.
His lips were warm, and it felt good. Hindi namalayan ni Mookie na tumutugon na pala siya sa mga halik nito. Nabalik na lamang siya sa realidad nang tumama ang ulo niya sa maliit na mesa sa gilid ng sofa. Nakahiga na pala sila sa sofa. Agad niya itong tinulak at binigyan ng isang malutong na sampal.
“Hoy Mr.Arellano, w-what do you think you’re doing?!” mabagsik niyang tanong. Namumula ang buong mukha niya pati na tenga hindi lang dahil sa hiya, kung hindi dahil na rin sa galit. How dare he!
Halatang nagulat si Vincent sa inasal niya. “A kiss is the best thing to shut a girl up. Ano pa bang gusto mo? Autograph? Picture? One night stand? Geez, fan girls these days.. hindi makuntento. Don’t you know it’s very hard to please you?” sentimyento nito bago siya tinalikuran.
Lalong tumindi ang nararamdaman ni Mookie. Nawala na ang pagkapahiya at napalitan ito ng inis. What a jerk! She hates this man. She loathes him! Kahit na super fan siya nito ay may mga prinsipyo pa rin siya bilang babae. Sinira nito ang pinapangarap niyang first kiss – kahit pa na ito ang pinagpapantasyahan nya kanina!
Hinarap niya ito and slapped him with greater force. Habol hiya ang hininga dahil sa galit. Tumayo siya at naglakas palabas. Huminto siya sa pinto at nilingon ito. “Ayoko na sayo! Jerk!”
Pagkalabas ni Mookie ay pabalag na isinara nito ang pinto. Masakit man ang sampal na natamo ay hindi maiwasan ni Vincent ang mapangiti. Naaliw siya sa babaeng iyon dahil sa unang pagkakataon ay naranasan ni Vincent na masampal ng iisang babae ng dalawang beses sa loob ng isang araw.
<<<PREVIOUS ************************************************ NEXT>>>
Anong say mo?