To greet or not to greet? That, is the question!

Leave a comment

So it was his birthday yesterday.. (“Sino?? Clue naman diyan! Blowout! Blowout!”), I felt bothered that day. The whole day I fel uncomfortable.. para bang strangely down ang feeling ko at gusto ko nalang tumahimik kaysa makipagdaldalan (“Himala!”).

We were friends, pero nasira iyon at muling nabalik (?). Hindi ko talaga alam kung bumalik ang friendship namin pero naging close naman kami. But something happened and we went on our separate ways. But I still care for him… I think.

Matinding self-control ang nagamit ko kahapon kakapigil sa sarili kong magpa-load at i-text siya. O di kaya ay maki-text sa kaklase ko. Ayokong gawin iyon kahit na gusto ko. Mamaya kung ano pa ang isipin nun at siyempre, I also want to move forward… alone.

We’re not lovers nor friends. At hindi rin MU. So wala akong matatawag sa naging relationship namin. Maloloka lang ako kakaisip. Kaya nga hindi ko alam kung dapat pa ba ako ulit magparamdam sa buhay niya. Ako kasi, gusto ko pa siyang magparamdam sa buhay ko, kahit na ayoko. (“HUWAAATTTAH?!”) Magulo ba? Oo nga.

Hindi ko naman masasabing ex ko siya kasi hindi naman kami. Ganito na nga lang ang tanong para mas maintindihan mo:

Ikaw ba? Kung birthday ng ex mo, babatiin mo pa ba siya?

Paano Na Kaya (Movie) with Review

4 Comments

Jologs na kung jologs.. proud to be! Hahaha! Excited na talaga ako for Star Cinema’s 1st movie of the year.. ang “Paano Na Kaya” starring KIMERALD!!! AHHH!! This loveteam never cease to amaze me in terms of romance! Ito yung mga role na gusto ko para sa kanila at hindi iyong mala-sundalo. Feeling ko masyado pa silang bata para doon.

Cliche? Yes, pero I still can’t wait. Feeling ko mapapatodo ang pag-iyak ko sa movie na ito! The good thing about the cliche-ness in this movie is maraming makaka-relate kasi nangyayari talaga ito sa totoong buhay. Mahirap talagang ma-inlove sa bestfriend mo (as if naranasan ko na! Haha!)

Hmmm..sino kaya ang mahila kong manuod?

REVIEW (WARNING! SPOILER!):

Nahila ko ang mga kaibigan ko. Haha!

I watched the movie and it was good. My only complain is how the movie started. It’s not like it’s not good, hindi ko lang talaga nagustuhan ang simula. Parang nabilisan lang ako. Tingin ko mas maa-appreciate ko kung medyo dinahan-dahan nila kasi iyon yung part na pinapakita talaga ang kadakilaan ni May dahil tinutulungan nya si Bogz para mapasagot si Anna. Opinyon lang naman.

Another complain is iyong masyadong nagfocus ang story sa POV ni May kaya hindi ko masyadong na-feel ang love ni Bogz sa kanya. Parang tingin ko rebound parin ang labas ni May. Or ganoon lang ang tingin ko kasi maraming naibigay si May sa kanya at tanggap lang siya ng tanggap.

And another complain! (Boo Charmz! Dami mong complain!) Nalungkot lang ako na hindi nila binigyan masyado ng importansya ang role ni Robi(nakalimutan ko yung name). Well, hindi naman sa hindi nabigyan ng importansya… hindi ko lang masyadong na-feel ang presence nya.

Enough with the complains! Here are the parts that I liked…!

KIMERALD. I think they’re perfect for the role kasi feel mo talaga ang chemistry. Kung hindi ka kinilig ewan ko nalang sayo! Ha! Ha!

ACTING. The acting is not bad. Surprised nga ako na medyo ayos din ang acting ni Robi eh. Sana magkaroon siya ng ka-love team. Tiyak na sisikat siya! (maybe) haha~ Nagampanan din ng maayos ni Melissa ang role nya. Sa loob nga ng sinehan habang pinapanuod ko siya tuwing nilalandi niya si Bogz nagngingitngit ang kalooban ko at bulong ako ng bulong ng, “Landi..landi..ang landi mo!!!”

LINES. Iba talaga ang mga hirit sa movie na ito. “Tanga na kung tanga pero mahal kita!”, “Sinyota mo ako, Bogz! Sinyota mo ‘ko!”, “Kahit anong gawin ko laging kulang.. laging kulang.”, “G*** ka pala eh, ikaw lang naman ang hinihintay ko.”, “Bogz, tayo nalang.. aking ka nalang.”…. Madami pa eh, yan lang naaalala ko kasi pinapakita sa commercial! Noong biyernes ko pa kasi napanood.. sori naman, short term lang ang memory ko! Pero hanep talaga ang mga lines! Panalo!

Siguradong maraming naka-relate dito. Di na ako magtataka kung marami ang mag-bestfriend na lalaki at babae ang mapapaisip na, “Mahal ko ba siya? Mahal ba nya ako? Pwede kaya kami?”… pwedeng may na-inspired sa film na ito at biglang nagtapat! Aba, malay mo!

TT_TT. Naiyak ako sa part about sa families nila.. lalo na on May’s side. Medyo naka-relate ako kasi masakit talaga iyong ginagawa mo na nga ang lahat para sa iba pero parang bale wala lang. Hindi ka nila ma-appreciate. Tingin parin nila sayo wala kang magawang matino. Kaya nga naiiyak ako pag pinagsasabihan si May ng tatay nya eh. Hu-hu!

All in all, i rate this movie 8 out of 10.

Before I forgot.. grabe! Super ang kissing scenes dito!!! Ang dami at ang..tagal! Di ko ma-take! Samantalang noong last movie nila together na “I’m Falling For You” ang pangit ng kiss at dampi lang. Lurrve it!!! Kinilig ako, wafu ni Gerald! AHHH!!!

P.S.

At the ending, ang gara ng suot ni Kim. Hindi bagay. (pizzzz!)

Ingat mga Bulakenyo!!

5 Comments

Alam kong super off topic nito para sa blog ko pero gusto ko lang na maging aware kayo sa mga nangyayari sa paligid. Marami na akong nababalitaan about rapists anf kidnappers na gumagala sa paligid so kung wala pa kayong naririnig about those, sana maging aware na kayo ngayon.

Ang unang balitang nasagap ko about those is last year pa around November. May gumagala daw na rapist sa guiguinto doon lang sa pagbaba ng tulay. Nakalimutan ko ang story about the victim. Sorry naman. Haha.

Ang pangalawang nabalitaan ko ay noong isang araw lang. May isang estudyante daw mula sa isang kilalang unibersidad sa Malolos ang na-kidnap. Linggo daw noon at naroroon ang estudyante dahil may tatapusin daw silang project ng kaklase nya. Halos walang tao sa daan noong araw na iyon. Habang mag-isang naglalakad ay may dumaan na van at hinablot siya papasok. Mayroon daw styro sa loob ng van.. marahil ay para maging soundproof o di kaya ay para walang masilip sa loob. Marami daw sila sa loob ng van. Puro mga bata. Kinuha ng mga kidnappers ang pera nila at cellphone. Mga bandang hapon ay ibinaba nila ang mga bata sa van at pinalaya. Marahil ay napansing wala silang makukuhang malaking ransom sa mga ito? Ewan ko. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay iyong ibinalik ng mga kidnappers ang cellphone kaya nakatawag ang bata sa mga magulang niya. Nakakapagtaka talaga.. ang weird!

Ang pangatlo ay ang text message na natanggap ko ngayon ngayon lang. Here’s what is says (edited for better understanding):

ANNOUNCEMENT:

Mga friends, especially sa GIRLS. Please beware! Kapag may nakita kayong bata na umiiyak at sinabing nawawala daw siya, WAG KAYONG MANIWALA. May ibibigay siyang address sa inyo. HUWAG MONG IHAHATID DOON. Bagkus ay dalhin mo nalang sa police station o dedmahin mo nalang. Dadalhin ka niya sa isang bahay at pag nag-doorbell ka ay may kuryente iyon at mahihimatay ka. Pagkagising mo ay nasa isang lugar ka na. NAKED. Rape victim ka na. Bagong style ito ng isang gang. (particularly, itinatapon sa guiguinto).

That’s totally creepy, don’t you think? Ikaw na nga itong tumulong sa isang ‘inosenteng’ bata, aba, na-rape ka pa!

Yan lang ang alam ko. Gusto ko lang na maging aware kayo tungkol sa mga ganyang bagay.

If ever may na-encounter kayo na anything suspicious, TRUST YOUR INSTINCTS. Wala namang mawawala sayo kung iiwas ka. Kailangang mag-ingat dahil delikado na talaga ang panahon ngayon. Bulacan used to be peaceful. Wala naman akong nababalitaang mga ganyan noon.

Ingat ka! ><"

New Year’s Resolution ni Charmz [2010]

1 Comment

Ang echos ko~ haha.. as if naman matutupad ko lahat ng nandito. Oh well, sana nga magawa ko ang lahat ng ito.

1. Magkaroon ng update or new post kahit isang beses lang sa isang buwan.

2.Makatapos ng story (kahit isa lang!!!) this year.

3. Umabot ng 3000 views ang blog na ‘to. (Malapit lapit na..! haha..) [March 16, 2010]

4. Kunin ang ym ng lahat ng cute na napapadaan dito. (lahat ng napapadaan dito kyut! haha)

5. Magkakita ng theme na makukuntento ako at hindi ko na papalitan.

THE END.

Ang dami ano? Hahaha~ Parang mahirap atang gawin yung #1.. hindi bale, kaya ko ‘to!!! Wuuuu~

Ghost Hunting [12.21.09]

1 Comment

Katatapos lang ng christmas party ng org namin nang magkayayaan kaming magkakaibigan na mag ghost hunting. Maaga pa nun, mga 6:30pm pero madilim na talaga. Ang plano ay lilibutin lang namin ang school mula sa kinatatayuan namin hanggang sa gate 3 tapos babalik na.

Nagsimula na ang aming paglalakad at mahigpit ang kapit ko sa damit ng isa naming kasama. 22 yrs. old na siya at sabi nya na hindi siya naniniwala sa mga multo at kung makakita man siya, hindi parin siya maniniwala. Ang isa naman naming kasama ng makulit at nanakot at lagi akong ginugulat. Hinablot pa nga niya ang paka ko eh! Huhu!

Madilim na ang paligid ng school kung wala lang ilang ilaw na nanggagaling sa first floors ng buildings. Napadaan kami sa building ng College of Education. Doon ako nag-high school at may ilan na akong narinig na ghost stories doon.

Katulad nalang noong nagpapraktis daw ang mga kaklase ko  doon. Maingay daw sila at nagkukulitan hanggang sa may narinig silang kumalabog. Natahimik sila at nagmamadaling umuwi.

Nalagpasan na namin ang COE building at pumasok kami sa loob ng Integrated building – ang pinakaunang building sa aming eskwelahan. Isang bumbilya lang ang nagbibigay liwanag doon kaya naman nakakatakot. Balak pa nilang sa second floor kami maglakad pero we insist na sa first floor nalang.

Wala kasing kailaw-ilaw sa second floor ng building kaya naman nakakatakot talaga. At isa pa ay marami daw nagpapakita doon.

Korni ano? Ghost hunting na iniiwasan ang lugar kung saan may makikita ka. Haha! Eh sa nakakatakot talaga at saka baka mahuli pa kami ng guard. Patay kami!

Nangkukwentuhan kami habang naglalakad kaya naman hindi masyadong nakakatakot. May nakita pa akong alitaptap. Hehe.

Nang marating na namin ang dulo ng building na iyon ay makikita mo na ang gate 3 kaya naman napagdesisyunan namin na bumalik na. Nag-request muli sila na sa 2nd floor na kami dumaan pero ayaw taaga namin!

Tahimik lang kami habang naglalakad. Puro pagtapak lang ng mga sapatos namin sa hallway at ang mahinang kwentuhan ang maririnig mo. Patuloy parin sa pananakot at panggugulat ang isa kong kaibigan.

Dahil nga doon sa school na iyon ako nag-high school, nakwento ko sa kanila ang tungkol sa building ng COE. Mas lalong ginanahan ang dalawa kong kasama kaya nagyaya silang pasukin namin ang building.

Gusto nila na akyatin namin hanggang rooftop per apat na palapag pa ang aakyatin namin bago marating iyon kaya tumanggi kami. (KJ noh?) At isa pa, sa first floor lang may bukas na ilaw, sa taas ay wala na kaya talagang nakakatakot!

Nakakapit kami sa isa’t isa at nang marating ang ika-tatlong palapag ay huminto muna ang iba. Sobrang dilim na kasi at nilalamig kami. Hindi nga lang namin alam kung dahil ba iyon sa cold breeze na dulot ng Disyembre o dahil sa iba pang dahilan. Tapos may narinig pa kaming “Ssshhh” or something like that.

Nagyaya paring umakyat hanggang rooftop ang isa kong kaibigan pero ayaw na talaga ng mga babae (ako, slight). Kaya bumaba nalang kami.

Nanghinayang sila kasi hindi namin tinuloy. Dalawang palapag nalang at makakarating na kami sa rooftop. Sinabi ng mga kaibigan ko na gustong tumuloy doon na medyo natatakot narin sila kasi talagang malamig at madilim na doon. At isa pa, iba daw ang feeling nila.

Ang sabi ng 22 yrs. old na kasama namin ay baka kuliglig lang ang narinig namin. Bilang isang IT student, hindi daw kami dapat naniniwala sa mga ganoon.

Bumalik na kami sa sarili naming building. 7pm na ata noong mga oras na iyon. Nagpasya ang tatlo sa amin (including me) na makipag-videoke nalang sa mga ka-org namin at ng mga advisers ang iba naman ay tumambay nalang at nagkwentuhan.

Nagulat ang mga advisers namin at bumalik kami. Ang alam kasi nila ay umuwi na kami. Sinabi namin na nag-ghost hunting kami at nakwento ang nangyari sa COE building.

Sabi ng isa kong adviser na doon nagkolehiyo, nagkaklase daw sila dati doon sa rooftop hanggang 8pm at sila ang ang tao sa buong building. Iba daw talaga ang atmosphere at madami daw sa klase nila pati ang guro nila ang may nakita na lalaking nakasuot ng puti na naglalakad. Dahil nga daw doon ay dinismiss sila ng maaga.

Tinanong ko kung na-ulit pa ang pangyayaring iyon. Oo ang sagot niya. Sabi ay nakasanayan nalang daw nila. Pero ang heavy daw talaga ng feeling.

I’ve had enough of scares for today. Matatakutin kasi akong tao. Huhu! Talagang kinikilabutan ako. Sabi ko sa adviser ko na sana ay hindi kami magkaroon ng klase doon.

Ang sabi naman niya ay talagang hindi na naglalagay ng klase doon tuwing ganoong oras. Napalagay naman ako.

Well, kahit saan man kami mag-room ayos lang sa akin basta wala kaming unwanted visitors!!

Iyan ang unang karanasan ko sa paggo-ghost hunt na iniiwasan naman ang mga mumu. Hahaha!

Natatakot ako pero parang na-eexcite. Ewan ko lang kung sasama ba ako ulit kung sakali mang magkayayayaan nanaman ng ganoon.

😛

I want bawbaw to BURN!

1 Comment

December is supposed to be a month where people are happy and loving with each other. Everyone is supposed to be at peace, and laughter and smiles should be everywhere. Pero bakit ganito ang nangyayari sa paligid ko at sa sarili ko mismo? Nakakatawa pero simula nang dumating ang buwan ng Disyembre, marami ang nagkagalit sa section namin.

Sa tingin ko, sa amin nagsimula iyon. Sa tropa namin unang nagkaroon ng magkagalit – sa pagitan ko at ng isa ko pang kaibigan na tawagin nating bawbaw. Ang nanging dahilan noon? Pagbili ng baon para sa field trip. Yep. Yun lang yun. At hanggang ngayon magkagalit parin kami. Ang nangyari kasi, dapat ay sama sama kaming mamimili ng baon pero hindi natuloy iyon dahil may ginagawa pa ako sa org namin kaya naman nauna na ang dalawa kong katropa. Hinanap nila si bawbaw pero hindi nila nakita kaya naman nauna na sila. Ako naman, akala ko sama sama na silang tatlo na namili.

Bandang hapon ako namili kasama ng isa ko pang kaibigan. Medyo nagtagal kami dahil lumamon pa kami ng Shawarma sa isang grocery store at float sa mcdo. Nilibre nya nga ako doon sa dalawa eh. Yown! Tapos nakatanggap ako ng text message mula kay bawbaw at nag-eemo siya at sa tingin ko ay nagpaparinig pa. Nagpapasalamat daw siya kina **** at ### dahil sinamahan siya ng mga ito na maghintay. Nagulat ako, nandoon pa pala siya sa eskwelahan?! Pagbalik namin ng kaibigan ko sa eskwelahan nakasalubong ko si bawbaw kasama si **** at ###. Sinalubong ko siya at nag-sori ako. Nagsalita siya in a monotone voice at without eye contact na ayos lang daw siya. Ewan ko ba pero nainis ako. Pagkauwi, nag-BUZZ ako sa kanya sa messenger pero ang puro emoticons (na mataray) lang ang reply niya sa akin. Pero wala naman talaga akong sinabing matino. Puro ahmmm.. ehhh.. kasi.. ano…. lang ang mga nasabi ko.

Kinabukasan (field trip na!!!) dumating ako at hindi kami nagpansinan. Hindi ko alam kung sino ang unang hindi namansin sa amin pero paano nga naman malalaman iyon? Haha. Dumating ang dalawa kong katropa at nag-sori sila kay bawbaw. Pero hindi sila pinapansin. Nainis nanaman ako kasi para doon lang nagtatampo siya ng ganoon. Binase ko lang naman ang observation ko kung sa aking mangyayari ang ganoon. Hindi naman ako magtatampo ng ganoon kung iiwan nila ako. Malamang pabiro ko silang pagsasapakin. Ayos pa sana kung sinadya namin na iwanan siya pero hindi naman. Sa kalagitnaan ng field trip, nagkabati na silang tatlo. Pero ako, hindi ko parin siya pinapansin. Naiinis parin kasi ako sa kanya. Naisip ko na hindi naman pwedeng lagi nalang ganoon. Ayoko pa naman sa mga taong matampuhin sa mabababaw na bagay. At naisip ko nagsori narin naman ako, nakita ko na ang rection niya. I’ve done my part. Ako pa ba ang lalapit sa kanya ang magso-sori ulit? Ako kasi ang tipo ng tao na kapag nahihirapan magsori kapag lumipas na ang araw. Kapag lumipas na ang araw at hindi pa kami bati, eh di bahala na siya sa buhay niya. Nakakasawa din mag-sori. At saka sabi niya ayos lang siya, eh anong iyong iniinarte nya? Mas lalo lang akong nabwisit.

Noong isang araw habang nagpo-program ako, nag-BUZZ siya sa messenger ko at may tinanong about sa pasahan. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na namemersonal sa ganoong bagay. Nagtatanong lang naman eh. Let’s be civil nga di ba? Ganoon ang naging pakikitungo ko sa kanya simula noong nagkagalit kami. Minsan naiisipan kong makipagbati kaya doon ako umuupo sa tabi ng upuan niya, pero tuwing dadating siya, one seat apart kami. Hindi niya ako tinatabihan so naisip ko nagiinarte pa siya. Balik tayo sa messenger… Ayon, sinagot ko na iyong mga tanong niya regarding sa pasahan. Tapos nagtanong siya kung galit daw ba kami. Nalukot naman ang mukha ko sa nabasa ko. Hindi ba niya feel iyon? Ayon sa mga pinagkikilos niya, malinaw sa akin na alam niya na galit kami. Sabi ko nalang ewan ko. Tapos sabi niya, hindi naman siya nakikipagbati dahil lang may kailangan siya sa akin blah blah blah (nakalimutan ko na eh), magpapasko na ganito pa ba tayo?

Naisip ko, eh alam mo naman pala na galit tayo eh. Mas nainis lang tuloy ako. Lalo na sa huling sinabi niya. Parang ako pa ang lumalabas na masama at kontrabida eh wala naman akong ginagawa. Por que ako ang mas halata ang inis sa aming dalawa para bang lumalabas na inaapi api ko siya. Hay nako! Naiinis ako habang tinatayp ko ito. Naiinis din ako sa sarili ko dahil parang ironic dahil pinatulan ko ang kababawan niya kaya parang naging mababaw narin ako. Hindi ko na siya nireplyan kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Bad trip ako eh. Nag-code nalang ako. Tapos nagsend nanaman siya ng message na nagsasabi na pwede daw bang isend nya ang program niya sa akin dahil hindi daw siya makakarating kinabukasan upang magpasa. Ay nako, hindi pa nga kami bati nakikiusap na. At anong nangyari sa “HINDI NAMAN SA NAKIKIUSAP AKO KAYA AKO NAKIKIPAGBATI”??? Eh hayun at nakikiusap na siya. Kinausap niya ako after two weeks dahil may kailangan siya. Nako, hindi ko nga siya nireplyan. Kaloka siya weh. Tapos sinend nalang nya sa isa kong katropa.

Kinabukasan, maaga akong pumasok para magpatulong dahil may kulang pa sa program ko. Sa kasamaang palad, nabura ang code ng program ko sa hindi ko malamang dahilan. No code means no program!! Kaya ayon, super rushed ako sa pag-ulit ng program ko. Buti may pinagbasehan ako (thanks ate bud!!! shoutout to FRN pipz! ^^). matapos ang dalawang oras natapos na ako (huwaw). Ako ang naging dakilang taga-burn ng programs sa amin (at iyon naman talaga ang dahilan kaya ako pumasok ng maaga pero wala pa namang tao noong pumasok ako.. nye). Habang nagbu-burn ng CDs, sinabi sa aking ng katropa ko na pinasahan ni bawbaw ng program nya, i-burn ko din daw iyong kay bawbaw. Nagpintig ang mga tainga ko. Para bang may sumigaw ng “THE NERVE!!!” sa utak ko. Bwisit na let’s be civil na iyan. No way! Bakit kasi hindi siya ang mag-burn noong sa kanya. Nako. Nabadtrip iyong katropa ko sa akin. Nakakainis. Ako ang lumalabas na kontrabida eh sa naiinis ako eh. Siya din naman may kagalit at ganoon din siya sa kagalit niya kaya bakit siya naiinis sa akin? Hay nako! Whatever!

Nang matapos na akong mag-burn (ala nga palang bayad iyon at mga CDs ko ang ginamit ko.. buti may nakaalala na magpasalamat) humabol iyong kaibigan ko na nanlibre sa akin ng tsibog. Dumating din ang iba kong kaibigan na pinipilit akong i-burn din iyong kay bawbaw. Sa huli napilit din nila ako dahil ayoko namang lumabas na sobrang sama at bumalik narin ang espirito ni “Let’s be civil” sa akin. Pero labag parin sa loob ko na gawin iyon. Hindi ko na alam kung kanino ako maiinis.. kung sa sarili ko ba, kay bawbaw, o sa mga kaibigan ko. Iniwan na kami nung nabadtrip na kaibigan ko. Tinatawag namin siya pero ayaw niyang lumingon. Ayon… kontrabida talaga ang labas ko. NAKOO!!! NAIINIS TALAGA AKO NGAYON HABANG NAGTATAYP!!! Noong bandang hapon, nagtext si friend na nabadtrip at nagpasalamat dahil binurn ko ang program ni bawbaw.

Hay ewan ko ba.. naisipan ko lang magpost dito kasi feeling ko sasabog na ako sa inis. Naiinis ako sa kababawan ng mga pangyayari. Pero kahit alam ko na mababaw iyon, hanggang ngayon wala parin akong planong makipagbati kay bawbaw.

Ako na ang maldita kung maldita. Pero lahat naman ng tao may kamalditahan kapag may kagalit, hindi ba? Kapag ba may kagalit ka mabait ka sa kanya? I rather be called maldita than PLASTIC!

Kung nabasa mo itong lahat, you just wasted a few minutes of your life.. 😛

JAM LEGEND ~ ^^

1 Comment

PLAY/JOIN NOW!

A friend told me about this site and it’s awesome(for me)!!! Check it out and try it! It’s fun and can ease your boredom! Haha.. really, trust me!!!!

See you there!

TWILIGHT SAGA DOWNLOAD (E-Book COMPLETE!)

Leave a comment

Wow.. I never thought I could complete this.. well, not using my money in my slender pocket anyway. Haha.

I just want to share with you guys the download links I found in case you’re so desperate because you’re so poor that you can’t buy the real thing! (just like me)

Just click on the book you want to download.. and oh! All of them are .pdf files so you might want to download an Adobe Reader before reading this.

TWILIGHT

NEW MOON

ECLIPSE

BREAKING DAWN

YAY!!! Aren’t you happy?? I’m happy!!

BUT STILL REMEMBER TO BUY THE BOOK IF YOU CAN! LET’S SHOW OUR LOVE TO STEPHENIE MEYER!! I’M STILL GONNA BUY THE BOOKS IF I SEE ONE AND HAVE ENOUGH MONEY, OF COURSE!

Oh, and before you read, leave a comment if you may.

^^

EDIT:
The links doesn’t work anymore.. copyright issues maybe. Just PM me if you want a copy or something.

Something I remembered..

1 Comment

I remembered something just now..

My high school teacher used to say this a lot and I can’t help sharing it with you guys..

WISE is he who learns from his mistakes but,
WISEST is he who learns from the mistakes of others.

We, as human, make mistakes and we learn from them BUT, don’t you think it would be better if we learn something not through our own mistake but from others?

But still…

Curiosity kill the cat, right?

;P